Napatawa naman si Ace at Jack habang pangiti-ngiti lang si Joker.

Kumatok ng malakas si King upang ipaalam na naiinip na ito. Binuksan naman ito ni Janine na naka-white t-shirt lang na hanggang tuhod. 

"K-king?" gulat na tanong niya. "Bakit?" tanong pa ni Janine. 

Hindi sumagot si King at bumaba na. Halata namang naguluhan si Janine sa biglaang pag-alis ng King.

'Bwiset. Bakit ba ganun lang damit niya?' tanong ni King sa sarili. 

Nagulat sila Ace sa biglaang pagbaba ni King. At higit sa lahat, namumula ang mga tenga nito.

"Hoy King ano yan? Bat namumula yung tenga mo? Kinagat ng ipis?" asar ni Ace. Sinamaan lang ng tingin ni King si Ace.

Bumaba naman si Grey matapos ang ilang segundo. "May pupuntahan lang ako. Gusto niyong sumama?" tanong nito sa apat.

"Sama ako!" sabay na sagot ni Ace at Jack. Lumabas na silang tatlo pero maya-maya ay sumunod na rin si Joker. 

Doon lang nagsink-in sa utak ni King na naiwanan silang dalawa. Ni Janine. Sa bahay. Na silang dalawa lang. At wala ng iba.

Napabuntong-hininga si King. Nung una niyang nakita si Janine ay alam niyang may kakayahan na ito at di niya maiwasang mamangha ng araw ng paglaban nito sa kanila.

Sobra siyang kinabahan nung malaman niyang nakidnap sila ng ibang school kaya sumama ito sa kanila for the first time.

Natuwa siya nung araw na naghorseback riding sila at magkatabi pa silang matulog. Unti-unti na pala siyang nagkakagusto. 

Kaso.. nung pagsapit ng death anniversary ng dating princess ay bumalik ito sa pagiging seryoso. Kumbaga, lumamig ulit siya. 

Pero..hindi niya alam kung bakit gusto niyang bugbugin ang lalaking kasama niya. Kung bakit sumama ang mood niya at nagalit.

"King? Asan sila?" tanong ni Janine na nasa harapan na niya pala. Nagulat siya sa biglaang pagsulpot but he remained his composture.

"Umalis sila" sabi ni King at tumalikod.

"Aww..iniwan nila tayo? Wala tuloy akong mayayakap! Pwedeng ikaw na lang?" 

Nagulat siya matapos marinig ang sinabi nito. Pagkaharap niya ay mas nagulat siya susunod na nangyari.

Niyakap siya ni Janine. At mahigpit pa. *DUG.DUG.DUG.DUG*

Hindi alam ni King ang gagawin kaya't niyakap na lang niya ito pabalik. *DUG.DUG.DUG.DUG*

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon