C3: Special Alone Time

2.4K 80 10
                                    

C3: Special Alone Time

-

[Courtney Indayo - Monterren]

Bago kami makarating sa isang resort sa Laguna, dumaan muna kami sa bilihan ng makakain namin doon, pwedeng madaling lutuin pati ipampapalit naming damit.

"Maghiwalay muna tayo, Stephen." Biglang sabi ko dito nang makabili na kami ng sarili naming damit. Kulang pa ng under garments.

"Bakit?" Kunot noong tanong nito sa akin.

"Mamimili ako ng under garments ko. Nakakahiya!" Agad na sagot na na mukhang nag iinit pa ang mga pisngi ko.

"S-sige. 'Wag kang lalayo masyado, baka mawala ka. Wala kang dalang cellphone 'diba?" Parang nang aasar pa ito.

"Dito ako babalik. Kapag wala ka dito, edi pupuntahan ko ang kotse mo." Dahilan ko.

"Sige. Bilisan mo lang."

"Yes, yes!" Nakangiting sagot ko saka tinanggap ang perang ibinigay nito.

Naghanap ako ng bra at panty. Nakakahiya na ngang bumili ng ganito mag-isa lalo pa kaya pag may kasamang lalaki.

Pagbalik ko kung saan siya iniwan nandoon pa rin ito. Ang galing naman.

"Buti naman nandito ka na. Dadaan pa tayo sa laundry shop eh." Paalala nito.

"Aah. Ok." Sagot ko naman.

Dumaan nga kami ng laundry shop saka nilabhan at dri-na-yer ang mga nilabhan namin. Hindi kasi namin pwedeng isuot lang ang pinamili namin baka may mga nagsukat na no'n.

Pagdating namin sa resort, ang tahimik buti na lang may karaoke. Kaso kami lang naman ang nandito. May dalawang kwarto na may cr na sa loob, isang malaking pool at ihawan sa labas.

"Mag-iihaw muna ako. Gusto mo mag karaoke?" Alok nito.

"Mamaya na." Nahihiyang sabi ko.

"Nahiya pa! Alam ko naman libangan niyo ng mga kaibigan mo 'yan." Natatawang sabi nito.

Sh*t! Ang dami talagang alam nito.

"P-paano mo 'yon nalaman?!" Pagtataka ko.

"I know everything. Hindi mo gugustuhing malaman." Nakangising sabi nito na nagpakilabot sa akin. Ay bakit?! Parang ang creepy ha.

-

Pagpasok ko sa kwarto ko na katabi lang ng kwarto niya. Nakatulog naman ako ng ilang oras. Nagising ako tangahali na dahil sa katok niya.

"Kakain na." Bungad nito nang buksan ko ang pinto.

"Sige."

"Halika na!" Sabi nito saka biglang hinawakan ang isa kong kamay at hinila na ako sa lamesa malapit sa karaoke.

Naupo kami saka kumain ng kanin at bbq.

"Ba't may beer ka? Bumili ka pala ng beer? Hindi ko napansin 'yan ah!" Gulat na pansin ko sa beer in can nito sa tabi ng plato niya.

"Apat lang naman. Gusto mo?"

"No thanks."

"Good."

"Good? Ikaw bad! Ba't kailangan mo pang mag-beer?" Kunot noong tanong ko.

"Pampatulog." Tipid na sagot nito.

"Aah. Kaya pala may stock ng beer sa bahay. Lakas naman ng trip mo. Tyaka ang aga pa para matulog. Swimming muna tayo!" Natatawang sabi ko.

"Hindi naman ako malalasing sa isang beer." Dahilan nito na parang nang aasar pa.

"Palusot nito." Nakangusong sabi ko saka ipinagpatuloy ang pagkain.

"Makalat ka pa rin talagang kumain ng bbq katulad noon." Biglang komento nito kaya na-concious ako bigla.

Napatingin ako dito at nagtama nanaman mga mata namin. Napaiwas naman agad ako ng tingin. Ngumiti ito saka may kinuha sa bulsa niya. Hinawakan nito ang pisngi ko saka pinunasan ang magkabilang gilid ng mga labi ko gamit ang panyo nito.

"T-thanks." Halos pabulong na sabi ko saka nito binitawan ang pisngi ko at uminom ng beer niya.

Hindi ko alam kung bakit napatitig ako dito habang patuloy ang paglunok nito ng beer. Naubos niya ito saka mahigpit na kinuyom ang can kaya nagulat ako saka ako binalingan ng tingin kaso nakatitig pa rin ako hindi na sa kanya kundi sa mga labi niyang madiing magkalapat.

Napaatras ako sa kinauupuan naming mahabang kawayan sa biglang paglapit ng mukha nito sa mukha ko.

"Stephen!" Agad na sambit ko nang muntik na akong  mahulog sa upuan. Mabilis nito akong hinapit papalapit sa kanya. Nasa likuran ko ang isa nitong braso habang napakapit naman ako sa suot nitong t-shirt sa bandang dib-dib.

"Careful.." Bulong nito.

Tumayo naman ako agad para mabitawan na niya nang bumitaw ang sa pagkakakapit sa t-shirt niyang nagusot sa pagkakahawak ko. Kumuha agad ako ng tubig sa ref saka uminom na puno pa rin ng kaba ang dib-dib.

Maya-maya ay naisipan ko ng magswimming pero hindi na ako nagpaalam pa kay Stephen. Naka-shorts at bra lang naman ako dahil kami lang naman ang nandito. Kasi sa totoo lang, baka mag t-shirt pa ako kapag maraming tao. Ayoko sa lahat ang binabalandra katawan ko sa public places.

"Beer nanaman? Akala ko ba mamaya na ang iba?" Kunot noong tanong ko nang makita ko ito sa isang sulok na nakababad ang mga paa sa pool. Hindi ako nito sinagot dahil tipid lang akong nginitian nito. "..Swimming ka din! Dali!" Sabi ko na lamang.

Hinawakan ko ang isang kamay nito saka ito hinila. Nagpahila naman ito at iniwan ang beer niya.

"Dito lang ako." Biglang sabi nito.

"Nagpahila ka pa! Hanggang dito lang naman gusto mo." Nakabusangot na sabi ko.

Pinisil nito ang ilong ko saka tumawa. Sh*t! Ba't kasi habang tumatagal mas lalong sumasarap ang tunog ng tawa nito sa pandinig ko?

"Nagpahila ako dahil may iba akong gustong gawin.." Mahinang sabi nito.

"Huh? Ano naman?" Kunot noong tanong ko.

Bigla nitong ipinalibot ang isang braso sa bewang ko at hinawakan ang kabilang pisngi ko saka sinakop ang mga labi ko. Nanlalaki ang mga mata kong naguguluhan kung anong una kong dapat gawin. Kung itutulak ba ito o pakakalmahin ba ang takbo ang puso ko.

Nanghina ako kaya napakapit ako sa magkabilang balikat nito. Marahan ako nitong hinalikan na kahit wala akong ginagawa ay nalalasahan ko na ang beer na nainom niya. Parang masarap ang beer.

I don't know how it happened, but I found myself responding to his soft kisses. Nakakadala. Mas lalo ako nitong hinapit kaya damang-dama ko ang magkalapat naming mga katawan. Parang nakakaubos ng hangin. Naghahabol ako ng hininga. Siya din. Walang bumibitaw. Ayokong bumitaw. Hindi ko alam kung bakit ayokong bumitaw. Ayokong tumigil. Lumalalim ang aming mga halik. Ayaw niya rin kayang tumigil o bumitaw? Bahala na nga.

-

C3 Edited: August 10, 2021

Fixing The Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now