xiii. c o f f e e

Start from the beginning
                                    

Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. May punto ang bawat warning nito simula't sapul. Sa tagal kaya ng buhay ni Nyx, maalala pa kaya siya nito pagkatapos nang ilang daang taon? Kapag patay na siya?

"When I die, maalala mo kaya na minsan may isang ako na dumaan sa buhay mo, kahit estranghero lang?"

Hindi ito sumagot.

Ngayon ay alam na niya. Kapag hindi nito kayang sagutin o ayaw niyang managot ng tanong ay idadaan na lamang ni Nyx sa pananahimik.

So leave it that way. Sa katulad niyang walang value sa buhay nito, dapat ay hindi na siya nagtanong pa.

"Nasaan ang kusina niyo?" pag-iiba niya ng paksa. "May pambabaeng damit at gamit ba rito? May toothbrush? May napkin?"

Lihim siyang napatawa at the same time ay nahihiya sa sarili niyang dialogues.

"Yes. Yes. And Yes." Kahit paano ay sumagot naman ito habang binubuksan na ang main door. "At may kape."

"Tara, kape tayo!" bumanat pa talaga ng isa pa. "Hindi ako mabubuhay ng walang kape."

🌜🌕🌖🌛


Nagising si Cassandra na nakalapat ang kaniyang likod sa malambot na kama. Kung ilang oras na ba siyang natutulog? Hindi na niya alam. Ang huling alaala niya ay kumain muna siya sa kusina at humigop ng kape.

Kape ang ininom pero dinaig pa niya ang makaubos ng isang bote ng sleeping pills sa sobrang himbing nang pagtulog. She never slept like this before.

Nagpalinga-linga pa siya sa bawat sulok ng kuwarto gamit lang ang maliit na liwanag na nanggagaling pa sa bintana. Patay ang ilaw sa kuwarto. Hindi katulad nang nauna, mas manly ito. No flowers. Less furnitures. At sobrang perfect ang arrangement ng mga gamit.

Bumaba si Cassandra sa malapad na kama at naramdaman ang lamig ng sahig na yari sa marmol. Nakayapak siyang naglalakad sa pader, hinanap ang switch ng ilaw.

Nakasuot na siya ng pajama na may disenyo ng buwan at bituin. Kunot-noong pinagmasdan niya ang kaniyang sarili sa pader na gawa sa salamin. Buhaghag ang buhok, wala ng make-up, may malaki ng eyebags ang mga mata, at halatang kulang na kulang pa rin ang pahinga.

She was a total mess.

Binuksan niya ang pinto nang dahan-dahan. Kung walang ingay na magagawa ay mas maganda. Maliit na awang pa lang ng pinto ang mayroon at sinilip na niya ang labas ng kuwarto. She couldn't see anything at all as if darkness ruled the entire house. Wala ni isang ilaw ang bukas sa loob ng bahay. Gusto niyang lumabas, magpahangin, at magmuni-muni. But at the same time, gusto niya munang magkape.

Hindi nagpatinag sa dilim, she still walked outside the door, and continued walking nang walang atrasan. Walang ingay siyang nadinig, nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakad sa hallway. Feeling ni Cassandra ay nagbago ito ng form. Hindi ganito kalawak ang hitsura nito noong huling alaala niya. Kaya bakit parang mas lumawak pa yata ang ground floor?

Di bale, wala siya sa second floor kaya malamang ay malapit lang sa kaniya ang labasan.

Nakaramdam si Cassandra ng kakaiba nang makadinig siya ng maliliit na yapak sa kaniyang likuran. Humangin pa ng malakas, kahit wala namang nakabukas na kahit ano'ng bintana. Nagtaasan ang balahibo sa kaniyang balat. Nanginginig ang mga kamay ni Cassandra kaya mas minabuti na mas pabilisin ang kaniyang paglalakad. Something was not right. She could feel it.

Napatigil siya sa may sala. She held her breathe. Five meters away from her, nakakita siya ng itim na anyo na hindi bababa sa 6ft ang taas. Dahil wala naman gaanong liwanag, tanging ang mga mata nitong kulay pula ang kaniyang naaninag.

ADK I : A Secret Prophesy (✔️)Where stories live. Discover now