Nakakainis naman tong X na to! Nung first yr. high school ko pa to hinahanap eh pero hanggang ngayon hindi pa rin nakikita..
Hide and Seek? :D
Habang nasagot ako ng assignment ni Cinco biglang umingay yung mga students dito sa Cafeteria, Bakita kaya? Hmmm..
Tinignan ko lahat ng mga students dito, yung mga mukha nila kinikilig pati na rin yung mga kasama kong baliw na nakanganga except kay Cinco na kumakain..
"Sino ba yang attention seeker na yan at makasigaw yung mga estudyante dito ay parang may sunog" tanong ko kay Cinco
"Lumingon ka dun sa may pintuan"nakatalikod kasi ako sa may pintuan kaya kaylangan pang lumingon.. Lumingon naman ako at hindi naman ako nashock o nastarstruck doon sa nakita ko..
Psh. Yung si Mr. Oh-so-feeling-famous-bakulaw lng naman pala, Oo bakulaw sya, ang tangkad eh, sya yung nasuntok ko nung isang araw..
Nag iisa lang ata sya, d nya kasama yung mga kampon nya..
Nakita nya akong nakatingin sa kanya at nagsimula syang maglakad, binawi ko naman kaagad yung tingin ko sa kanya at pinagpatuloy ko na lng ang pagsagot ko sa assignment ni Cinco..
"Another chocolate??" sinulyapan ko yung nagsalita at si Mr. Oh-so-feeling-famous-bakulaw pala yung nagsalita
"Yay! Thanks bro!" psh -.- makahiyaw naman to parang sya lng yung tao dito ah..
"Uhm, kapatid pwede ba ako maki upo dito? wala na kasing vacant eh" sabi ni Mr. Bakulaw
"Guys? Pwede daw ba?" tanong ni Cinco sa kanila tumango naman sila habang ako naman patuloy pa rin sa pagsagot dito sa lesheng assignment na to para sa BEATS ko..
"Thanks" umupo sya sa tabi ni Cinco bale nasa gitna na namin ni Mr. Bakulaw si Cinco..
Pagkaupo na pagkaupo ni Mr. Bakulaw ininterview agad sya ng mga loka ng kung anu ano tapos eto namang si Mr. Bakulaw sagot lng dn ng sagot habang kumakain at ako naman nasagot din!
.
.
.
.
.
.
.
Nasagot ng MATH PROBLEMS!! Ang daming problems eh..
"May girlfriend ka na ba?" Uno
"Wala pa eh" MB
(A/N: MB, short for Mr. Bakulaw)
"Kapatid mo ba tlga si Cinco?" Dos, tinignan naman sya ng masama ni Cinco..
"Oo naman" ang tipid naman sumagot ni MB, halatang gutom na to eh..
"Sino pinakamaganda sa aming anim?" epic talaga to si Dos, natatawa ako sa tanong nya kasi bigla nag ayos ng mukha ang lahat pero di ko lng pinahalata na natatawa ako sa halip ay patuloy ako sa pagsagot ng last problem..
"Uhmmmm....." mukhang hindi makasagot ng maayos si MB ah, mahirap tlga mamili eh, pangit kasi silang lahat kaya mahirap.. Hahaha..
Medyo Mean? :P
"Si......" antagal namang sumagot nito, para mamili lng eh.
Binagsak ko sa harapan ni Cinco yung notebook nya, nagulat naman silang lahat pati na rin si MB.
"Tomorrow, 8am sharp" sabi ko kay Cinco at kinuha ko yung juice ko sabay inom at sandal sa upuan ko..
"Staring is rude" sabi ko kay MB. Nakatitig kasi sya sakin na nakapangalumbaba pa..
YOU ARE READING
Ms. Varsity Player ^^
Teen Fiction" A Cold Hearted Person was Once a Person who Cared too much " -Alexis Hyacinth Reyes " A Real Women can do it all by herself.............. but a Real Man wont let her" -Andrew Hartwin Recto " A sense of Humor makes a MAN Handsome " -Inigo James San...
