"Ayoko na...ayoko na.Hindi ko kaya..." patuloy niya saka humagulgol. Inilang hakbang ni Maeda ang distansya sa kanila at walang-salita siyang pinadapuan ng palad sa pisngi. Kusang sumunod ang kaniyang ulo sa kaliwa. Natutulalang nasapo niya ang namumulang pisngi.

"Pull yourself together. Marami nang iniisip si Kenji. Wala na siyang tigil sa pagkilos para buhayin at panatilihing ligtas ang lahat. Kapag nalaman niya ang balita ay siguradong mag-aalala 'yon. Wag ka nang dumagdag pa sa problema niya," mariing sabi ni Maeda.

Animo napapahiyang napakurap-kurap siya.

"Kailangan ni Kenji ang tulong nating lahat. Ikaw ang pinakamatalino sa atin, Shizu. Sa ating lahat, ikaw ang makakatulong ni Kenji sa pagpa-plano para mapaghandaan ito."

"Hindi kailangan ni Kenji ang tulong natin," malakas na sabi ng isang tinig mula sa pinto. Sabay-sabay silang napalingon doon. Sa gitna niyon ay nakatayo si Ren habang seryosong nakatingin sa kanila.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" kunot ang noong tanong ni Maeda. Pumasok si Ren at huminto sa kanilang harap bago ito sumagot.

"Lumabas si Kenji kasama si Haru at ilang taong pinili nito."

"Wala ako'ng nakikitang mali doon, Ren. Normal nila iyong ginagawa kapag mangangaso sina Kenji at Haru," sabi ni Kiari.

"Pero this time, hindi baboy damo ang huhulihin nila."

Nangunot ang noo nilang lahat habang naghihintay na tapusin ng lalaki ang sinasabi.

"Biters. At mukhang sadyang inilihim ni Kenji ang plano nila sa atin."

Sandali silang natigilan.

"Wala naman sigurong problema doon. Hindi naman nila kailangan i-report sa atin ang bawat plano nila 'di ba?" si Shizu.

"Normally oo, sasang-ayon ako sa'yo, Shizu. Pero kanina bago sila naghiwalay ni Haru para tipunin ng huli ang mga isasama nila, narinig kong sinabi ni Kenji kay Haru na hindi ko na dapat malaman ang plano."

Maeda rolled her eyes.

"So iyon naman pala ang issue. Naiinis ka dahil hindi ka isinama. Nagseselos ka dahil may bago nang kakidit si Kenji."

"That's not it!" inis na sagot ni Ren. "Wala akong pakialam kung maging magkasangga pa sila. Pero kase isinama din nila ang isa sa mga bantay sa gate. Nakita ko mula sa pinagtataguan ko na may ibinilin si Kenji sa dalawa pang naiwan. Tapos bago lumabas ang grupo nila ay lumingon pa si Kenji. Parang tinitiyak niyang walang makakakita sa kanilang lumabas. I'm telling you guys, something is up. May inililihim si Kenji sa ating lahat."

"For all we know, ayaw lang ni Kenji na isama ka dahil hindi ka pa tuluyang magaling, Ren," malumanay na sabi ni Kiari.

Umiling-iling si Ren.

"Hindi eh. Iba ang kutob ko, Kiari. Basta. Pakiramdam ko may dapat tayong malaman."

"Bukod sa balitang nasagap ni Kiari kanina sa radyo, ano pa bang ibang dapat nating malaman ngayon?" si Maeda.

"Ano'ng balita?"

"Pandemic ang nagaganap. Walang tulong na darating, Ren," mahinang sagot ni Shizu. Bakas sa mga mata nito at tinig at lungkot. Samantala, sandali lang natigilan si Ren sa narinig. Agad din itong nakabawi.

"Kung ganon, mas dapat nating makausap si Kenji. Kung ano man ang itinatago niya sa atin, may kutob akong may kinalaman sa ating kaligtasan. At kung tama ako, mas importanteng malaman ito ng lahat. Buhay at kaligtasan natin ang nakasalalay dito. May karapatan tayong malaman kung ano'ng nangyayari."

Among the Dead #Wattys2016Where stories live. Discover now