"Ay oo nga pala cutie, kasama namin si King ngayon" 

Nanlaki ang mata ko nang narinig ko ang sinabi niya. A-ano kamo? Yung KING? Yung KING ng Black Royalties' Gang??

Aba! Magkikita ulit kami ng lalakeng umagaw sa akin kay Janine. Psh... ngayong wala sa sarili si Janine, susubukan kong tignan kung may gusto naman itong KING kay babes. Kawawa naman si babes kung walang gusto yung gusto niya noh.

"Sinong King?" tanong ni babes with matching tilt ng head. LAHAT kami ay nakyutan sa kanya. Tama kayo ng pagkakabasa. Lahat po kami. Hindi lang pinapahalata ng iba tulad ng Joker at King.

Nag-aaral kasi ako ng body language eh.  

God! Ang sarap iuwi ni babes!!  Ay, nasa bahay na nga pala kami XD [korni noh?]

Mukha kasi siyang inosente at walang kaalam-alam sa buhay gangster niya. Kaya favorite time of the month ko ito eh. Walang away-away, puro hug.

"U-uhm.. pwede pumasok?" tanong ni Ace sa amin pagkatapos makaget-over sa cuteness ni babes. Umisod naman ako para makapasok sila sa loob ng bahay. 

"Palit muna kami ng damit" sabi ko sabay akbay kay babes.

"Hihihi..babes, paheram ng damit mo ah? Mabango eh." sabi ni babes sa akin. Ngumiti at tumango naman ako sa kanya bago pumanik sa taas at sinulyapan ang reaksyon ni King. 

3rd Person's POV

"Woah King, chill. Feel namin ang dark aura mo" sabi ni Ace sa King nila matapos makaakyat ng dalawa.

"Akala ko ba hindi sila? Bakit nagtatawagan ng babaes yung mga yon?" nagtatakang tanong ni Jack.

"Dahil nga wala siya sa sarili. Yung Grey na yun lang ata ang pinakamalapit sa kanya bukod sa bestfriend niya kaya siya ang dinidikitan" sabi ni Joker.

Napatingin silang tatlo kay King na kumakalma na ngayon. Alam naman nila na may gusto rin itong King nila sa Queen eh. Kaso.. pinipilit ng King na mahal niya pa ang dating princess kung kaya't hindi ito makaget-over.

"Ang sweet nila. Nakita mo nung nagsusubuan pa sila ng ice cream?" tanong ni Ace habang tumitingin-tingin sa King nila na bumabalik ang dark aura. Lahat sila ay napangiti except Joker and King.

"Tapos nagbabasaan pa sila. Ano kayang ginagawa nung mga yon sa taas? Baka hindi na maganda" 

"Baka nagkakadevelopan na yung mga iyon. Bagay kaya sila!"

"Tuwang-tuwa pa sila kanina sa sarili nilang mundo! Cute coupl--" 

Hindi na naituloy ni Jack ang sasabihin dahil tumayo ang King at sumunod sa taas.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon