xiii. c o f f e e

Start from the beginning
                                    

She stepped back, dahan-dahan lang iyon. Subalit laking gulat niya nang pinagaspas nito ang mga pakpak na kasing kulay ng gabi at gumagaway din ang mahaba nitong buntot.

She froze on the sight of a monster . . more like a demon. Paano nangyaring may halimaw sa loob ng bahay ni Nyx? Isa ba itong intruder?

Muli siyang umatras, this time her senses told her to run. Ran as fast as she could. At tama nga ang kaniyang hinala, hinabol siya nito. Dinaanan niya ang mga sofa sa sala. Lumipad na ang demonyo at kumakalabog na ang kisame. Lumutang ito sa ere at papunta sa kaniyang gawi. Narinig pa ni Cassandra ang vase na bumagsak sa sahig dulot ng lakas ng hangin at naging sanhi ito ng ingay sa buong lugar. May iilang furnitures ang nasagi at natumba subalit hindi na niya alam kung anu-ano 'yon.

She wanted to shout for help, pero ayaw makisama ng boses niya. May isang room siyang nadaanan. Pinilit niyang buksan iyon, but it was locked. She started running away, thinking how to save her precious life. Sobrang bilis nang pagtibok ng puso niya at ayaw na niyang lumingon pa. Basta, ang kailangan niya ay makalayo sa panganib.

But it was too late. Kung kailan ay tanaw na niya ang main door, saka siya nito naabutan. Sa bilis ng pangyayari, nakalipad na pala ito sa itaas at hinarangan siya sa may main door, trapping her down.

Napaangat si Cassandra ng tingin. Mas minabuti niyang huwag sumigaw o huwag na lang gagalaw at baka mas mapaano pa siya.

Matangkad ang demonyo na may mga itim na pakpak. Yellowish ang kaliskis nito na nakapalibot sa buong katawan. May mahaba itong buhok at matatalas na pangil. They were just one meter away from each other, but she felt like she could die anytime. Napangisi pa ito, licking its lips as if she was too good to eat.

To her fear, Cassandra couldn't move. Alam niyang mas pinatalas pa nito ang mga kuko ng demonyo na balak yatang pugutan siya ng ulo, pero ayaw nang gumalaw ang katawan niya sa sobrang shocked.

Someone grabbed her from behind, at sumubsob siya sa matigas nitong dibdib. Napaangat si Cassandra ng tingin at bumungad sa kaniya ang maamong mukha ni Nyx na halatang bagong gising lang din.

She held him too close. Teary-eyed pa siyang nakapulupot sa beywang nito. Akala niya ay katapusan na ng buhay niya. Akala niya ay mapugutan na siya ng ulo at makain nang wala sa oras. Sa init ng katawan ni Nyx, doon siya nagpakalma.

"I'm sorry," bulong nito sa kaniyang tainga. "You're safe. I promise." He tried to calm her down.

Paano ba siya kakalma kung may demonyo nga? Paano siya hindi matatakot kung may ganitong nilalang sa bahay na ito?

Tiningnan niya ang gawi ng demonyo. Nandoon pa rin iyon na nakatayo lang. Pinagmasdan silang dalawa.

"Jana," tawag ni Nyx sa demonyong ito. "Stop fooling around. She is a guest."

Jana? Ina-absorb pa ni Cassandra ang lahat kung bakit may pangalan ang demonyong ito.

"Hindi ito oras nang paglalaro at hindi laruan ang babaeng ito. Ayokong maulit pa ang eksenang ganito, Jana. Maliwanag ba?"

The demon growled.

Magkakilala pala silang dalawa. No wonder nasa loob ng bahay ang demonyong ito. Akala pa naman niya ay kampon ng Luke na iyon. Sana man lang nagbigay ito ng warning kanina, 'di ba?

"Go back to your room!" utos pa nito sa demonyo. Nauutusan na pala ang mga demonyo ngayon?

"Human." Nadinig ni Cassandra ang boses ng demonyo sa kauna-unahang pagkakataon. It was a voice of a woman. "Lumayo ka kay Nyx. You bring bad luck. I don't like you. At hindi ka maganda."

Napataas ang kilay ni Cassandra sa huling linya nito. Hindi raw siya maganda? At least tao siya! At hindi rin niya gusto ito!

"Nyx." The demon continued. "Kung sawa ka na sa kaniya, can i have her as a my food? Mukhang hindi naman siya masarap pero pwede nang pagtiyagaan."

The nerve.

Tumalikod ang demonyong ito at lumipad na palayo sa kanilang dalawa hanggang tuluyan nang naglaho sa dilim.

"Damn you!" pagalit pa niyang singhal sa lalaki. She pushed him away. "Akala ko ba safe ang bahay na 'to. Akala ko ba mas safe ito kaysa sa nauna mong bahay! Bakit mas malala yata 'to?!"

"Hindi ka niya kakainin. Naninibago lang si Jana," kalmadong sagot nito.

Hindi pa kumbinsido si Cassandra. A demon would always be a demon. Nature na nila ang pumatay.

"Sa karami-raming pwedeng maging alaga mo, bakit halimaw pa?" She folded her arms against her chest. Tuluyan na ring naglaho ang kaba at takot sa kaniyang sarili. "How can you be so sure na hindi ako kakatayin no'n kapag wala ka?"

Napailing-iling si Nyx sa kaniya. "It's up to you kung gusto mong mag-isip ng ganiyan. Jana is harmless."

Harmless ba iyong kamuntik na siyang mapugutan ng ulo?

Neknek niya!

Masama pa rin ang kaniyang loob sa nangyari.

"Gusto mo ng kape?" alok nito.

Talagang nakakairita na. Tama bang aalukin siya ng sarili niyang kahinaan?

Napatigil si Casandra. In just a few days, nalaman kaagad nito ang kaadikan niya sa kape.

"Damn you!" singhal niya.

Alam ni Cassandra na binabago na nito ang topic, but god! Kape iyan! Kape! How could she resist?

"Tara na sa kusina. Ako na ang magtitimpla ng kape mo. Purong kape na walang asukal, right? I can do that." Sumilay ang pilyo nitong mga ngiti.

Mas gwapo itong tingnan kapag carefree ang aura, na kabaliktaran sa tulad niyang hina-highblood na.

Wala siyang magawa kundi ang sumunod. Ayaw man niyang aminin pero nakaramdam siya ng excitement habang naglakad papuntang kusina. Magmistula siyang marupok dito.

Excited kaya siya dahil sa kape o dahil si Nyx ang magtitimpla ng kaniyang kape?

ADK I : A Secret Prophesy (✔️)Where stories live. Discover now