Ang shakit! Ang shakit shakit thalaga!
Pero oo nga pala. Dapat inaalam ko na din muna kung may chance ako. Baka kasi nagbago na ang isip ni Dory at pwede na. Tumikhim na muna ako.
"Ehem. Dory."
"O?"
"May tatanong sana ako eh."
"Okay. Sure."
"Kung... kung sakali lang naman..."
"Kung sakali lang?"
"Kung sakaling may isang tao na... somewhere... over there... anywhere... near there..." tumingin ito sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Na ano eh... na aako sa anak mo. Tatanggapin mo ba?" Shoot. Natanong ko din.
"No. As in N-O. Kaya ko naman ang sarili ko saka kaya kong kami lang. So hindi. Teka at babanyo lang ako saglit." tumayo na ito at nagtungo sa banyo. Mabilis kong hinawakan ang dibdib ko.
Ang sakit! Deretso na niyang sinabing wala akong pag-asa. Ayy mali. Wala kaming pag-asa. Dahil kung may magtangka man din--- na hindi ko naman din papayagan, hindi rin sila papasa. Kung alam ko lang sana nagdala na din ako ng mighty bond dahil ramdam kong nagkacrack na ang puso ko. Putcha. Karma ko na ata ito sa lahat ng babae na dumaan---okay hindi lang basta dumaan. Alam niyo na yun. Pero ang sakit.
"Ang sakit..." mahina kong sabi na nakahawak pa din sa dibdib ko.
"Hala Nemo! Okay ka lang?" agad na sabi ni Dory at mabilis akong dinaluhan.
"Okay la---"
"Teka kukuha kita ng tubig!" at pumunta ito sa kusina at pagbalik ay may baso ng tubig ito. Agad naman nitong binigay sa akin at uminom naman ako.
"Thank you."
"Ano ba Nemo! May sakit ka ba? May masakit ba sa'yo? Ano na?!" natatarantang sabi nito.
"Kalma Dory. Masama sa'yo yan."
Humingang malalim ito. "Okay. Ano ba kasing nangyari?"
Medyo nabasted mo ako. "Wala. Okay lang ako."
"Okay ka lang? Eh bakit nakahawak ka sa dibdib mo?"
YOU ARE READING
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...
Finding twenty
Start from the beginning
