Chapter 20: Drunk in love

Start from the beginning
                                    

Pag bukas ko palang ng pinto ay bumungad agad sakin ang tila mama na naka puting sando at itim na basket ball shorts.

Tangina! Si tyrone! Shit ang gwapo talaga niya!! Ang sexy niya sa puting sando na soot soot niya ngayon! Pero no more time to be mesmerized! Ipinag alala ko nang husto na baka nadinig niya ang pag hiyaw hiyaw ko!!...

Nagulat nalang ako ng bigla may lumuwang ear phones sa tenga niya. Palikod kasi ang pag kakakabit kaya't hindi ko agad na pansin.

Dinig na dinig ko pa nga ang sound mula dito kahit naka plug pa. Parang rap song ata yun basta mabilis ang lyrics! haha. Mga lalake nga naman. Pero siyempre sa lakas ba naman ng pag sound trip niya maririnig pa niya ang kalandian ko? Hahaha...

Ako:Uy! Dito kana pala agad? Sasalubungin sana kita sa labas.


Tyrone: Ay sorry brad! Hehe nag tuloy tuloy na ako. Pinapanik nanila ako dito at mukhang busy talaga sa majongan...


Ako: Ay sinabi mo pa hindi papa awat mga yun! Sabay tawanan naming dalawa...


Pasok kana...

(Dumaan siya sa harap ko upang tuluyang makapasok sa aking silid at sa pag daan nito ay kasama din ang pag daan ng hangin na mula kay tyrone. Hangin na namiss ko! hehehe...)

Siyempre bagong ligo 'to for sure halata naman sa maalingasaw na sabong panligo niya!.. And again no perfume talaga ang koya niyo at dahil nakasando lang siya mas maamoy.

(Haiiist di talaga ako mag sasawa sa description ng amoy nya parang naka register na ito sa aking isipan na dumaan man siya kasabay ang madaming tao i will know that tyrone is just around pawis man siya o fresh.. hehehe...)

Tyrone: Okay game!

Yung side table sa may kama ko ang ginamit namin just enough na siguro since kami lang namang dalawa.

And since walang silya ay sa kama kami nakaupo kaya't hayun tabi kami!

Nung una nga he insisted na sa lapag nalang kami pero mapilit ako mas gusto ko yung ganito pabor na pabor hahaha.

Para san kasi ang side table at malambot na kama kung di gagamitin diba? giit ko pa hehe.

Palibhasa'y barakong inuman kasi ang alam niya kaya gusto niyang sumalampak nalang sa lapag not knowing na chicks ang kasama niya wahaha!


Nilabas niya mula sa paper bag ang isang malaking bote ng likido na parang tubig lang.

Halata naman sa mukha ko ang malaking pag tataka. (Syempre expected ko yung mga redhorse or empi. Haha)

Agad naman niyang napuna ang pag tataka sa mukha ko...


Tyrone: Oh lambanog nga pala yan! haha di mo nga pala yan kilala no? Medyo mas malakas ang tama niyan kesa sa mga binabanatan sa maynila...

(Ako naman sa isip isip ko ay yes, heard it before lambanog nga pala ang isa sa mga binibida dito sa quezon particularly sa polilio. Nako! mas lumaki tuloy ang chance na tutumba ako agad)

Ako: Mukhang kaya naman...sige kahit ano payan game ako!... nangisi naman si tyrone na tila may idea na nag yayabang lang ako...

Kasabay nito na nagmula din sa paper bag ay ang na tinimpla daw niyang orange juice for our chaser namin siyempre. Then sandamakmak na chichirya for pulutan.

(So eto na pala yung sinasabi niyang "gastos" kaya di na niya niyaya ang ibang mokong. For sure libre na lambanog kasi nagawa naman sila non dito sa polilio. Haha kuripot ng koya niyo. Joke!)

Unang tagay siya...

Ako: Grabe!..Ang taas ah!

Tyrone: Wag ka mag alala bababaan ko lang yung sayo mamaya...sabay straight nitong tagay..

