"Ha? Ano kasi... uhmmm... gutom lang ako. Tama. Gutom lang ako."
"Hah?! Bakit di mo sinabi agad? Kaya ka siguro nag-aaya na magmall kasi gutom ka na. Sana sinabi mo agad. Oh siya... magmall na tayo at ng makakain ka na. Hintayon mo ako dito at maliligo lang ako." sabi nito at tumayo na. "Dyan ka muna at panoorin mo si Naruto." at pumunta na sa banyo para maligo.
Oh well. Siguro pinagbibigyan na ako ng langit. Baka lang naman. Yes. Magmamall kami. Saan kaya kami pupunta? Hmmm... si Dory na lang bahala. Tutal kahit saan naman basta magkasama kami masaya na ako eh.
Sige Neo... hirit pa. Simula ng magkagusto ka kay Dory ganyan ka na. Wag mong ipapalam sa barkada ito at malamang... ikaw na naman ang apple of the eye nila.
"Nemo... okay na ako. Tara na?" biglang tawag ni Dory. Nakaligo at bihis na ito. Ganun ba kalalim ang iniisip ko at hindi ko napansin?
"Sure. Tara na." tumayo na din ako at inayos muna saglit ang bahay at umalis na kami.
"Saan tayo Nemo?" tanong ni Dory habang nasa biyahe kami.
"Uhmm... hindi ko din alam eh."
"Inaya mo akong magmall tapos hindi mo pala alam saan." nakangusong sabi nito.
"Ehhh... sorry Dory. Wala akong maisip na mall eh. Saan mo na lang gusto kumain?"
"Hmmm... Gusto ko yung parang sa The Royal Tavern."
"Ahh... meron nun na branch malapit sa isang mall."
"Sige dun na lang tayo." at doon na nga kami nagpunta. Syempre todo alalay ako kay Dory... kasi syempre alam na... papogi masyado. Baka sakaling mapansin.
Asa ka pa. Tapos masakit pa.
Napailing ako sa loob ko. Hindi! Think positive! Kaya to!
Nang nasa loob na kami ay napadaan kami sa Baby Care. Isang baby's store.
"Nemo... pasok tayo saglit. Tingin tayo ng mga gamit na pwede kay baby ko." nakangiting sabi ni Dory. Agad naman akong pumayag.
Pumasok kami sa loob at masayang nag-iikot at tumitingin-tingin ng mga gamit ni baby. Nandun na mamimili kami ng mas magandang shirt, pants, pati pajama. Kung titignan mo kami...
Mukha kaming mag-asawa.
Ahhhh! Kinikilig ako! Goodness! Hindi ko mapigilan. Bakit ba? Babae lang ba may karapatan na kiligin? Kami din dahil may feelings din kami!
YOU ARE READING
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...
Finding twenty
Start from the beginning
