Agad kong itinago ang phone ko na para bang may makakabasa nito. Gosh! I'm so paranoid!
Hindi parin ako sanay!
*Flashback*
Napakusot ako ng mata nang maalimpungatan ko. Nagulat pa ako sa brasong nakayakap sakin. Oo nga pala! Gosh, naalala ko na naman! We did it like four times? Hindi niya ako tinigilan! Waaah!
Napatingin ako sa katabi ko. Nakapikit siya at nakayakap sakin. Gosh, ang haba ng pilik mata niya! Unti unti kong tinanggal ang pagkakayakap niya sakin.
"Good morning, babe.. "
Nagulat ako nang magsalita siya. Holy crap! Bed room voice! Sobrang lalim pa ng boses niya at halatang galing sa pagtulog. Dumilat siya at ngumiti sakin.
"G-good morning din."
"Damn, you're so cute in the morning." Nagulat ako nang higitin niya ako at hinalikan sa labi. Hindi na ako nagpigil pa at hinalikan ko narin siya. Kung pagpipigil din naman ang pag-usapan ay dapat kagabi ko pa iyon pinairal. But I doubt that. How can I resist this gorgeous man?!
Ngumiti siya ng natigil ang halikan na iyon. "I can do this every morning."
Nginitian ko siya at sinapak sa balikat. "Bolero. Tss. Uuwi na ako maaga pa ang pasok ko." Sabi ko habang hinahagilap ang mga damit kong nagkalat. Shet! Nandun ata ang bra ko sa sofa niya!
"We can go to the office together." Sabi nito at walang pasubaling tumayo ng kama with his all naked glory! Waaah! Agad kong iniwas ang tingin ko.
"H-HINDI PWEDE!" Nagulat ako sa naging outbursts ko.
Agad siyang bumaling sakin, this time nakatapis na ng tuwalya at kunot ANG noo. "Why?"
"Kase ayoko munang malaman nila na.. " Damn, ano nga ba? Ayoko lang naman malaman nilang may something samin ni Lex! Baka malaman din nilang ka one night stand ko siya--well kung one night stand pa bang matatawag ito. Ah, basta, no!
"Ayaw mong malaman nila na?" Ulit niya sa sinasabi ko habang papalapit parin sakin. Bakit ba feeling ko talaga inaakit niya ko kahit sa simpleng paglapit niya? Pinag-igihan ko ang pagbalot sa layaway ko sa kumot niya. I saw him smirk.
"Ayaw ko lang na malaman nila na.. ano.. "
"Na boyfriend mo ako?"
Nanlaki ang mga mata sa sinabi niya. What? "ANONG BOYFRIEND?"
"Why? Aren't you my girlfriend now?" Nakataas pa ang noo na sabi niya.
Hindi ako nagpatalo at tinaasan ko rin siya ng kilay. "Mister, aren't you think this is too fast? I barely know you!"
Natawa siya sa sinabi ko. Ghad! Even his laugh was so sexy! Gosh!
"First, I love things fast. Second, then get to know me, miss."
Hindi ko alam kung ako lang ba iyon pero medyo double meaning para sa'kin ang unang sinabi niya! Waaah!
"What ever! Basta, ayoko malaman nila! I want things professional between us, mister. Lalo na at magkatrabaho tayo." I said straight to him.
"Okay, but don't expect me to do things 'professionally' especially when we are alone." Sabi nito at yumuko at walang pasubaling sinakop ang labi ko.
"See you at the office, babe."
*End of Flashback*
Hindi ako mapalagay simula nang mabasa ko ang text niya. Shet. Ano bang binabalak nitong loko na ito?
Nako, talagang wag niyang isisiwalat lahat dahil magreresign talaga ako dito. WAAAAH!
Tumayo ako sa desk ko at nagtimpla ng kape dahil sa nerbiyos. Alam kong pagpanerbiyos daw lalo ang kale pero wala akong paki-alam.
Pabalik na ako sa desk ko nang makita ko ang mga ka-officemate ko na nagsisibalikan sa mga ginagawa at nakita ko pa ang ilang babae na tumingin sa salamin at chinecheck kung ayos pa ba ang make up nila.
Agad ko naman pinigilan ang isang nagmamadali. "A-anong meron?" Tanong ko.
"Nandyan na si Mr. Mariano!" Sabi nito at agad umalis sa harap ko.
Bakit naman sila ganon kahagard? Waaah! I know! Maging ako rin naman! Gusto ko na ring magtago!
Nakita ko na sa lobby ang pigura ng lalaking iyon! Nandito naman ako sa dulo dahil nasa tapat parin naman ako ng water dispenser.
Iniwan ko na ang kape ko sa dispenser at agad na nagtago sa mini kitchen ng office. I cant afford to see him now! Hindi ko din alam kung bakit.
Dadaan siya dito kaya agad akong yumuko. Hindi naman siya siguro nagtitimpla ng kape nang hindi pa nakakapasok sa opisina, right? Or kung nagkakape man siya ay iuutos nalang niya iyon sa secretary niyang si Ashley, right? Okay, so ang paranoid ko na talaga.
Pero don't blame me! Ikaw ba naman may ka one night stand and turns office mate mo no?!
Pinag-igihan ko pa ang pagyuko ko hanggang sa narinig ko na ang lumagpas na mga yabag. Okay so, nakadaan na sila no? Time to get back to work, Nadine!
Nagulat ako nang bigyan bumukas ang pinto ng mini kitchen at bumungad sa'kin si Ashley. Agad akong nakahinga ng maluwag.
"Uhm, I drop my keys. Eto nakuha ko na, hahaha."
Shet. Bahala na kung nagmukha akong wierd. Papaalis na sana ako nang magsalita siya. "Nagpapatimpla kase si Sir. Mariano ng kape." Saad nito habang naghahagilap ng mug at nag ooperate ng coffee maker.
"Ah sige una na ako." Well, I'm not interested to know what that man's doing!
"Married na kaya si Sir. Mariano or may girlfriend? Ang swerte siguro ng asawa o girlfriend niya, no?"
Halos masamid ako sa sinabi ni Ashley kaya napalingon ako sa kanya. Sinabi niya pala yung habang naghahalo ng kape sa mug at nakatulala. Hindi ko tuloy alam kung kausap niya ako or sinasabi niya yun sa sarili niya.
"What do you think, Nadine?" Sabi nito at tumingin sa akin. So, ako nga ang kausap niya?
"H-hindi ko alam, Ashley. Sige, may trabaho pa ako." Sabi ko at agad na umalis na doon.
Gosh, bakit ang init ng pisngi ko? Whooo. Hindi ko tuloy napigilan ang pagpaypay ng sarili kong kamay. Shet.
***
"Uy day! Busy ka parin? Makatapos na araw oh, tambak ka parin?"
Hindi ko maiwasang hindi mapairap. Nandito na naman si Frans at nangugulo sa desk ko. "Hala, girl! Kanino galing itong flowers mo? baklaa! May manliligaw ka kaagad? " Sabi nito at kinuha pa ang bouquet na iyon. Agad ko namang kinuha iyon sa kanya.
"Hoy, Francisco! Wala ka bang trabaho at nangugulo ka dito?"
"Bakla ka talaga! Sabi nang wag akong tawaging ganyan ih! Kaines ka girl! Makaalis na nga!" Sabi nito at nagmartsa paalis sa desk ko.
Hay, salamat naman. Peace of mind.
"Nadine!"
Haaay. Wala pa ngang five minutes oh! Napatingin ako nakatayong si Ashley sa harap ng desk ko. What now? Ano naman kayang kailangan nito?
I tried to smile. "Yes?"
"Pinapatawag ka ni Mr. Mariano sa office niya." Nakangiting sabi nito.
What?!
YOU ARE READING
No Strings Attached
General Fiction"I'm Pregnant. . ." Mangiyak-ngiyak na sabi ko sa kanya habang hawak ang isang pregnancy test. Ramdam ko ang pagbigat ng hininga niya sa mga sinabi ko. Napahugot ako ng hininga nang akmang aalis na siya, mabilis kong hinawakan ang braso niya. "A-an...
Chapter 9
Start from the beginning
