Nagtaka si Janine ng marinig niya ang sariling tibok ng puso niya. 'B-bat ambilis?' 

Hindi na lang niya ito pinansin at pinagpatuloy ang pagyakap sa taong nasa harapan niya. 'Ang lambot niya..ang sarap yakapin' isip niya.

Hindi nila alam kung ilang minuto o oras na silang nagyayakapan. Pero nung makaramdam ng ngawit si Janine ay naupo sila sa sofa.

"A-ahh.. King. Labas tayo?" sabi ni Janine. Tumango naman si King at aalis na sana si Janine nang hilahin siya ni King.

"Aalis ka ng ganyan ang suot mo?" mahinang tanong ni King. Mahina lang talaga siya magsalita dahil minsan lang siya magsalita.

"Hala! Oo nga pala! Hintayin mo ako ha?" sabi ni Janine sabay akyat sa taas. Pagkaakyat ay binuksan ni King ang cellphone niya at pinagmasdan ang picture nilang dalawa.

Sinave as wallpaper at pinatay ulit ang cellphone pagkatapos ay..ngumiti.

 Janine's POV 

Hihihi! Ang lambot-lambot talaga nung King na yon! Hay nako! Bilisan na nga magbihis para mayakap ko ulit!

Bumaba na ako pagkatapos magbihis ng pang-alis pagkatapos ay yinakap ang braso niya at sabay kaming lumabas.

Pinagtitinginan kami ng mga tao pagkalabas. Hmm..bakit kaya?

"Tignan mo yun honey oh. Ang kyut naman nilang dalawa"

"Diba ganyan rin tayo nung mga bata pa tayo honey?"

"Ay..ang gwapo ni KOYA!"

"Bagay sila ha. Ang gandang chemistry" 

"IKR girl. Sana may prince charming din ako"

"Asaness ka POREBER ateh!!"

Sa mall ang bagsak namin. Kung bakit? Aba ewan ko. Dito kami dinala ng motor eh. 

"Hala ang kyot na dress!" sabi ko sabay turo sa blue dress.

"Pero....gutom na ako! Kain muna tayo! Ayun! Jollibee!!" Hinila ko si King papuntang Jollibee. Hihihi.. favorite place namin to ni babes ko eh. 

Teka...babes ko? Sino nga ulit yun?

Psh! Bahala na nga! Gutom ako eh.

Pumila na si King kahit mukhang natatae siya. Problema niya? 

Naghanap na ako ng mauupuan at doon sa dalawahan ako umupo sa may tabi ng window para may view.

Bumalik na si King pero may nakita akong mga babaeng nakasunod sa kanya. TInaasan ko silang lahat ng kilay.

"Ay koya, taken ka na? Bat di mo sinabi? Sayang! Sasabayan sana kita kumain eh!" sabi nung isang babae.

Tinignan ko siya ng masama. Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Eto ba kasama mo? PSH" 

"PSH ka diyan!? Ano namang pinagmamalaki mo?? Yang hinaharap mo? SUS! Kaya ko yang putukin eh!" inis na sabi ko. NAKAKAIMBYERNA ANG BABAENG ITO PRAMIS!!

Natakot naman ang mga babae at umalis na. Mga dowag!

Pagkaharap ko ay nagulat ako ng makitang nasa harapan ko si King. T-teka.. bat andito ako? Anong ginagawa ko sa Jollibee?

"King? Bat tayo andito?" tanong ko. 

"Kumain ka na lang" sabi niya sa akin. Doon ko naman narinig ang tiyan ko na gutom. Hayaan nga nga, gutom eh.

****

3rd Person's POV

Buhat-buhat na ni King ngayon si Janine. Nanood pa kasi sila pagkauwi nila ng bahay. Bumalik na sa pagiging childish si Janine pagkatapos niyang kumain. 

Dahan-dahang ibinaba ni King si Janine sa higaan niya. Aalis na sana siya ng hinawakan ni Janine ang kamay niya.

"Dito ka lang.. wala akong kasama" sabi ni Janine habang naka-pout pa kay King. 

Napangiti si King at umupo sa upuan malapit sa higaan niya.

"Hindi diyan. Dito ka, tabi tayo matulog" sabi ni Janine sa kanya. 

Nanlaki ang mata ni king ng narinig niya yon. Maya-maya ay umiling siya.

"Ayy.. bakit ayaw mo? Dali na..." pagpupumilit ni Janine. 

Ayaw tumabi ni King kay Janine dahil... baka may magawa pa siya sa kanya. Edi kasalanan niya pa yon. 

"Ayaw mo talaga?" Umiling ulit si King.

"Last question. Ayaw mo na talaga? Wag mong akong sisihin sa gagawin ko ha?" 

Nagtaka naman si King sa sinabi ni Janine. "Anong..gagawin mo?" 

"Tatawagan ko si babes ko. Siya na lang tatabi sa akin" sabi ni Janine. Nagulat na lang siya nang biglang hinablot ni King mula sa kanya ang cellphone at tumabi. 

"Hihihi.. yey, may malambot na akong unan" sabi ni Janine sabay yakap kay King.

Napaisip si King.. 'This is our second time sleeping together. Why does it felt so good and right to be in her arms?'

------

A/N:

Guysss! Sorry kung ganyan lang ang mabibigay ko sa inyo. Hindi ako marunong magpakilig eh! >_____<

Sila Ellaine ba? Doon sa bahay nila Prince natulog para may PRIVACY yung dalawa ;D Hahaha..

Pagpasensyahan niyo na kung sabaw ang chapter na ito. Sunod-sunod na longtests kasi eh. Tss.. piga na ang utak ko XD

Thanks for reading! ^__^

Dedicated sa kanya! Yung mga dedications po, sa comments ko ibe-base simula ngayon =))))

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Where stories live. Discover now