Unexpected Love

Magsimula sa umpisa
                                    

Sa kalagitnaan ng practice game...

"Ipasa mo kay Ash!! Castillo, ipasa mo kay Ash!!!" sigaw nung coach naming sa kakampi kong may hawak ng bola.

Walangyang coach to, ipasa daw ba saken? At ang uto-uto pinasa nga. Pagkapasa nya sa saken, walang lingon lingon kong pinashoot at...

Shoot...

"kyaaaaaaaahhhhhh!!!" sigaw nung mga babae sa bench. FAN ko siguro. Wala eh, ganun talaga.

Narebound to nung kalaban at hinagis sa kabilang side malapit sa ring. Malakas ang pagkakabato nya kaya hindi nasabot nung kasama nya. Lumagpas to sa court at...at...waaahh...tinamaan si MyLoves at w-walang malay. Mabilis akong lumapit sa kanya, binuhat ko sya at dinala sa clinic.

Malalagot saken ang lalaking yun kapag may nangyaring masama kay MyLoves. MALALAGOT TALAGA SYA!!!

-LIAN'S POV-

Ang sakit nang ulo ko. Parang umiikot ung paningin ko. Binuksan ko ang mata ko, andito ako sa clinic...eh?t-teka, b-bakit ako nakarating dito? Ano bang nangyari? Bakit ang sakit ng ulo ko?bakit-----

"Oh Bessy gising ka na pala?" si Bessy.

"Hindi Bessy, tulog pa ako, guni guni mo lang yun" sabi ko. Kita naman, itatanong pa -_-

"Ikaw talaga Bessy,PATAWA!" – Eunice na parang baliw. Bakit? Kasi kanina pa syang nakangiti. Hindi basta ngiti. Ngiting parang may something syang tinatago.

"Teka nga! Ano bang nangyari? Bakit ganyan ka makangiti? Para kang nanalo sa lotto" tanong ko sa kanya.

"Hindi ako ang nanalo sa lotto, kundi ikaw" sabi naman nya na may ngiting malapad na malapad. Huh?anu daw?

"Hindi naman ako tumataya sa lotto eh, paano ako mananalo?" tanong ko.

"Ah basta -_-" – Eunice

Hinintay lang namin ung lalaking adik sa ballpen at umuwi na kami. Tinanong ko nga pala si Bessy kung sino ung nagdala sakin sa clinic alam ko na kasi ung nangyari bago ako mawalan ng malay, pero isang malapad na ngiti lang ung sagot saken ni Bessy. Oh diba? Parang baliw lang. Haist ang gulo.

-Kinabukasan-

Haist, nasan ba yung babaeng yun? Pagod na ako. Bumili muna ako ng pagkain bago ulit ako bumalik sa paghahanap. Kalahating oras na ako naghahanap sa kanya. Teka! Bakit hindi ako magtanong sa mga kaklase ko? Ang syunga ko naman.. Nakita ko si Nyela.

"Nyela, nakita mo ba si Eunice?" Tanong ko.

"Ah, parang nakita ko sya sa likod ng campus, try mo rin" sagot naman ni Nyela.

"Ah ok, thanks" sabi ko sabay ngiti at dumiretso sa likod ng campus.

Nung nakarating ako, nagulat ako sa nakita ko. Hindi ako makakilos, parang nagsisisi ako sa pagpunta dito.

Dapat pala hindi ko na lang sya hinanap. Dapat pala inintay ko na lang sya sa room.

Tumakbo na lang ako palayo sa kanila habang umiiyak. Oo sa KANILA, sino ang nakita ko? Si Eunice kasama si A-Ash, at nagtatawanan sila.

Nag ayos muna ako sa sarili ko sa c.r bago ako dumiretso sa room. Nang makarating ako sa room nakita ko agad si Eunice. Hindi ko sya pinansin at dumiretso na lang sa upuan ko pero agad din naman syang lumapit.

"Saan ka galing?" tanong nya.

"Dyan lang" cold kong sagot sa kanya ng hindi tumitingin at nagbubuklat lang ako ng notes kahit hindi ko alam kung ano ang makikita ko dun.

UNEXPECTED LOVE <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon