Chapter 39: Bitter sweet

10.8K 182 31
                                    

Just a thought na mawawala sakin si tyrone ay halos ikamatay ko na!

Halos mabaliw ako't sobrang natataranta sa patuloy na pag agos ng dugo mula sa katawan ni tyrone!

Hindi ko alam ang gagawin ko nag iiyak at nag sisigaw na ako!

Hanggang sa nakita ko ang lalakeng responsable sa pamamaril kay tyrone na noo'y papalapit samin at akma pang babaril muli!


Walang anu mang takot ang bumalot sakin sa mga sandaling yon at sa halip ay galit at napakatinding poot ang namayani sa buong pag katao ko!

Bigla nalang nag dilim ang paningin ko't dinampot ang mahabang baril ng kasamahan niya na kanina lang ay pinag babantaan ang buhay ko!

No second thoughts!

No hesitations!

No CONSCIENCE!


Ganito ng walang habas ko siyang binaril at pinaliguan ng bala!

Dahil sa lapit ng pagitan namin ay halos maligo din ako sa talsik ng kaniyang dugo!

Ngayo'y Wala na siyang buhay! Nanginginig kong binitawan ang baril at napasigaw nalang sa karumal dumal na bagay na di ko lubos akalaing magagawa ko sa buhay ko...

Natauhan lang ako ng alalahanin si tyrone, umaasang humihinga pa ito't may buhay...


Dali dali ko itong nilapitan
Laking pasasalamat at tuwa ko naman ng makitang pinipilit nitong tumayo ngunit hinang hina dahil sa pag kawala ng madaming dugo nito sa katawan.

Agad naman akong umaksyon upang mapigilan ang patuloy niyang pag durugo.

Hindi ko alam kung san siya eksaktong tinamaan ng bala ngunit napansin kong sa parte ng pinag dudugtungan ng braso't dib dib ang pinanggagalingan ng dugo kaya't mabilis ko itong binalutan ng tela at binuhol ng napakahigpit!

Tyrone: Kailangan na nating maka alis dito! panigurado dahil sa putukan kanina ay mag lalabasan ang iba pa nilang kasama!


Ako: Sige sige! Bubhatin na kita


Tyrone: Kaya ko pang mag lakad! Isa pa diba ako dapat ang nag bububat sa baby ko?

Ako: Ron ron naman eh! Puro ka kalokohan nasa panganib nanga yang buhay mo oh!

(Nag lalakad na kami ngunit inaalalayan ko siya dahil sa maselan niyang kondisyon)

"Pano to, saan ang daan?...Pag aalala kong tanong.

Habang binabagtas ang daan ay naka dinig kami ng mga yapak na animo'y isang grupo ang papalapit!

Agad akong na alarma dahil maaaring yun na ang mga kasamahan nila na tinutukoy ni tyrone.

"Ayan na sila!"...Nang hihina nitong sabi.

Sinikap kong madaliin ang lakad ngunit sadiyang napapabagal kami dahil sa kondisyon ni tyrone...

Tyrone: Iwan mo na ako dito! Tumakbo kana! mamatay din naman ako eh.

Maging ako ay nabigla sa naging reaksyon ko sa sinabi ni tyrone...

"Ulol! Alam mo bang eto ang pinaka ayaw kong eksena sa isang pelikula o teleserye! Panay ang mura ko sa tv namin pag na papanood ko to!"...galit kong tugon kay tyrone na ikinangiti lang nito dahil sa patuloy nitong pang hihina.

Wala na akong inaksayang pag kakataon, buong lakas kong pinasan ang mabigat niyang katawan at kumaripas ng takbo!

Ewan ko kung san ko hinuhugot ang lahat ng lakas ko ngayon pero palagay ko ganito na talaga ako ka desperadong mabuhay kaming dalawa at isa pa kasalanan ko to kung bakit kami napunta sa ganitong sitwasyon!

UNANG TIKIM (remastered)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon