"Oo, ikaw nga" naglakad ako papalapit sa kanya.
"Toothbrush Toothbrush din pag may time ha? Bad breath" sabi ko sa kanya habang tinatabunan ko ang ilong ko at nagsimula ulit akong maglakad.
"Weaky? What the hell!! So gay!!" Hahahaha, Hindi na ako lumingon ulit sa kanya.
Hahahaha, buti nga!
Hmm. But i made a mistake earlier.
Napakita ko yung dating ako sa isang stranger na katulad ni Weaky.
Kailangan ko ng makontrol sarili ko. Hinding hindi ko magugustuhan ang maaaring mangyari sa akin pag binalik ko pa ang dating ako.
Ang tangang ako.
Ang weak na ako.
Ang luhaang ako.
Ang api aping ako.
Ayokong mangyari pa ulit ang mga nangyari sa akin ng nakaraan.
[Andrew's POV]
Tawagin daw ba akong Weaky?
Taena. Ako? Weak?. Tsss. Asa.
Tapos Bad Breath daw ako?
Hiningahan ko ang kamay ko at inamoy ko.
Di naman ah? Amoy Swish pa nga eh.
Sayang yung kiss kanina. Itutuloy ko sana yun eh kaso baka mawili sya sa kiss ko at magrequest pa.
kawawa naman ako.
Next time ko na lang sya pagbibigyan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad sa hallway at nakasalubong ko si Ellise kasama ang mga kaklase nya.
Naramdaman kong tumingin sya sakin pero malas na lang nya kasi nakatuon atensyon ko sa dinadaanan ko.
Tss. Naalala ko nanaman yung eksena kanina.
Pero nagpapasalamat din ako kay Tommy kasi nakalimutan ko yung problema ko.
May silbi din pala sa akin ang tomboy na yun.
Pero may kakaiba sa kanya kanina, mukhang pa on off on off yung mga emosyon sa kanyang mga mata.
Prang pinipigilan nyang magkaroon ng emosyon ang mga mata nya. Yung parang pinipigilan nyang magkaroon ng kulay ang buhay nya.
Meron talagang tinatago ang babaeng yun.
"Kapitan!" lumingon ako dun sa tumawag sa akin at nakita ko si Inigo na tumatakbo papunta sa akin.
"Namiss kita Kapitan!" Bakla ata to eh. Binatukan ko sya at inakbayan.
"Magpakalalaki ka nga! Tanggalin kita sa team dyan eh"
"Masama bang mamiss ka?"
Kahit kailan talaga ang lalaking to. Joker.
"Teka kapitan saan ka pala nanggaling?"
Naalala ko naman yung mga pangyayari kanina.
"Somewhere" napangiti ako ng bahagya ng maalala ko yung scene kanina.
"Hmmmm. Mukhang masaya ka ngayong araw ah"
"Naaah, lets just call it a day!"
[Alex's POV]
Umattend na ako ng last class ko para sa ngayong araw.
Haaaaay, ang boring ng teacher namin ngayon. Ang bagal nyang magsalita, matanda na kasi kaya uugod ugod na. Pero kailangan kong makinig kasi naaawa ako sa mga matatanda na katulad na lang ng teacher namin ngayon. Nakikita ko kasi sa kanya yung lolo ko.
YOU ARE READING
Ms. Varsity Player ^^
Teen Fiction" A Cold Hearted Person was Once a Person who Cared too much " -Alexis Hyacinth Reyes " A Real Women can do it all by herself.............. but a Real Man wont let her" -Andrew Hartwin Recto " A sense of Humor makes a MAN Handsome " -Inigo James San...
