Rose 1

141 5 6
                                    

*drip* *drop* *drip* *drop* *drip* *drop*

Nagising ako dahil sa ulan. Bukas ang bintana malapit sa kama ko at nakita kong nabasa na ang kumot at damit ko.

Agad ko na ito sinara at sinubukang matulog ulit...

*BOOGSSH*

Napamulat ako dahil sa isang malakas na kalabog na narinig ko mula sa pintuan.

Nandito nanaman ang sira-ulo kong step-father...

Lagi na lang pag-uuwi siya. Pupunta siya sa kwarto ko at kung ano-anong kabalastugan ang ginagawa niya sa akin.

Tinatadyakan...

Binubugbog....

Ang pinakamalala ay..

Pagkatapos mamatay ni mommy, winaldas na niya ang perang pinaghirapan nito..

Palibhasa hindi niya ako tunay na anak. Hindi na niya ginalang ang pagkababae ko.

Nakakandado ang pinto ko.

Takot ako sa kung ano ang pwede niyang gawin sa akin.

Gabi-gabi akong nagdarasal na sana..

Sana lang..

Maka-alis na ako sa malademonyong bahay na ito.

*BOOOM!*

Nabuksan niya ang pintuan. SHIT.

Dinoble ko na nga ang pagkakakandado nun ah?

Lumapit siya sa akin.

Amoy alak nanaman. Langhiya.

"Aray, Dad nasasaktan ako." ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

Pinipilit kong hilain ang kamay ko sa pagkahawak niya. Pero wala talaga eh..

Lalaki siya, mas malakas talaga siya.

Siya pa ang humila sa akin at sinipa ako sa tiyan.

"Araaaaay!!" napasigaw ako sa sakit.

Inulit-ulit pa niya ito. Hanggang sa nagkapasa na yung mga braso ko.

Nakahiga ako sa sahig habang hawak ang tiyan ko.

Bigla niyang hinawakan ang mukha ko.

"Ikaw bata ka!! Sabi kong wag mong i-lolock ang pintuan mo! P***** mo!!"

"T-tama na."

"Magsasalita ka pa! HA!!"

Sinapak niya ako sa kadahilanang natumba ulit ako sa sahig.

"Tama na.. Tama naa.." sabi ko.

"TAMA NAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA."

biglang naglaho ang lahat.....

biglang nagdilim ang paningin ko at......

wala.. wala... wala nang mas nakakatakot pa sa karanasan ko...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"OH SHOOT! Late ako. Ngayong araw pa?"

Sabi ko habang tumatakbo papunta sa Graduation Venue. Sa lahat ba naman ng oras?

*Breath in* Breath out*

"Woooh." nakapila na sila. Buti nakaabot pa.

Ang tanda ko na nga eh, hindi pa ako makakagraduate kung nahuli ako ng punta.. Buti na lang mabilis ako.

RosehillWhere stories live. Discover now