6. Red Eyes Black Hair

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sa susunod mag iingat na kayong dalawa." lumungkot ang mukha ni Marfie at nag sorry kaming sabay kay papa, nakita ko naman si tito Marshall na ang daming bitbit na prutas at na gulat ng nakitang gising na ko.

"JUSCO SALAMAT AT GISING KANA!" Dinaig niya pa si papa kung mag react kaya natawa na lang ako ng batukan siya ni tita Fiolee.

"O.A Ka ikaw ang tatay? Mahiya ka naman kay prince." napanguso na lang ito.

"Eh syempre gusto ko siyang maging anak someday." sabay kindat sa'kin ni tito kaya nahiya ako at si Marfie naman ang bumatok sa kaniya.

"Puro ka kalandian dad! Mag balat ka na lang ng ng mansanas!" Utos ni Marfie kaya walang na gawa si tito dahil under siya sa mag-ina niya.

Nakalabas din ako sa private hospital na pag mamayari ng pinsan ni tito Marshall, alam ko puro bampira ang mga pasyente dito at hindi normal na sakit ang natatamo nila.

Alam ko napagalitan din si Jake dahil sa pag payag sa'min lumabas ng mansion ng dis oras ng gabi pero agad din naman namin siyang ipinagtanggol dahil kami naman talaga ang nag pumilit lumabas nun.

"Buti na lang hindi gaanong na galit si tito Marshall kay Jake kundi konsensya na'tin yun." inabutan niya ko ng mansanas.

"Oo nga eh, saka buti na lang kamo maagang umuwi ang pinsan ko kaya nagamot ka niya agad, ikaw ang inuna niya kesa sa mga kliyente niya." umuwi na pala ang pinsan niya.

"Pakisabi maraming salamat kamo," tumango siya at ngumiti lang sa'kin.

"Oy pero pag nakita mo 'yun wag kang mahuhulog sa kaniya ah." napatingin naman ako sa kaniya.

"As if naman pumatol ako sa matanda sa'kin." umupo siya sa tabi ko at tumigin sa'kin sabay nguso.

"20 lang siya katulad ko, advance nag-aral 'yun at nag jump siya ng grade nung middle school kasi advance na ang utak niya kaya madali niyang na tapos ang course na MD." Napanganga na lang ako, may ganun palang katalinong tao? Este bampira.

"Oh ano nganga ka na d'yan? Isa pa ang sexy nun at maganda." ngumuso siya at tumigin sa ibang dereksyon.

Nagseselos ba siya?

"Bakit mo ba sinasabi 'yan?" Bumibilis ang tibok ng puso ko lalo na sa kung ano ang isasagot niya sa tanong ko.

"Kasi nung ginagamot ka niya sabi niya ang pogi mo daw eh, hindi naman! Mukhang type ka pa niya." nang lait pa 'to.

"Anong problema mo sa'kin?" Humarap siya sa'kin na galit na galit.

"Kasi naman! Ano!" napatigil siya na parang iniisip bakit nga ba siya nagagalit.

"Bakit nga ba? Ah! Baka ayaw lang kita para sa pinsan ko kasi nga panget mo." hinila ko ang pisnge niya at pinagbabanat 'to.

"Sinong panget kaw nga d'yan malapad mukha tilapya." pinaghihigit ko 'to at panay ang piglas niya.

"Ouch aray aray! Chindi a-ko tchilaphyah." tawa ako ng tawa dahil hirap siya magsalita sa kababanat ko ng pisnge niya.

"Ang lapad kaya ng mukha mo." nag eenjoy akong hilahin 'yung pisnge niya at na kukyutan ako pag naiines na siya.

"Nungh bhata pha ko nuuun."

"Hahahaha tilapya!" Naghihigitan kami ng pisnge nang biglang may dumating.

"Ehem ehem." napalingon ako at si Marfie naman pinagtutulak ang mukha ko.

"Kamusta kana? Okay kana ba?" Napatitig ako sa kaniya, isang matangkad na babae na nakakulay pula ang nakatayo sa harap namin ngayon, maputi siya at itim na itim ang buhok niya katulad ng kay Marfie nung oras na 'yun.

"Hi ako nga pala si Stephany." oo nga pala 'yung gabing 'yun nag palit siya ng itsura.

"Ako nga pala ang gumamot sayo." tama bakit hindi ko na-alala.

"Rin kinaka-usap ka ng pinsan ko!" napatingin ako kay Marfie at hinawakan ang mukha niya saka siya tinitigan maige.

"Ri-rin?" Sabi ni Marfie

"Hello? Andito ako kinakausap kita!" Wala akong pake sa kaniya at tinitigan lang ang mata ni Marfie.

"Kulay asul pa rin naman 'to." mukhang na gulat silang dalawa sa sinabi ko, saka ko lang na pansin na may iba nga palang tao sa harap namin at sobrang lapit ng mukha namin ni Marfie, para ko siyang hahalikan sa lapit ng mukha namin sa isa't isa at tinitigan ko 'to sobrang pulado na.

"Ri-rriiin." napabitaw ako at tumayo sabay bow.

"Sorry-sorry na dala lang ako, kasi ah ano! Ah 'yung ano! 'yung yung mata ni Marfie iba! Oo iba 'yung kulay saka 'yung buhok niya hahaha." natataranta na ko sobrang uncool ng ginagawa ko sa harap ng dalawang babaeng 'to.

"You're funny," sabi niya at nilahad ang kamay sa'kin, namula naman ako sa hiya at nakipagshake hands sa kaniya.

"Stephany Rose Martines." ngumiti ako pero hindi makatingen sa kaniya nang daretsyo sa hiya pa din.

"Rin Daniel Smith."

"Okay-okay balik kana sa kwarto mo rin at baka mahamugan pa 'yang ulo mo lalo kang mabaliw tsss." bigla akong hinila ni Marfie at nag wave na lang sa cousin niya.

Ngumite lang 'to sa'kin at biglang nag flying kiss, na gulat ako sa ginawa nito kaya lalo akong nahiya at hindi makatingin sa kaniya.

"Marfie kaya ko maglakad wag mo kong kaladkarin." hawak niya ko sa kwelyo ko at hila-hila patalikod.

"Che ang landilandi mo." biglang tumibok 'yung puso ko ng sobrang bilis, ano 'yun? Nagseselosba siya.

TO BE CONTINUED 

Dedicated By: JeanieGarsuta


My Blood Is Yours [YBIM BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon