My Super Kuya Part 38: Sumpaan

Start from the beginning
                                    

Sa pag lipas ng mga buwan ay sumapit na ang pag sakalay ng mga Atrox sa planetang Bahara, ang totoo nun ay nalaman lamang nila na nandoon ako kaya't inuna nila itong wasakin bago ang planetang Earth na aking tirahan.Ngunit malalakas ang loob ng mga taga Bahara dahil alam nilang nandoon ako at malakas ang kanilang pananalig sa akin. Dito ay muli kami nag harap ni Axel at halos mag kamatayan kami dahil sa madugong labanan sa aming pagitan. Naagaw ko sa kanyang mga kamay ang Orbin at ginamit ko ang lakas nito upang itaboy ang mga Atrox sa planetang iyon. Sa unang pag kakataon ay may nagtagumpay na planeta upang itaboy ang mananakop na Autotrex dahil wala pang nakakagawa nito sa kasaysayan. Ang kapalit ng pag gamit ko sa lakas ng orbin ay ang aking memorya, kinain nito ang lahat ng ala-alang mayroon ako at ipinalit lamang ang detalyeng ako ay anak ni Haring Salel ng Roika at ako ang pinaka makapangyarihan sa buong galaxy. Sadyang nakaka akit at nakakalasing ang orbin kapag ginamit ito isang nilalang.

Bumalik ako dito sa planetang Earth upang mag tayo ng bagong Roika na aking pag haharian. Mag lalahi ako at muling bubuhayin ang aming planeta, iyon ang misyon na tumatak sa aking isipan. Hindi ko alam na sinundan ako ni Apollo dito at nakipag tulungan siya sa iyo upang maibalik ako sa dati. Utang ko sa inyong dalawa ang lahat.. Maraming salamat sa pag babalik ng dating ako, at patawarin mo ako kung muli kang napahamak at nasaktan ng dahil sa akin tol.. Mahal na mahal kita." Pag sasalaysay ni kuya Jorel at muli niya akong ginawaran ng yakap at halik sa labi.

At dahil nga miss na miss namin ang isa't isa ay nauwi nanaman sa mainit na pag tatagpo ang lahat, halos pareho kaming sabik na sabik na makapaling ang bawat isa kaya naman umaatikabong halikan at yakapan ang naganap noong mga sandaling iyon. Habang nag niig kami ni kuya Jorel ay hindi ko maiwasang umiyak dahil sa hindi maipaliwanag na kaligayahan. Ang aking pangungulila ng maraming tao ay parang isang bulang nag laho at napalitan ito na ibayong tuwa na hinding hindi mapapantayan ng kahit na anong bagay. Muli namin pinadama sa isa't isa ang aming pag mamahal at sa bawat oras na lumilipas ay mas lalo pa itong nag iigting.

"Salamat sa pag babalik mo kuya, ni minsan ay hindi ako bumitaw sa pag asa na muli kitang mayayakap at makakasama. Walang oras na hindi kita inisip.. Sana ay huwag kana mawalay pa sa akin. Dito ka nalang please... kailangan kita." Ang wika ko habang naka higa sa braso ni kuya Jorel sa rooftop ng lumang gusali kung saan kami madalas tumatambay. Nag latag kami ng kumot dito at humiga upang mag star gazing.

"Huwag kang mag alala dahil hindi na ako lalayo pa sa tabi mo. Dito lang ako at aalagaan kita habang buhay. Sumpa yan tol.. Sumpang mamahalin kita ngayon, bukas at sa susunod na araw at sa susunod pa at sa mga susunod pa hanggang wala nang matirang araw sa mga buhay natin.. Paano ko ba mapapatunayan sa iyo na nandito lang ako at hindi ako aalis? Sapat na bang mahalin lang kita mag pakailan pa man?" ang wika ni kuya sabay yakap sa akin.

"Yung nandito ka lang at nasisilayan ko ang mukha mo pag umaga ay sapat na sa akin kuya. Sana ay wala nang katapusan ang kaligayahan ko nadarama ngayon. Abot langit ang saya ko ayyy hindi pala, lagpas langit at abot na nito ang mga bituin sa kalawakan at katulad nila ay hindi kukupas ang pag mamahal ko sa iyo. Mananatili itong kumikinang hanggang sa huling aking bahagi buhay" tugon ko at doon ay muli nag yakapan.

Tahimik..

"Ang ganda no?" ang wika ko habang pinag mamasdan ang mga kumpol na bituin sa kalangitan. "Mas maganda iyan kung titingnan mo ng malapitan." Naka ngiting wika ni kuya sabay tayo at mabilis na kinarga ako sa kanyang likuran. "Tekaaa kuya... baka mahulog ako!" ang wika ko habang tumatawa ng malakas. "Hindi ka mahuhulog, ipapasyal lang kita" sagot naman niya at bigla itong sumibat paitaas sa ere. "WWWOOOOOOOOOOOO!" ang sigaw ko habang sinasalubong ang malamig at malakas na hangin. "Ayos ba tol?" tanong ni kuya habang tumatawa. "Opo!! Ang saya!!!" sigaw ko rin na hindi maitago ang kaligayahang nadarama.

My Super Kuya (Fantasy BXB 2015)Where stories live. Discover now