Finding twenty

Mula dari awal
                                        



"Ito Dory oh!" tinaas ko ang isang panda style na damit. Pati iba pang hayop like giraffe at zebra. Syempre ngayon... medyo nag-iingat na ako sa ipapakita at baka matulad nung una na nagwalk out ito at umiyak. Baka masapak ko ang sarili ko.


"Ayy ang cute cute!" masayang sabi ni Dory at tinignan ang damit. 


"Gusto mo?" tanong ko at nakangiting tumango ito. "Bilhin na natin itong mga to." nakangiting sabi ko. 


Umiling naman ito. "Huwag na Nemo. Nakakahiya naman. Ako na lang ang bahala." tanggi nito. Pero syempre... papapogi nga ako eh. Kaya I insist!


"Ako na. Okay lang wala naman problema sa akin eh."


"Sa akin meron. Sobra na ang mga naibigay mo. Ako ang ina. Kaya akong bibili." at kinuha na ang mga damit.


"Maam, Sir... gusto niyo na po ba yan?" tanong ng saleslady. Tatanggi pa sana ako ng ibigay na ni Dory ang mga damit.


"Yes. Gusto ko nito. Babayaran ko na din." 


"Okay po Maam. Akin na po at dadalhin ko na po sa counter para di ka na po mahirapan magdala." nakangiting sabi nung saleslady at umalis na. 


"Oh ako na nagbigay ha. Kaya ako na magbabayad." Wala akong nakagawa kundi ang tumango na lang. Ayun, lampaso ang kagwapuhan ko.


"Tara Dory... doon naman tayo sa crib." aya ko dito at pumunta naman kami doon. Tumingin kami ng mga crib. Ay isang crib na may baby doll sa loob.


"Ayy Nemo... kunwari totoong baby. Subukan mong kunin mula sa crib." sabi ni Dory. 


"Pero hindi ako marunong." sabi ko.


"Nemo! Ipapaalala ko lang sa'yo na kakargahin mo ang fututre inaanak mo. Kaya mabuti na marunong ka na." giit pa nito. Wala na akong nagawa kundi gawin yun.



Okay Neo. Imagine mo lang. Imagine mo lang.


"Okay. Uhmmm... dahan-dahan mong kukunin ha. Unahin mong hawakan ang batok then aalalayan mo yung likod tapos itataas mo." paliwanag nito. Sinunod ko naman ang sinabi nito. Medyo hindi naman mahirap kasi nga manika lang naman. Nakarga ko ang manika. Napapalakpak naman si Dory.


"Ang galing Nemo! Kaya mo naman pala eh!"


"Syempre! Ako pa!" buong yabang kong sabi.


"Neo?" tawag sa akin sa likod ko at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ito.


"Nemo... kilala mo?" tanong ni Dory. Nakatingin lang ako dito.


Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Tempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang