Prologue
All good things must always come to an END.
We have to be hurt in oder to know.
Fall in order to grow.
Lose in order to gain.
Because all of life's lessons are taught through PAIN.
I've learned that people will forget what you said, people will forget what you did, but people will never forget how you made them feel.
- Yalehj1423
No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means.
Electronic or mechanical, including photo copying, recording, or by any information storage and retrieval system without written permission from the author.
Plagiarism is a crime!
-------------------------------------------
---------------------------------
Habang naglalakad ako sa hallway, bulung bulongan na ang mga estudyante. Hindi nila ako napansin dahil abala sila sa pag aabang sa 'The 3 famous Kings' korni diba? Ewan ko nga kung saan nila nakuha yang kaek ekan na yan. Pero ang TTFK o The three famous kings ay kilala dito sa 3D University. Bakit 3D university? Hindi ito yung mga nasa movie ha. 3D means Dela Cruz, Delos Reyes and Dela Rama.
So back on reality, Here they are. Kung makarampa sila akala mo may red carpet. Hindi ko lang sure kung ako ang tinitignan nilang tatlo. Teka, bat naman ako assuming diba? Napatingin ako sa lalaking nasa gitna. He looks very familiar. Hmm. W-wait.
"Princess ...." Biglang sumakit ang ulo ko. Ouch .. Heto na naman.
Narinig kong tinatawag na ako ng aking magaling na kaibigan. Kaya inalis ko na ang tingin ko sakanila. Nahihilo na naman siguro ako sa daming tao .
"Hey Jade! Dito. Dali dali!" Kumakaway na sabi niya. Umupo na ako agad sa tabi niya.
"Bakit ba?"
"Paparating na sila! Mag ayos ka na jan, dali!"
Inirapan ko lang siya. Seriously? Ako? Mag aayos. Para sakanila? Duh? NEVER.
Heto na ang TTFK. Akala mo naman artista. Feel na feel nila pagkaguluhan eh! To namang mga haliparot na babae, mukha ng mga payaso dahil sa sobrang kapal ng make up na pinaglalalagay sa mga mukha nila. At isa pa, pati tong bespren ko, patay na patay din sa mga ugok na 'to. Ano bang meron sakanila? Dapat bawal yan dito eh. Masyadong paimportante ang mga hari na yan.
According sa fans club nila , Gwapo DAW kasi sila. Take note. Gwapo? Tss. Hindi naman sila GWAPO. Mukha silang GAGO -_- Promise! At ang members lang naman ng fans club nila ay halos 80% nang estudyante sa school :3 5k ang students dito kasi it's a public school. So sa maniwala kayo at sa hinde, mahigit 3,000 ang kasali sa club na yon. Grabe lang diba?
Kaya naman lumalaki ang mga ulo nila. Kasi ganyan . Haay nakoooo!
Tumayo na ako at hinila na si Anne papunta sa first class namen. Classmate ko kasi siya.
Nag simulang magsipasukan na ang ibang estudyante.
Naghanap na rin kami ni Anne ng mauupuan sa likod ng may nakita kaming natutulog doon kaya sa malapit na bintana na lamang kami umupo.
By the way, hindi pa pala ako nagpapakilala, I'm Jade Reyes. 16 years of age. 4th year and Section AA. Si Anne Santos. My bestfriend.
Napatingin ako sa likod. May natutulog na lalake. Hello? Silid-aralan kaya to.
Ano bang akala niya? Silid-tulugan? Nagising na yung lalake. Natulala ako, B-bakit ang gwapo?
He glared at me. "Anong tinitingin tingin mo?"
"Bakit? Masama?"
"Isn't it obvious?" He smirk. "Staring is rude miss."
Gwapo nga masungit naman! Sino ba to? Transferee? Tssk. Staring is rude miss. Bla bla bla. Pwe. Tss.
Inirapan ko nalang siya at tumalikod na. Baka masira pa ang araw ko.
***
A/N: Korni? Hehe! Read lang po ng read guys!
