Nakipag labanan sa akin ng titigan itong si Tommy. Tss. akala nya matatalo nya ako sa ganito? Hindi no,

"Teka, teka! Ano ba yang mga pinagsasabi nyo?" tanong sa aming dalawa ni Andy. Ipinagpatuloy ko na lng kainin yung lunch ko. Gutom na ako eh, si Tommy kasi eh.

"Violations" sabi ni Tommy, napatingin naman ako sa kanya tapos sya tinaasan lng ako ng kilay..

"Aah" napatango naman yung mga kasamahan nila.

Sinamaan ko naman ng tingin si Tommy.

Makakaganti talaga ako sayo Tommy.. maghintay ka lng.

*Kriiiinnngg*

Nagsipag alisan naman silang lahat except kay Andy.

"O? Bat nandito ka pa?" tanong ko kay Andy na nakatitig sa akin na parang nagdududa.

"Wala kaming klase"

"Aah, ok"

"Lovers" nabigla ako sa sinabi ni Andy.

"Lovers?" Ano ba nakain nitong babaeng to?

"Yup, nangangamoy lovers" epekto ba to ng chocolates? ano bang pinagsasabi ng kapatid ko?

"I have to go now, may klase pa ko eh, bye Andy" makaalis na nga dito, baka kung ano pa yung masabi ni Andy sakin eh..

(End of flashback)

Kita nyo yun.. Weird.

Tapos na 1st subject ko at naglalakad ako ngayon papunta sa likod ng building namin kasi tinext ako ng Girlfriend ko.

Yup, girlfriend ko. May gf ako, Sya si Ellise Sarmiento ang cheerleader ng school namin, 1 year na kaming dalawa at 1 year na rin namin itong tinatago, mahal na mahal ko sya at sya lang ang mamahalin ko habang buhay kaso hindi kami legal sa parents nya, ayaw nya kasing malaman ng parents nya na may bf na sya kasi baka mawala daw yung trust nung parents nya sa kanya. Actually, kaming dalawa lng tlga ang nakaka alam na may relasyon kami, patago kaming nagkikita at kung magdedate man kami kailangan sa malayo para walang makakakita sa amin..

Kaya heto ako ngayon naka upo sa may puno sa likod ng building namin habang nakapikit, kaming dalawa lng ni Ellise ang may alam ng lugar na ito at kami lang ang natambay sa lugar na to.

Haaay! ang sarap ng hangin.. Peaceful. Magdiditch na lang ako ng next class ko para kay Ellise.

"Drew" napamulat ako at napangiti,

"Babe, i missed you" tumayo ako at niyakap ko ang pinakamamahal ko.

"Namiss din kita drew"

"Bakit mo pala ako pinapunta dito? Miss na miss mo na talaga ako no?" bumitaw ako sa aming pagyayakapan at hinawakan ko yung dalawang kamay nya.

"Lets break up" 0.0 what?

"WHAT? no, i-i-i mean Why?" nasigawan ko si Ellise dahil sa gulat ko sa sinabi nya sakin.. Bakit nya ba ginagawa to?

"Hindi ko na alam gagawin ko drew, malapit ng malaman ng mga magulang ko ang tungkol sa ating dalawa"

"Sh*t! Ang babaw babaw ng dahilan mo Ellise! Para yun lang makikipaghiwalay ka na sa akin?"

"Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko drew, nahihirapan na ako drew, ayoko na" sabi ni ellise sa akin habang umiiyak

"Kung ikaw rin ang nasa sitwasyon ko ellise, 1 year akong nagtiis para lang maisalba itong relasyon natin kasi alam ko na mahal natin ang isat isa at 1 year na rin kitang kinukulit na ipakilala ako sa mga magulang mo, pero wala kang ginawa" ang higpit higpit na ng pagkakahawak ko sa mga kamay nya.

"Ayoko ngang mawala ang trust ng parents ko sa akin drew. Marami pa akong pangarap sa buhay na ang parents ko lang ang makakapagbigay sakin at hindi ikaw yon drew. Isipin mo naman ako drew"

"Mahal mo ba ako Ellise?" napatungo ako, blurred na ang paningin ko at ilang segundo na lang babagsak na ang mga luha ko.

"Drew naman---"

"SAGOT!" tinignan ko sya sa kanyang mga mata at alam kong natatakot na sya. "Sabihin mo lang sa akin habang nakatingin sa aking mga mata na hindi mo na ako mahal, pakakawalan na kita"

Tinignan nya naman ako mata sa mata.

"Hindi na kita mahal Andrew Hartwin Recto kaya please lang bitiwan mo na ang mga kamay ko" tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko na kanina pa balak bumagsak.

Binitawan ko na ang mga kamay nya. Napaluhod ako habang nakatungo at umiiyak.

"Bye Drew" at tuluyan na syang umalis.

"Aaaaaaah!!!" napasigaw ako dahil sa galit. Inihagis ko ang mga bato sa kung saan saan. Naiinis ako kay Ellise! Hindi nya man lang ako pinaglaban, ginawa nya lang akong tanga.

Napasandal ako sa puno dahil sa pagod.





"O.A much koya?" 0.0 huh? sino yun?

----------------------------------------

Sorry po if madaming errors

Phone lang po kasi gamit ko.

Ms. Varsity Player ^^Where stories live. Discover now