ST : Chapter 1

11K 149 1
                                    

Czarry

"By the Virtue and Power vested upon me by the Department of Education I confirm you Graduates" 4 years of sacrifice nakagraduate din ako ng High School . Sulit lahat ng paghihirap na ginawa ko para lang makuha to .

"Please give a round of applause for Valedictorian of Class 20** Czarry Perey for her Valedictory Address "

Kinakabahang tumayo ako sa aking upuan at umakyat sa stage

"Magandang Umaga sa inyong lahat " unang pagbati ko

"Unang una sa lahat nagpapasalamat ako sa lahat ng sumuporta at tumulong sa akin para maabot lahat ng ito . Sa mga namayapang magulang ko para po ito sa inyo , sanay gabayan nyo parin ako sa aking tatahaking landas sa kolehiyo . Sa mga naging  guro ko na naging pangalawang magulang ko maraming salamat din po at sa mga kamag aral ko lalo na sa IV-Diamond salamat sa mga ala-ala at sa mga payo tuwing may problema ako sana masakatuparan nating lahat ng pangarap na gusto nating makamit muli Congratulations "

**

"Crisha ? "

3pm nang makauwi ako medyo tumagal ang graduation namin dahil dun nagbigay ng mga medal . Excited talaga akong umuwi dahil may natanggap akong pera galing sa mayor 60,000 pang kolehiyo ko narin to . Bumili din ako ng regalo para sa kapatid ko actually nung isang buwan nya pa ito hinhingi sa akin hindi ko lang mabigay dahil sa dalawa nalang kami na magkasama , ako ang nagtratrabaho para sa amin  hindi pa nga sapat ang sweldo sa pangaraw-araw namin kaya nagtatampo ang kapatid ko

"Crisha ? Nasan ka ba ? "

Pinuntahan ko na lahat ng bahagi ng bahay pero wala parin siya . Hindi kaya nakipaglaro na naman ung batang yun ?

Lumabas ako ng bahay at nakita ko ang kapit bahay naming byuda na tumatakbo papalapit sa akin

"Czarry ! "

"Oh Ate Rina bakit po ? "

"Yung kapatid mo kasi hinimatay ! Hindi ko alam nangyari naglalaro lang naman siya dun sa kanto kanina  "

"Nasan na po si Crisha ? "

"Andun na sa St.lukes hindi kasi maisingit sa Clinic ng barangay eh Tara na Neng "

St.Lukes ? Ang alam ko mahal dun eh ! Panibagong problema na naman ba ito ?

Ilang Oras lang at nakarating na kami sa St.lukes sa Bonifacio Global City

Lumapit agad ako sa mga Nurse at Nagtanong

"Crisha Perey po "

"Wait Miss ..... Room 16 po 4th floor "

"Salamat "

"Ineng bukas na tong Elevator sumakay ka na ! "

Nakitang kong magsasarado na ung Elevator kaya napatakbo ako buti nalang pinindot agad nung lalaki para bumukas

Nakasuot siya ng Blue V-neck shirt at Grey Pants at nakaray-band glass . Maputi siya , makapal ung kilay , matangkad  ,matangos ung ilong , blond ang Kulay ng buhok at may mapulang labi hula ko nasa mid20's na siya

"Papasok ka  ba miss ? " iritableng sabi nya

"Opo , sorry po " pumasok na ko agad at pumunta sa likuran nya kung nasaan si Ate Rina

"Susme kegwapo naman nya neng " bulong sa akin ni Ate Rina

Gwapo nga siya pero Bad Boy kasi ang dating nya sa akin

2nd Floor

3rd Floor

4Th Floor *Ting *

Lumabas na  kami ni Ate Rina nang may Tumawag sa akin

"Miss wallet mo nahulog " yung gwapong bad boy

"Salamat " kinuha ko sa kanya at nakahawan ang malalambot nyang kamay siguro walang ginagawa to

"Neng Tara na ayun ung Room 16 "

Sa pangawalang pagkakataon napatulala na naman ako !  Ano bang meron ang lalaking yun ?

The Contract Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon