Hi I exist.

4.4K 100 42
                                    

Sa loob ng 17 years na pagpapantasya ko sayo....

ni isang tingin wala akong natanggap sayo...

naalala mo pa ba nung elementary tayo? syempre hindi... ni hindi mo nga ko kilala eh, pero kahit ganun ikukwento ko pa din.

sumasabay ka sa Bus namin dahil kaklase mo ang mga ka Busmates ko, tatlo dun ang may gusto sayo idagdag mo pa ko apat na... pero sa apat na yun.. sa akin ka nililink.. bakit? dahil gusto lang nila at sa hindi ko malamang dahilan bakit nila alam na crush kita, eh TOP secret ko yun... siguro nga ganun na ko ka obvious... pero wala eh .. alam na nilang lahat ikaw na lang ang hindi...

ang masaklap pa dun... may crush ka isa din sa busmates ko.... kaya pala sumasabay ka samin..

oh diba? ang saklap.

Lumipas ang 2 years ko sa highschool ng hindi ka nakita.. wala eh napilitan akong lumipat para makalimutan ka.. charot... dahil natanggap ako sa science highschool.. at ikaw nanatili sa school natin... ang daya ... bat di mo kasi tinanggap ung offer? di hamak na mas matalino ka naman kesa sakin tsaka edi sana naihiwalay na kita sa mga fangirl mo at magkasama tayo sa Science HighSchool ...hah as if naman na napansin mong nawala ko sa school... ni hindi mo nga ko matapunan ng ngiti, ang makilala pa kaya ko'? asa pa ko..

naging masaya naman yung unang dalawang taon ko sa highschool kahit wala ka bilang inspirasyon ko... madami namang gwapo sa school ko eh madami din akong naging crush at madami ding nanligaw .. and WOOW naappreciate nila ang ganda ko .. bat ikaw hindi? ..

.. pero kahit gaano man kadami ang nagkagusto sakin .. o gaano man kagwapo ang mga crushes ko sa school ko...

ikaw pa din eh .walang nagbago.

Bumalik ako sa Alma Mater ko sa simpleng dahilan ... mahirap magaral pag walang inspirasyon...

kaya kahit halos patayin ako ng nanay ko dahil sinasayang ko ang opportunity ko... Lumipat padin ako... pero sh-t ka . ang ganda ng bumungad sakin.. naging kayo ng crush mo.. wow talaga alam mo bang first time kong masaktan? hahaha first girlfriend mo kasi siya kaya alam kong ang swerte niya at alam kong mahal mo talaga siya .. duh? aabot ba ng 4 years ang pagkagusto mo sakanya kung hindi ka seryoso?.. haaay ang gaga niya na lang kung papakawalan ka niya .. pero alam mo bang pinangarap kong maging first girlfriend mo?.. buti ka pa naging kayo ng crush mo... eh ako at ikaw kailan magiging TAYO?

nagpatuloy ang buhay huminga padin ako kahit alam kong nasasaktan ako tuwing nakikita ko kayong dalawa sa canteen.. sa court at kahit sa waiting shed sa parking lot... feeling ko biglang lumiit yung school.. dahil kahit san ako magpunta andun kayong dalawa.. magkasama, magkausap, magkaholding hands, nagmamahalan.

tumagal kayo ng 1 1/2 year.. balibalita ang break up niyo dahil isa kayo sa famous couple sa school .. nakakatawa ang dahilan kung bakit kayo nagbreak... ang sabi niyong dalawa mas better na friends lang kayo dahil masyado pa kayong bata at nagpromise kayo sa isa't isa na sa tamang panahon babalikan niyo ang isa't isa. HAH! alam mo ba kung ano ang nasa isip ko ng mga panahon na yan?

promises are made to be broken..

Nagbunyi ang buong kaibuturan ng kaluluwa ko... sino ba namang hindi? kung malaman mong single na ulit ang crush mo diba? at alam kong may chance na ko na mapansin mo?. kaya ayun binago ko ang sarili ko.. ang dating Kaileen na bookworm nerdy type at walang time sa sarili ay nagbago

para sayo..

mas naging kapansin pansin ako sa mga mata ng tao... hindi na kasi ako yung babaeng nasa gilid lang at hindi gaanong nagsasalita.. Nagbago na ko.. tinry ko yung best ko na mapansin moko... binago ko ang sarili ko.. nagsimula akong magayos umasta na parang dalaga ,mas naging vocal ako...tumaas ang self confidence ko sa sarili ko na sumali sa mga contest sa school..

at kung dati may ilan na nakakapansin sakin.. mas dumami sila...

pero hindi ka pa din kasama dun.

i tried imitating your ex ..wishing that you may see me like the way you saw her but then I want you to see me for who I am not just because you can see your ex's trait on me..

alam mo ba minsan naiisip ko na baka natotorpe ka lang talaga kaya hindi mo ko nililgawan... o hindi kaya ay may gusto sakin ang kaibigan mo at ayaw mong masira ang friendship niyo kaya hindi ka lumalapit sakin... lahat ng pwede kong isipin insip ko na .. pero lahat naman yan conclusion lang eh . dahil ano nga bang alam ko sa iniisip mo? eh kung ang makalapit nga sayo ay hirap na ko..ang malaman pa kaya ang iniisip mo?

pero sabi nga nila

dreams do come true.

pero.. hanggang kailan ako mangangarap na mapansin mo?

nasasaktan mo na ko di mo pa alam,

kung sa bagay wala namang pakialam talaga...

1ST YEAR COLLEGE .

naging kayo ng pinsan ko.. ang sakit pero alam mo kung ano yung mas masakit?

Alam niyang may gusto ako sayo at nangako siyang ilalakad niya ko sayo.

Ang tanga ko noh? sana pala ako na lang mismo ang lumapit.. naunahan pa tuloy ako, alam mo ba natakot ako nun , akala ko kasi magiging bridesmaid mo ko sa kasal mo at ng pinsan ko haha ang mas masaklap nun IN-LAW kita pero buti na lang hindi din naman kayo nagtagal.. ang sabi ng pinsan ko masyado daw naging complicated ang lahat nakakapagtaka na halos perfect couple na kayo eh naging complicated pa?.

hindi na niya inelaborate pa sakin nun at wala na din naman akong balak tanungin dahil ang mahalaga wala ng kayo.. hahaha ang saya noh? para kong tanga. eh ano naman kung hindi na kayo? hindi rin naman magiging tayo .. how ironic..

hanggang sa sunod sunod ang naging girlfriend mo.. yung iba MASSCOM students o di kaya ay POLSCI pero kalimitan ay TOURISM students.. di ko alam kung paano mo nagawang manligaw ng taga ibang college eh ang layo ng building ng Engineering sa Arts & Sciences.. samantalang ang building ng Business Adminstration katabi niyo lang na kinabibilangan ko .. hindi mo nagawang pumunta.. kaya ayun siguro sign na yun para mag aral muna ko ng mabuti at huwag munang isipin ang iba't ibang bagay...na lilipas lang ang apat na taon na pag aaral lang muna ang aatupagin ko, pero kahit anong pilit ko na iwasan ka at ituon ko na lang ang sarili ko sa pag aaral.. tadhana na ang humahadlang sa plano ko.. dahil sa laki ng University na toh.. nagkikita at nagkikita pa din tayo ..mali pala hindi mo nga pala ko kilala .. let me rephrase it ..

nakikita pa din kita .

destiny wasn't on my side and kept on giving me trials....or maybe he wasn't my destiny?

gagraduate na ko ng college ang galing noh? nagawa kong makatapos sa kabila ng hirap ng course ko na Accountancy at ikaw gagagraduate ka na din at isa ka ng ganap na Mechanical Engineer if ever papasa tayo ng board,.

pero gagraduate na ko ng college pero kailan kaya gagraduate ang feelings ko para sayo?

ang sakit lang isipin na after ng graduation eh bihira na kitang makikita.. hindi ko na alam kung san kita maaring mapuntahan masulyapan at maaring mag ibang landas na ang tahakin natin..pero siguro nga ... hanggang dito na lang ...

alam mo ba sa mga panahon ngayon ko nararamdaman na nakakapagod palang humanga sa taong ang lapit lapit sayo pero parang ang layo layo padin .. yung tipong daig mo pa si Daniel Padilla ang hirap mong mareach ..

alam ko namang maoovercome ko din tong feelings ko sayo .. hindi man ngayon maybe someday pero sana naman bago ako maka andar sayo mapansin mo man lang ang undying feelings ko para sayo..

at kung sakaling nababasa mo man toh ngayon... Congratulations BADING KA . walangya ka bakit may wattpad ka? haay seryoso Sana kung nababasa mo man toh na isa sa mga taong nakapaligid sayo ay napapasaya mo ng hindi mo alam .. nasasaktan mo ng hindi sinasadya .. at nagmimistula kang inspirasyon... Hindi man naging Happy ending ang story na nating dalawa.. atleast nabasa mo toh... and Congratulations sayo kasi kahit papaano you already know that

I exist.

---K

Hi I exist.Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora