ST : Chapter 4

5.3K 113 2
                                    

Czarry

"Are you alright ? Is there something wrong ? " tanong muli sa akin ni Wilzen . Umiiling ako agad ,siguro kanina pa siya nagtataka . Simula nang sunduin nya ako puro tango at iling lang ang sinasagot ko sa kanya . Ewan ko ba kung bakit ko ito nararamdaman . Takot . Yan yung nararamdaman ko para kay Wilzen .

Paano pagnalamang nyang hindi ko siya sinunod ? Paano na ang pagaaral ko ? Paano na si Crisha ? Paano na ako kung wala siya ? Minsan naisip ko na wala sa tabi ko si Wilzen sa senaryong yun feeling ko hindi ako makahinga parang nauubusan ako ng hangin sa katawan .

Nakakatawa mang isipin saglit lang kaming nagkakilala pero pumasok na agad siya sa sistema ko yung parang hindi gagana ang utak at katawan ko kung wala siya yung parang ganun ,yung parang siya na ang buhay mo .

Ilang oras na katahimikan ang namalagi sa pagitan naming dalawa usually puro kami kulitan at kwentuhan ng mga nangyari sa araw na ito kapag nasa byahe kami . Nakakapanibago at alam ko ako ang nagpabago nito

Nakarating kami sa bahay nya nauna na akong umakyat sa taas kahit gutom na gutom na ako hindi nalang ako kakain kailangan kong umiwas dahil nahihiya ako sa kanya

Isasarado ko na sana ang pintuan ng iharang ni Wilzen ang braso nya . Kunot noo at pantay ang mga kilay nyang nakatingin sa akin . Alam ko sa oras na ito galit siya .

"Tell me Czarry . Anong problema mo ? " umupo ako sa kama naramdaman ko ring lumubog ang kanang bahagi ng Kama ,nakaupo na doon si Wilzen . Pinaharap nya ako sa kanya at hinawakan nya ang baba ko . Titig na titig ang magaganda nyang mata mukha ko medyo nakakaconcious ako sa kanya kaya umiwas ako pero hinakawan nya uli ang baba ko . Makulit din itong poging ito eh .

"Czarry please itong tampo ko magiging galit na " mababang tono nyang sabi

"Wilzen ...... Im sorry . Im sorry talaga "

"Bakit ? Ano bang nagawa mo ? "

"Kasi may kinausap ako na lalaki , mali binati nya ako kaya nagulat ako kasi siya pala yung nakabangga ko pero tinatak ko sa isipan ko na wala dapat akong kakausapin na lalaki promise I try to follow your command . Please wag kang magagalit Wilzen ayokong mawala ka sa akin " naiiyak kong sabi sa kanya . Nang tingnan ko siya nakayuko lang siya ewan ko kung nakangiti ba siya o nakangiwi na sa galit .

"Wilzen " hinawakan ko ang dalawa nyang kamay

Unti-unting umangat ang ulo nya . He's smiling wider than earlier before we separate our ways . At hindi lang yun namumula pa ang mga tenga at pingi nya para siyang kumain ng sandamakmak na sili .

"Ayos ka lang ? Namumula ka ? " mas ngumiti pa siya lalo . Nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko yung tipong nakadikit na ang mga ilong namin . Mayamaya lang naramadaman ko ang isang malambot na bagay sa ibabaw ng labi ko . Ang malambot na labi ni Wilzen ,ibang iba ang paghalik nya sa akin nakasteady lang at hindi gumagalaw ng pumikit ako at ipinulupot ko ang mga braso ko paikot sa leeg nya doon palang gumalaw ang labi nya ng marahan . Ramdam na ramdam ko ang pagiingat nya na hindi ako masaktan sa paraan ng paghalik nya sa akin daig ko pa ang crystal o dyamante o kahit anong mahal o mahalagang bagay dahil sa ipinapadama sa akin ngayon ni Wilzen , pakiramdam ko isa akong prinsesa at siya ang tagapagligtas ko .

"Ayoko ko ding mawala ka sa akin dahil mababaliw ako ng sobra , Czarry gusto kita " abot hinga nyang saad sa akin . Magsasalita pa sana ako ng halikan nya kong muli . Wilzen totoo ba ? Gusto at hindi awa ang nararamdaman mo sa akin ? Sana oo dahil ako higit pa sa gusto ang nararamdaman ko

The Contract Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon