"Oh my gosh Neo! May asawa at anak ka na pala hindi mo man lang sinabi sa amin!" gulat na gulat na sabi nito.
"Nemo..." untag sa akin ni Dory.
"Uhmm... Dory... she's my... Mom."
-----
"Dory, iha, pasensya ka na dito sa Tita Kyla mo ha? Medyo excited lang kasi. Ngayon lang din namin nakita si Neo na may kasamang babaeng buntis." sabi ni Dad kay Dory. Nandito na kami ngayon sa The Royal Tavern. Matapos ng insidenteng yun ay nagbayad na kami at dumiretso na dito. Naipaliwanag na din pala namin ang mga bagay-bagay.
"Sorry iha. Akala ko kasi talaga." hinging paumanhin pa din ni Mom.
"Okay lang po yun, Tita Kyla, Tito Andy. Madalas naman po talaga kaming napagkakamalan ni Nemo pero friends lang po kami. As in friends lang po talaga." inosenteng sabi ni Dory at nakangiti pa. Naramdaman ko na naman ang sakit ng puso ko. May as in pa kasi talaga.
"Ayy ganun ba? Pero sayang talaga iha. Matagal ko na kasi pinag-aasawa itong batang to saka gustong-gusto ko na talagang magkaapo." malungkot na sabi ng nanay ko. "Neo lapit ka nga." sabi nito at dahil nasa parang inupuan namin noon sa Il Paradiso kami ay magkaharap kami ng mga magulang ko. Katabi ko si Dory. Lumapit naman ako. Pero agad akong binatukan nito.
"Aaahh! Ang sakit naman nun, Mom." reklamo ko.
"Ikaw kasi. Mag-asawa ka na kasi." giit nito. Napanguso naman ako. Hinimas ko na lang yung parteng binatukan niya. Natawa naman si Dory.
"Nakakatuwa naman po kayong tignan. Namimiss ko po tuloy ang mga magulang ko." nakangiting sabi nito.
"Naku minsan para hindi ka malungkot... labas tayo. Pasyal pasyal. Shopping din. Maganda sa buntis ang lakad ng lakad para naeexercise."
"Naku baka bigla kang mapanganak sa tindi magshopping niyan." komento ko at dahil dun ay nakatanggap na naman ako ng batok mula dito.
"May sinasabi ka ba, anak?" nakangiting sabi nito pero may nakaumang kamao sa akin. Napailing ako at pinagpatuloy ang pagkain ko. Nakita ko naman na natatawa si Dory sa tabi ko.
Sige okay na akong batuk-batukan ng nanay ko. Basta masaya si Dory...
"Ilang buwan na nga pala ulit yan, Dory?"
"Six months na po."
"Naku tatlong buwan na lang pala."
"Oo nga po eh. Naeexcite na nga po ako."
YOU ARE READING
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...
Finding twenty
Start from the beginning
