Unexpected Love

916 26 17
                                    

A/N: Kung hindi nyo pa nababasa yung 1st story ko, please pakibasa po dahil baka po kayo maguluhan at hindi masyadong makarelate..k?

my first story:BALLPEN by ciiekeyy

sana magustuhan nyo to...

^_^V enjoy..

------------------------------------------------------------------

-LIAN'S POV-

"Hoy, Lian!"

"Hey, Lian to Earth, Earth to Lian!"

"LIAN! ANU BAAA???" hay, anu ba naman si Bessy makasigaw parang baliw.

"Makasigaw ka naman" malumanay kong sagot. Sya si Eunice, remember? Magbestfriend kami. Syempre masaya na yan. Sila na nung CRUSH/seatmate nya, ung lalaking adik sa ballpen, si Dylan. Samantalang ako T_T huhuhu hanggang nakaw-tingin na lang.

"Oh anu naman yang mukhang yan? Parang binagsakan ng langit at lupa, isama mo na rin ung tubig" ito talagang si Bessy, PATAWA!

" Eh kasi naman, hindi pa sya dumadaan" pagmamaktol ko. Eh kasi kanina ko pa syang inaantay, hindi pa rin sya dumadaan. Inabot na nga ako ng recess eh. T_T huhuhu

"Anu ka ba naman, monthsary namin ngayon gusto mong sumama?" alok nya. Buti pa si Bessy. Oo , monthsary na nila nung lalaking adik sa ballpen.

"Thanks, but no thanks." Pagtanggi ko. Maingit pa ako sa kanila, bakit? Eh kasi naman----

"BABY KOOO!!!" tawag nung lalaking adik sa ballpen, si Dylan. Lumapit sya sa amin, kasalukuyan kaming nakaupo ni Bessy.

"Baby ko! Happy Monthsary saten" bati ni Dylan sabay bigay ng gift kay Eunice.

"Happy Monthsary din, baby ko!" Bati naman ni Eunice at nagbigay din ng gift kay Dylan.

See? Sino ang hindi maiingit sa ka-sweet-an ng mga yan? Tas nasa harapan pa nila ako. NASA HARAPAN NILA AKO!!! Akong sawi sa pag-ibig tas dito pa sila naglalambingan?! SAKLAP DRE?!

"Oh hindi ka ba talaga sasama?" tanong ulit ni Eunice. Ulit-ulit? Hindi nya ba alam ang kasabihang 'wag pilitin ang ayaw, baka pumayag'?

"Hindi." matamlay kong sagot.

"Okay. Kakain lang kami sa canteen ha" paalam ni Eunice.

"Sige, Happy Monthsary na lang" bati ko.

"Tara na, baby ko. Hinihintay pa nyan ung prince charming nya" sabat nung lalaking adik sa ballpen.

"Ewan ko sayo lalaking adik sa ballpen" biro ko.

Umalis na lang sila habang natatawa. Antagal naman kasi ni my loves, oo my loves ang tawag ko sa Crush kong si Ash. Ash Castor o si MY LOVES. Maya-maya, naglakad-lakad na lang ako. Napadpad ako sa basketball court ng school. Nagbabakasakali na andito si MyLoves, varsity kasi sya.

-ASH'S POV-

Nagpapractice kami ngayon sa basketball, varsity ako. Malapit na kasi ang intrams ng school kaya kailangan todo practice. Di ko tuloy nakikita si Myloves. Kasi pagpapasok sa school, bawal na pumunta sa room kelangan diretso sa court.

Magkatabi lang ang room ko at room ni MyLoves, miss ko na sya T_T. Nung wala pa kamingg practice, lagi ko syang nakikita sa pintuan ng room nila. Dun sya nakatambay kasama ang bestfriend nyang si Eunice. Paano ko alam? Mahal ko sya eh.

UNEXPECTED LOVE <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon