Chapter 39: Bitter sweet

Start from the beginning
                                    

"Naman eh! Diba sabi mo walang mamamatay"?!...Pag tugon kong tila unti unting bumibigay sa pag aalo niya.

Tyrone: Oh alam mo naman pala eh! Kaya't tahan na kasi!...

Palapit ng palapit ang mga hakbang sa kinaroroonan namin na mas lalu pang nagiging kakilakilabot dahil sa alingaw ngaw ng kweba.

Papalapit ng papalapit ito, ganun din naman ang pag higpit ng yakap ko kay tyrone...

Hanggang sa tumigil ang hakbang na didinig ko sa mismong tapat namin mula sa malaking tipak ng batong aming pinag tataguan!

Kasabay nun ay ang tila pag hinto na din ng tibok ng puso ko!

Pumikit ng mariin at pilit na hinahanda na ang sarili sa magaganap...

Hindi ko din magawang lumikha ng kahit anong ingay tulad ng pag iyak dahil sa takot na madinig.

Panay naman ang pag himas niya sa ulunan ko at pag halik sa aking noo habang nginig na nginig akong yumayakap sa kaniya.

Tinig: Mga putang inang yun ah! Lumabas na kayo mga gago!

"Wala din sa pinuntahan ko eh hindi kaya nasa gubat padin ang mga yon?!"...Isa pang boses kong nadinig.

Tinig: Maari! Pero para makatiyak ipasok niyo dito ang mga tuyong kahoy natin kanina.

Nagkatitigan naman kaming dalawa ni tyrone na animo'y mga mata lang namin ang nag uusap sa kung anu man ang binabalak ng mga nag babanta sa aming buhay.

Maya maya pa ay may yapak muling paparating tanda ng dumating na ang kasama niya at dinig na dinig namin ang pag bagsakan ng mga tuyong kahoy na dala niya!

Padiin ng padiin ang pag pisil sa aking kamay ni tyrone.


Patong patong na ang alalahanin ko! Ang lumulubhang kalagayan ni tyrone, kung paano kami makaka alis dito at ang isa pang malaking panganib na paparating!

Diyos ko po kayo na po ang bahala sa amin!

"Oh hayan na!"...Tinig ng kasama niya

Tinig: Sige sindihan na yan tapos laglagan natin isa isa mga butas dito sa loob. tignan ko lang kung di kayo lumabas! Hahahaha!

Kitang kita ko ang liwanag na gawa ng apoy!

"Ron ron! pano na"??...Mahina kong bulong.

Mas lalo pa akong nilamon ng kaba ng hindi na sumasagot si tyrone!

Tinig: Tara na pare! kung nandito pa mga yan siguradong lalabas din sila sa kweba dahil kung hindi,,,
edi dito sila mamamatay!


At muli ko nanamang nadinig ang mala demonyo nilang tawanan!

Unti unti nang papalayo ang mga yapak nila na tuloy sa pag hagis ng mga nag liliyab na tuyong kahoy na para bang titiyakin ang kamatayan namin.

Unti unting napupuno ng makapal na usok ang paligid habang patuloy naman ang pag yugyug ko kay tyrone ngunit nanatili itong walang kibo!

Sobrang kapal na't itim ng usok kaya't panay na ako sa pag ubo maging ang walang malay taong si tyrone ay inuubo na!

Masiyado itong nakasusulasok! animo'y inuubos nito ang sariwang hanging mahihinga sa paligid!

Hinagis ko na palabas ang naitapong umaapoy na kahoy mula sa butas na kinaroroonan namin na di alintana ang matinding pasong natamo ko.

Ngunit hindi ito nakatulong sapagka't punong punu na ang kweba ng makapal at itim na itim na usok na gawa ng mga hinayupak na yun!

Lingid sa aking ka alaman ay nakamamatay ang suffocation! Kaya naman binalak ko nang lumabas kami ni tyrone ngunit tiyak na nag aabang pa ang mga yun sa labas!

Pero kung mananatili kami sa loob ay tiyak na kamatayan ang aming sasapitin!

Kailangan kong umisip ng paraan upang manatili muna kami sa loob kahit sandali pa, matiyak lamang na wala na sila sa labas!

Hinatak ko siya palabas ng butas namin umaasang mas maluwag luwag ang hangin.

Kailangan naming humanap ng sariwang hangin lalu na si tyrone dahil sa kaniyang kalagayan!

Tinakpan ko ng aking kamay ang ilong niya upang hindi na niya masinghot pa ang nakususulasok na usok. Matapos nito ay Inilagay ko naman ang bibig ko sa bibig niya upang sip sipin ang usok na nahinga ng baga niya at binubuga ito palabas.

Ako ngayon ang nag mistulang hininga ni tyrone!

Literal kong ibinibigay ang anumang natitirang buhay ko para kay tyrone!

Hindi ko alam na sa ganitong ka pait na tagpo ko pa pala matitikman ang matamis niyang labi...

Patuloy ang pag bibigay ko ng hininga sa sa kaniya habang tila kumikipot na ang aking baga sa kawalan ng hangin.

Hindi ko alam kung hanggang saan pa ang aking kakayanin!

Halos sampalin ko na ang mukha ni tyrone ngunit nananatili siyang unconscious!

"Tyrone! Mahal na mahal kita! wag mo akong iiwan please"!

Nahulanigan ko ang aking sarili at biglang naalala ang panaginip ko kaninang umaga.

Yun na yun mismo ang sinabi ko sa panaginip ko! at ngayon ay na iintindihan ko na kung bakit yung kaninang tanong ko kung bakit halos hindi ko matandaan kung ano yung napanaginipan ko ay dahil ngayon palang pala magaganap!

Hindi ko mapigilang mainis sa tadhana dahil maari sana yung maging isang premonition o pangitain ko upang maka iwas sa kahilahilakbot na sakunang ito!

Bakit nga ba ganon? Kailangan ba talagang sa ganitong paraan pa makilala ng mundo ang tunay na ako?

Kailangan paba talagang may ma isakripisyong buhay dahil sa putang inang kabaklaan ko???

Ginamit ko na ang kahuli hulihang patak ng lakas ko at desperadong Kinakaladkad ang katawan ni tyrone palabas ng kweba nang hindi na alintana ang panganib na nag aabang sa labas...

Hanggang sa...

Namuti sa aking mata ang buong paligid at tuluyang pinanawan ng ulirat...



Itutuloy...

UNANG TIKIM (remastered)Where stories live. Discover now