(Shit! instant turn on ako! barako talaga ng dating niya...with that biceps flexed habang tumatagay and syempre exposing that nakakagigil na kili kili!...)

So I guess it's my turn....

Di ko ma iwasang maamoy ang lambanog, eww medyo kakaiba yung amoy...halata naman ni tyrone ang pag ka ngiwi sa mukha ko kayat natawa ito. Ako naman eh keri lang! di dapat pahalata! kaya't hala! lagok!

(Yuuckk!)

Iba din lasa pero shet! iba yung tama ang init niya sa loob!... hayun! tawang tawa sakin ang mokong

Ano brad kaya pa? Tanong nito.

Ako naman eh pretending mode pa din kahit di ma-i pinta ang mukha. "Oo naman yun lang eh!..

Tuloy lang sa pag ngisi si tyrone

Ok ! Sabi mo eh!. sabay lagok muli ng sakanya...

(lintik to ah! porket bihasa na siya eh).


Tyrone: Masasanay kadin! Sa umpisa lang yan Mas masarap to kesa sa ibang alak na kilala mo mas mabangis nga lang! hahaha..

Well totoo naman dahil sa mga sumunod kong tagay eh iba nga talaga ang tama...

Di mapatid ang usapa namin, kumbaga sya yung tao na okay kasama sa isang inuman ma kwento eh! Kaya ako? hayun at tila naka tulala lang sa gwapo niyang mukha habang nakikinig sa mga kwento niya...

Ewan ko ba kung bat di ako makasabay sa kwentuhan puros kaniya ang topic. Siguro ata eh mas trip ko nalang tumunganga sa kakisigan ng lalakeng to. Samahan pa ng pag ka antok ko gawa ng tama sa lambanog pero ang koya niyo alive na alive! Kaya naman sumuko na ko sa posibility na baka ma rape ko to ngayong gabi hahaha.

Pero bago ako lamunin ng antok eh kahit pasimple lang masulit ko lang ang gabi na ito.

Naghintay muna ko ng isang malupit na tiempo yung tipong mag tatawanan muna kami para may dahilan ako upang maka akbay sa kaniya...

Kaya't bingo! haha puta!

Ang init ng balat niya! at sa bawat hagikhikan na pag tawa namin ay pasimple kong tinatapik kunwari ang braso niya sabay bahagyang pisil diito.

Damang dama ko ang tila ukit sa kaniyang braso...

Napapalakas na ang mga tawanan namin indication ata na tinatamaan na di siya!

laking gulat ko nga na lagpas kalahati na pala ang nabanatan namin mula sa malaking bote na yun!.

Na pa akbay na din sa akin ang mokong. As in napa ka ingay naming dalawa tila walang pake sa kapaligiran!

Damang dama ko naman ang pag kaka akbay niya! tangina ginawa na niya sakin to noon pero mas closer ngayon.... napaka sarap sa pakiramdam!

Sumisingaw na sa katawan ni tyrone ang iniinom namin na mas lalo pang humalimuyak gawa ng pag kaka buyang yang ng kaniyang kili kili dahil sa pag kakaakbay sa akin.

Turn or na turn on man ako sa kaniya ngunit tila bumabalik mula sa sikmura ko lahat ng kinain ko gawa ng lambanog.

Hanggang sa tuluyan na akong bumigay kumalas mula sa bisig ni tyrone at nag suka sa may bintana...

Naramdaman ko naman ang mainit na palad na humihimas sa likod ko habang patuloy sa pag suka.


Tyrone: Kaya pa brad? Sige suka mo lang makakatulong yan sayo..

(kinilig naman ako dun syempre! o diba? san naman kayo nakakita na nag papa baha na ng sinuka pero lumalandi pa? Hahaha)...

Tyrone: Tulog muna yan di mo na kaya! o ano gusto mo buhatin pa kita papunta sa kama?




Itutuloy...

UNANG TIKIM (remastered)Where stories live. Discover now