Comments and Votes

74 2 0
                                    


Ayun! Alam naman natin lahat na may comment at vote na feature itong wattpad.. Which I find really good and useful.. 

Specially sa comments. Doon kasi nag base kung maganda ba yung story or hindi..

Isa sa mga sekreto ko (na mabubunyag na ngayon! haha) yung pagbabasa ng comments ng mga readers sa isang story before ko yung ilagay sa library ko at basahin..

Super importante sa akin ng mga comments ng mga readers dito, sa mga story na nababasa nila, gustong gusto ko nababasa yung mag feedback nila.. Kahit na nga ba ako eh hindi talga naglalagay ng sarili kong komento.. Offline kasi ako nagbabasa talga at kahit na nga ba gusto ko mag comment sa bawat chapter eh hindi naman ako always naka online. kasi kahit saan ako maparoon, hndi ko naman ma on ang wifi ko or ang data ko.. sayang sa baterya, save ko nalang para makapag basa pa ako sa wattpad.. hehehe, 

Style ko sa pagpili ng story yung titingnan ko na agad yung Epilogue, or yung last chappy, tas tingin agad ako sa comment, alam nyo naman na hate ko ang mga tragic at pangit na ending.. kaya nagbabase talaga ako sa comments ng mga readers.

Kaya kayo, take time to post your comments. It really matters talaga., sabihin niyo kung ano ang nasa loob niyo.. 

Wag na wag din kayo paka plastik.. paka totoo naman kayo! hahaha]

Baka naman may mga comment na ganito:

 "Ang ganda po ng story! nakaka iyak. Ang lungkot kasi namatay si lalake. Sobrang naiyak po ako. Pero maganda po talaga. Tragic nga lang..."  ----ay nakooo!!! anong maganda diyan! eh nagkamatayan!

Saka yung mga comment na ganito:

"Ang ganda po ng story Ms. Author! Nakakabitin...!!!" ------------anong kinaganda ng mga bitin?? *kamot-ulo*

Pwede niyo naman sabihin yung totoo..... Na bakit tragic? bakit bitin? 

Complement nga siguro yung may kasamang sasabihin niyo na maganda, pero para sa akin eh hindi..

Pag nakakita na ako ng mga ganoong comment, di ko na pag aaksayahan ng oras pa na basahin yung mga ganun. Waste of time lang. hehehe




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RANDOM POV's of mineWhere stories live. Discover now