Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti. Wala ako sa mood mag-ingay.

' SEUNGKWAN UMUULAN ! '- rinig kong sigaw ni Hoshi mula sa labas ng dorm.

' OHMYGAWD ! '- rinig kong sigaw pabalik ni Seungkwan.

Hindi naman sila maingay nyan ?

' You're not supposed to say oh my god '- rinig kong sabi ni Vernon kaya natawa ako.

' Ay nabaliw na '- sabi ni Joshua.

Hinampas ko sya ng unan sa braso. Eh sa malakas pandinig ko eh.

' Tara akyat tayo sa bubong '- sabi nya.

Baliw ba sya ? Umuulan ah ?

' Seryoso ka ? '- tanong ko.

' Oo. Tara '- sabi nya tapos hinila ako patayo.

Ang lakas padin ng ulan pagkalabas namin. Hindi na ko magtataka kung bat gustong-gusto neto sa tubig.

Tahong eh.

Oy minsan lang ako mag-joke tumawa naman kayo !

Umakyat na kaming dalawa dun sa bubong ng dorm nila.

Ang dulas kaya ! Pag ako nahulog dito wala din namang sasalo sakin !

Di nga ko magawang saluhin ng tahong na to eh hulog na hulog na ko sa kanya !

Joke lang yun.

Di pa naman ganun kalalim feelings ko dito. Crush lang.

' Pag ako nagkasakit ikaw mag-aalaga sakin ha '- sabi ko sa kanya pagkaupo namin.

' Hindi yan. Poprotektahan naman kita eh '- sabi nya.

Hindi ko alam kung sadyang malakas lang talaga yung ulan kaya hindi ko narinig yung sinabi nya or hindi nya talaga pinarinig sakin.

' Hindi ba tayo tatamaan ng kidlat dito ? '- tanong ko sa kanya.

' Matatangkad na bagay lang tinatamaan ng kidlat '- sabi nya sabay pitik sa noo ko.

' Matangkad kaya ako ! '- sabi ko sa kanya.

' Hindi ah. Parang lumiit ka nga eh. Dati nasa isip lang kita tapos ngayon nasa puso ko na '- sabi nya.

Naramdaman kong nag-init yung pisngi ko dahil sa sinabi nya pero agad din naman akong naka-recover kaya hinampas ko sya sa braso.

' Landi mo '- sabi ko sa kanya.

' Sus. Kilig ka naman '- sabi nya.

Oo na. Tss.

' Maganda ba si Manager Yumi para sayo ? '- tanong ko sa kanya para change topic.

Tumingin sya sakin bago sumagot.

' Oo pero mas maganda ka '

ANO BANG NAKAIN NETONG TOKWA NA TO ?!

' Seryoso kase .. '- sabi ko sa kanya.

' Mukha ba kong hindi seryoso dun sa sinabi ko ? Maganda ka naman talaga eh '

Kaninang-kanina ko pa gustong tumalon mula dito sa bubong.

Kaninang-kanina pa din nagwawala yung puso ko.

' Wag ka ngang magsabi ng ganyan sakin. Baka kasi may gawin akong nakakagagong bagay .. '- sabi ko.

' Gaya ng ano ? '- takang tanong nya.

' Maniwala '- nakayukong sabi ko.

Natahimik kaming dalawa pagkatapos nun.

Naramdaman kong hinawakan nya yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

' Totoo Soonbyul. Maganda ka. Wag mong i-down ang sarili mo '- sabi nya sakin.

Napatitig lang ako sa kanya. Ang gwapo nya kasi lalo dahil basa at ang messy yung buhok nya.

Napatingin ako sandali dun sa suot kong mood ring at nakita kong matingkad na pink yung kulay nun.

Hindi pala to sira. Sadyang in denial lang ako dati.

' Tara na. Baka magkasakit ka pa '- sabi nya.

Ngumiti nalang ako tapos bumaba na kaming dalawa.

Nagpunta muna sya sa dorm para magpalit ng damit. Syempre nagpalit na din ako sa apartment ko.

Naghahalungkat ako sa drawer ko ng para maghanap ng isusuot nang may makita akong kulay blue na panlalaking damit.

Bat meron neto dito ?

Then naalala kong nakiligo dito si Vernon dati. Naiwan nya ata at napasama sa mga damit na lalabhan ko noon.

Nagkibit-balikat nalang ako at sinuot yun. Mahilig kasi ako sa mga damit na malaki. Dun kasi ako komportable.

Naupo ako sa kama at nagbukas ng Twitter habang hinihintay si Jisoo.

Nagsisi lang ako kung bat ko pa binuksan yung Twitter kaya pinatay ko nalang yung phone ko at nahiga.

Dumating na din si Joshua at nahiga sa tabi ko.

' Huy, umiiyak ka ? '- gulat na tanong nya sakin.

Napahawak ako sa pisngi ko at nagulat ako kasi umiiyak nga ako.

' A-Ah napuwing lang '- sagot ko tapos pinilit kong ngumiti.

Nagulat ako nang bigla nyang hawakan yung magkabilang pisngi ko at pinunasan nya yung luha ko.

' Anong problema ? '- tanong nya.

Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isip ko at bigla ko syang niyakap at naiyak na naman.

Naramdaman kong hinagod nya yung likod ko at hinayaan nya akong umiyak.

' Mukhang hindi mo pa kayang sabihin sa ngayon .. '- sabi nya.

Dahan-dahan akong tumango.

' Basta nandito lang ako sa tabi mo palagi '- bulong nya sakin.

Sobrang natutuwa ako dahil nandyan sya palagi para sakin.

Eto lang naman ang kailngan ko sa ngayon eh. Yung may makakapitan.

' Salamat Jisoo at nandyan ka '- bulong ko.

We stayed in that position for a while. Hindi ako naiilang. Ewan ko ba. Komportable akong ganito kami kalapit sa isa't-isa.

Mas gumagaan tuloy yung pakiramdam ko.

Naramdaman kong dahan-dahang tumigil yung paghagod nya sa likod ko kaya I assumed na nakatulog na sya.

Napapikit na din ako dahil nakaramdam na ko ng antok

Hindi ko muna sasabihin sa kanya. Sa kanila.

Ayokong mag-alala sila sakin.

Kaya sa ngayon sasarilihin ko muna to.

Hangga't kaya ko.

--

Joshua or Vernon ? Comment po kayo. Tingnan ko lang po kung kanino yung mas marami.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now