Part 4

101 1 0
                                    

About finding GF/BF

Hindi lahat hinihingi o hinihiling, kusang dumarating yan sa puntong darating sayo, isipin ninyo kapag hiningi or biglaan kayo magka GF/BF me chance kayong lokohin o tipong gusto lang magkaroon or for acting. Mas maganda magmahalan talaga kayo kaya kapag gusto ninyo magkaBF or GF hayaan ninyo ang panahon na dumating sa inyo malay ninyo si Mr Right and Ms. Right pala yun. Di ba?

Broken Heart or being down

Pagka break sayo ng boyfriend mo or girlfriend mo, wag mo pakitang mahina ka, wag mo pakitang hindi mo kaya. Kasi habang mahina ka nilulugmok mo sarili mo sa putikan na talagang down kana papadown mo pa sarili mo tipong "Wala na nagmamahal sa akin" wag ganun, self pitty yun eh, dapat yung tipong "Hindi kita kawalan sa buhay ko" or Pakita mong malakas at kaya mo na wala siya hindi yung habang buhay ka na nakakulong ka sa kanya. 

Always remember, hindi ito sa suntok sa pader, or pagiyak or nauuwi sa inuman ang lahat.. Hindi yan solution, alam mo solution dyan? Bangon ka agad, wala mangyayari kung iiyak ka or iisipin mo yan bagay na yan. Magisip isip ka, magbago ka at pagready kana ulit, Maghanap ka nalang ulit ng iba... Saka di pa naman katapusan ng mundo para sa inyong dalawa, kaya kayo naghiwalay dahil di kayo para sa isat isa at di dahil narin sa mga kakulangan ninyo sa isat isa or meron siya nakitang pinakaayaw. 

Remember don't be insensitive na tipong wala lang sayo ang paghiwalay ninyo dahil alam kong kahit sabihin mong kaya mo at sa mata ng kaibigan mo ay malakas ka, laman ng puso mo ay MASAKIT.

Giving Chances and Bring back your relationship

"Anything deserves a second chances" By: John Connor (Terminator The Salvation)

lahat ay may chances, lahat ng pagkakamali ay kayang ituwid IN TIME di agad agad pero pwede agad agad because mawawala yan sayo kapag hindi mo parin baguhin ang sarili mo. Lahat ng bagay ay may kapatawaran, at lahat ng bagay ay may hangganan sa tipong napuno kana at sumabog kana sa limits ng iyong kalooban. Masasabi mo ang masasakit na salita. 

Kung ikaw ay lalaki at nakagawa ka ng kasalanan sa babae, magkaroon ka ng Humble at di pride pairalin dahil di ka uunlad dyan at lalo na kayong magkakalabuan. Humingi ka ng tawad lalo na maliit man o malaki kelangan parin yan at lambingin mo ang babae sa pamamagitan ng sweet voice at pagbigay ng bulaklak na may kasamang sulat or kung alam mong ano gusto ng babae na kapartner mo ng walang halong pagsumbat at ipakita mong deserve talaga na papatawarin ka talaga ng tao. 

Kung ikaw babae naman ang me kasalanan, madali lang yan, amuin or suyuin mo ng magaganda at pacute mong salita. Kaming mga lalaki ay madali lang amuin, Pero depende din yan kung ang lalaki ay medyo bato sa ganyan at tila puno na. Syempre magpakatawaran kayo sa isat isa, wag umabot sa takdang oras na lumalabo na ang lahat at di ninyo masulusyonan ang lahat. Isave ang dapat isave kung deserving talaga.

Any chances has a worth prizes and rewards...

Pag gusto mo talaga makipagbalikan, suyuin at gumawa ka ng paraan para magkabalikan kayo lahat lahat, yung deserving na makipagbalikan yung bang ang tiwala ay maibabalik talaga sayo, Kung mahal mo talaga, gumawa ka ng way of surprising kung saan siya mahina.

Pero kapag umabot sa tipong wala na talaga pagasa dahil nakahanap na ng iba, wag na mangulit at magmove on kana kasi kaya siya nakapagmove on at nakahanap ng iba dahil ayaw na niya muli masakatan dulot ng ginawa sayo. 

Mga desisyon na dapat:

1) pagpinamili ka ng nanay o tatay mo kung Girlfriend/Boyfriend o ang studies mo ang sabihin mo "Studies but save your relationship by hiding it and make it secret"

2) Kapag pinapili ka ng Girlfriend/Boyfriend kung ikaw o siya, sabihin mo ay "SIYA, dahil siya ang mahal mo at hindi yung nagpasakit sayo" or depende kung sino talaga nilalaman ng puso mo.

3) Kapag nasa katwiran, Ipaglaban mo

4) Kapag wala sa lugar, sitahin mo

5) Kapag nagselos siya sayo, iparamdam mo pagmamahal mo sa kanya at pawalain mo ang selos niya sa pamamagitan ng lambing at suyo.

6) Kapag hinayaan ka, Lapitan mo at kulitin.

7) Kapag cold niya sayo, kausapin mo

8) Kapag nagalit siya sayo wag mo ipagwalang bahala at ayusin mo at suyuin mo na di na mauulit or siguraduhin wag na mauulit

9) Kapag mabait siya sayo, suklian mo din ng kabaitan

10) Kapag binato ka ng bato ng kaaway mo, batuhin mo ng tinapay (Alam na ninyo yun kung paano, kung hindi ito yun "Kapag kayo inaway suklian mo ng kabaitan para di na kayo awayin")

AdvicesWhere stories live. Discover now