Wansapanatym, sa Pilipinas, ay may isang babae na nangangalang Leah Madrigal at isang lalaki na nangangalang Kean Dizon. Mag-best friend at magkapitbahay ang dalawa. Bata pa lang, ay magkakilala na ang dalawa.
Si Leah ay isang nerd. Matalino, maganda at mabait sa panloob na anyo. Sa panlabas na anyo naman ay maganda pa rin naman siya, morena, nakasuot ng malaking salamin na pink at laging nakatali ang kanyang buhok. Paminsan-minsan ay naka-braid ito o naka-headband lang. Pero madalas, naka-ponytail ito.
Mukha siyang maarte, pero ang totoo, boyish na boyish siya.
Crush na crush niya ang kanyang best friend na si Kean. Bata pa lang sila, ay gustong-gusto na niya ito.
Si Kean naman ay ang team captain ng kanilang basketball team. Gwapo at maputi siya, mahilig rin siyang mag-basketball. Pero kahit gwapo, hindi siya madaling nagugustuhan ng mga babae. Si Leah lang talaga ang may extreme crush sa kanya.
Sa London naman, ay may isang lalaki na nangangalang Luke. Tahimik siya, mukhang masungit at gwapo rin. Magaling siya tumugtog ng guitar. At Half-British, Half-Filipino siya.
Habang sa Australia, ay mayroong babae na nangangalang Jackie. Masayahin siya at maganda. Mahilig siyang maglaro ng volleyball. Full Australian siya ngunit morena. Hindi niya kamukha ang kanyang mga magulang.
Apat silang tao na may sari-sariling buhay. Ngunit kahit ganoon, konektado ang lahat ng mga ito.
YOU ARE READING
#Estudyante Goals
Teen FictionMahirap talaga ang high school, lalo na para kay Leah Madrigal na may crush sa best friend niya, laging na-bu-bully ng mga "mean girls" at may problema sa pamilya. Kaya naman nawawalan na siya ng pag-asa na magiging ok ang kanyang high school life. ...
