Chapter 39: Bitter sweet

Start from the beginning
                                    

Kung kanina'y napadpad ako sa lugar na di ko lubos akalaing mararating dahil sa lubos na kalungkutan ay ngayon pilit ko namang binabagtas ang daan pabalik na dala dala ang napakalaking pag sisisi.

(Shet! Bakit ngayon pa hindi gumagana ang pag baback track ko na nagagawa ko naman noon pag na liligaw ako!)


Tangina! Napa kasukal kasi ng gubat na to!


Maya't maya kong kinakamusta ang kalagayan ni tyrone na noo'y pasan pasan ko.

"Wag kang matutulog ron ron ko! Please"!...Pakiusap ko

"Parang kelan lang ako pumapasan sayo ah...Halos di ko na madinig na salita mula kay tyrone...

"Diyos ko nasaan naba ang daanan?"...Maluha luha ko nang tono

Nadidinig ko padin ang mga hakbang na nadinig namin kanina tanda na sinusundan kami ng mga ito!


Unti unti na akong nakararamdam ng pagod samahan pa na tila na triple ang timbang ko dahil sa pasan pasan ko.

Naisip ko na ngang sumuko at mag pahuli na lang sa mga rebelde na yun..

Pero hindi eh! Madami pa akong pangarap. lalo't pag na iisip ko ang taong pasan pasan ko, alam kong malaki ang pangarap niya para sa pamilya't sarili niya! So no freakin' way di ako susuko!!!

Hanggang sa muling magsalita si tyrone..

"Alam ko may malapit na kweba sa banda rito, mas maigi kung mag tatago muna tayo dun hanggang mag sawa kasusunod ang mga yan, malayo pa tayo bago makalabas sa gubat na to."

Ako: Pero pano ka?


Tyrone: Anong pano ako? Kakayanin ko pa. Basta Mabubuhay tayo!

Pinang hawakan ko nalang ang sinabi niyang yun at minabuting tunguin ang kweba na minuwestra naman niya ang kinaroroonan.

Nakarating na kami sa nasabing kweba at nag hanap ng lugar doon kung saan sa tingin nami'y tiyak na ligtas kami.

Dahan dahan ko siyang ihiniga dito. Kinumusta ko ang lagay niya at muling sinilip ang sugat niya.

Mukhang humihina na ang pag durugo nito dahil na din sa pag dagan ng isa pang kamay ni tyrone dito.


Ngunit maputla na siya ngayon kaya't hindi ako maputol sa pag aalala!

Maya maya pa'y mula sa di kalayuan ay may nadinig akong mga tinig...

Tinig: Hanapin niyong ma igi! Nandiyan lang ang mga yan! Pinatay nila mga kasama natin! Kaya dapat lang na mamatay din sila!

Ang saglit at katiting na pag asang naramdaman ko kanina ay para bang pahiram lang...

Ngayon, tulad ng mga rebeldeng humahabol samin ay ganon din ang takot na pilit humahabol, bumabalik balik at umaangkin sa akin.

Pilit inaabot ni tyrone ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit.

"Dito ka sa tabi ko, wag kang matakot"...Pakiusap nito na may kasamang pag kalma sa balisa kong isip.

Dali dali akong humiga sa bisig niya na animo'y batang nag hahanap ng kalinga at ginhawa mula sa matinding takot na kinasasadlakan.

Pahagulgol akong umiyak sa kaniya...

"Sorry ron ron! sorry! Kasalanan ko to eh! Sana ako nalang at hindi ikaw! Sana ako nalaaangg!"
Buong pag sisisi't hinagpis kong daing kay tyrone...

"Shhhhh, nasaktan ka lang harold, nasaktan ka lang...
Tahan na...
Simpleng sagot ni tyrone.

Tyrone: Tsaka, mamatay naman tayong mag kasama eh!

UNANG TIKIM (remastered)Where stories live. Discover now