Chapter Thirty One

713K 20.2K 4.6K
                                    

Marian's POV

"I still can't believe you're pregnant! Akala ko tumataba ka lang." Sabi ni Andrea. I was on my third month of pregnancy when I decided to tell my friends about it. As I expected, they were all shocked. Minabuti ko ng sabihin sa kanila dahil malalaman rin naman nila kapag lumobo na ang tiyan ko. Nararamdaman ko naman na malapit na mangyari iyon. My breasts and my stomach were growing each passing day. Mas magugulat sila kapag magkita kaming bilog na bilog na ang tiyan ko.

"And we thought you were going to dry up like an old prune." Ani Rose.

"How did that happen? Wala ka naman boyfriend? O wala nga ba?" Tanong ni Betsy.

"I don't have a boyfriend." I sighed.

"Paano ka nabuntis? Sino ang ama ng anak mo?" Andrea asked, completely baffled.

"Does it matter?" I shrugged, chewing on my pasta. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila kaya ayaw kong sabihin ang tungkol sa ginawa ko at ang tungkol kay Seth. I just didn't feel like I should be telling them when the own father of the baby I was carrying doesn't even know. Kung may higit na dapat man makaalam nito iyon ay si Seth pero alam ko naman na hindi mangyayari iyon. I guess I'd have to keep this secret to the grave.

"Of course, it matters! Ano ba? Buntis ka ba talaga o nagbibiro ka lang?" Hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Rose.

"I really am pregnant." I said. "Thirteen weeks and two days pregnant."

"How did we not know about this? Bakit hindi mo sinabi sa amin last week noong nasa bahay tayo ni Rose?" Tanong ni Betsy.

"Hindi ko alam kung paano sasabihin sa inyo. Alam kong ganito magiging reaksyon niyo." I rolled my eyes.

"Was it a one night stand? Did you have a one night stand?" Tanong ni Andrea.

"Oh my god! Sinunod mo ang advice namin?!" Napatutop ng bibig si Betsy. "YOU HAD A ONE NIGHT STAND, DIDN'T YOU?!"

"Hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga buntis ako, magkakaroon na ako ng anak at hindi na ako tatanda mag-isa. I finally have something to live for." Sagot ko. "Kaya ko naman mag-isang palakihin ang anak ko. Can't you just be happy for me?"

"We're happy for you Marian." Seryosong sabi ni Betsy. "Nagulat lang kami. Thirteen weeks ka ng buntis tapos ngayon lang namin malalaman?"

"I'm sorry." I sighed. "Hindi ko naman pinlano na pataggalin ng ganito bago ko sabihin sa inyo. Masyadong lang talagang marami ang nangyari sa loob ng maikling panahon, masyadong mabilis."

"Okay, we forgive you." Sabi ni Rose. Then she leaned closer to me. "But how was your first time? Na enjoy mo naman?"

Kung alam lang nila na walang 'first time' na naganap. I stole Seth's semen and injected it in me. I had never even seen a totally naked full-blooded man in person. The only time I was involved in any sexual interaction was when I was the sperm.

"It was alright." I shrugged.

"Details?" Tumaas ang kilay ni Andrea.

"I don't kiss and tell." Simpleng sagot ko.

"Marian, alam ko na kaya mong buhayin ang magiging anak mo pero handa ka na ba sa responsibilidad? Sigurado ka bang kaya mo na? Ako nga ina ako at may ama ang mga anak ko pero nahihirapan pa rin ako, paano naman ikaw? Nag-iisa ka lang. Paano ang anak mo? Paano pag lumaki na yan at naghanap yan ng ama?" Seryosong sabi ni Betsy.

"I'll give my baby twice as much love as a parent could give para hindi niya maramdaman na may kulang sa buhay niya. You don't have to worry about me or the baby." I answered.

The Pregnant Virginजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें