My Super Kuya Part 7: Action Star

9.6K 368 15
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo, ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisahin ang pahinang ito. Maraming salamat po"

My Super Kuya

AiTenshi

Part 7: Action Star

Dahil sa matinding kalungkutan, nag pasya muna akong lumabas at mag libang. Lahat naman ng tao ay may kanya kanyang paraan ng pag pawi ng lungkot na kanilang nadarama, siguro ay ganito lamang ang sa akin. Sakay ng taxi ay tinahak ko ang pinaka malapit na bar sa kabilang bayan, pag dating doon ay agad akong umorder ng makakain at syempre inumin na may alcohol content. Nakalusot naman ako dahil sinabi ko sa waiter na 18 years old na ako sabay pakita ng aking ID bagamat hindi naman nya ito hinawakan dahil madilim nga. Nag simula akong kumain at uminom ng marami, wala akong pakialam kung malasing ako o kaya ay dito mag sabog. Ang mahalaga ay mawala ang kakaibang kalungkutang nadarama ko.

"Mr. Mendoza?Bakit nandito ka?At bakit ka umiinom? Menor de edad ka pa diba?" ang boses ni Sir Lagman habang umuupo sa aking harapan dahilan para mapahinto ako sa pag nguya. "S-sir, bakit nandito ka?" gulat kong tanong..

"Para uminom at mag relax. Ikaw bakit nandito ka? Ano ang ginagawa ng isang batang katulad mo sa bar na ito? Alam ba ng mga magulang mo at kuya mo nandito ka't nag lalasing?" naka ngising tanong nito.

"Para uminom at magpaka saya! Alak pa more!! Waiter!!" ang sigaw ko.

"Tama na ang pag inom. 16 ka pa lang at wala pa sa tamang edad. Gusto mo bang tawagan ko ang pamilya mo?" pananakot nito

"Wala akong paki sa kanila!" pabalang kong sagot.

"Aba.. batang pasaway." natatawang tugon nito sabay order din ng alak. "Alam mo Jonas, hindi mo dapat dinadaan sa pag lalasing ang mga bagay na hindi mo nagugustuhan. Dumarating talaga ang pag kakataon na hindi umaayon sa kagustuhan natin ang mga bagay bagay. Ngunit hindi sagot na abusuhin mo ang iyong sarili."

"May kanya kanya tayong paraan ng pag lilibang.. Ito lamang ang paraan ko." sagot ko naman at ipinag patuloy ko ang pag tungga ng alak.

"Oh sya. Bilisan mo ang pag inom mo dyan at alas 11 ng gabi. May pasok ka pa sa akin bukas. Ihahatid na kita sa inyo at baka kung pano ka pa sa daan."

Hindi naman ako sumagot at ipinag patuloy ko na lamang ang aking ginagawa. Ramdam ko na ang pag bigat ng aking ulo at alam kong tinatamaan na rin ako ng espiritu ng kalasingan ngunit sige pa rin. Oorder pa sana ako ng isa pang bucket ng alak ng bigla akong pigilin ni Sir Lagman at hilahin ako nito patayo. "Mr. Mendoza, tama na iyan. Lasing na lasing kana." pag pigil nito.

"Ano bang paki mo?! Bitiwan mo nga ako!!" pag sigaw ko naman habang buhat ako nito na parang isang laruan."Bitiwan mo ko!!"

"Jonas, enough!! Tama na, lasing na lasing kana kaya't iuuwi na kita."

"Sir may problema ba?" pang uusisa naman ng bouncer at gwardya ng naturang bar. "Wala naman, sinundo ko lang itong kapatid kong pasaway." sagot naman ni sir Lagman.

"Kapatid nyo po ba iyan? Menor de edad yata iyan ah." pag uusisa ng bouncer habang sinisilip ang aking mukha. "Ah hindi na. 19 anyos na ito, bansot lamang kaya't hindi halata. Late kasing naipatuli ito kaya hindi tumangkad ka agad." natatawang wika ni sir Lagman

"Ganoon po ba sir, kaya naman pala kung anong kinatangkad nyo ay siya naman kinabansot ng kapatid nyo." natatawang tugon ng mga ito.

"Oo nga, pinag lihi kasi ito sa dwende. Oh pano mga bossing aalis na kami." ang nakangiting pag papaalam ni Sir.

My Super Kuya (Fantasy BXB 2015)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें