Simula

192K 2.2K 61
                                    

Maria pov

"Anak! Mag-iingat ka sa Manila ha?" Umiiyak na sabi ni Mama sakin.

" Mama, wag po kayong mag-alala iingatan ko po ang aking sarili. Hahanap ako ng magandang trabaho para matubos na natin ang nakasanlang bukid"  Humihikbing sabi ko habang nakayakap ako kay Mama.

Napakislot ako ng biglang magsalita si Papa.

" Hay naku! Tama na ang drama at baka hindi na tumuloy yang anak mo." Natatawang sabi ni Papa.

" Papa mamimiss kita!" Malungkot na sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

" Mamimiss din kita anak. At wag na malungkot sumakay kana sa bus at baka maiwan ka pa." Sabi ni Papa sa akin at hinalikan ang aking ulo.

" Bye anak. Ingat ka ha? I love you" Sabi ni mama at hinalikan ako sa pisngi.

"Bye Mama at Papa. Ingat din kayo. I love you!" Sabi ko at sumakay na sa bus.

Nang umandar na ang bus ay napasandal nalang ako sa gilid ng bintana, habang nakatingin sa labas. Medyo nahihilo ako kasi first time ko lang makasakay ng bus, at saka hindi ako sanay sa aircon ang lamig at iba ang amoy. Sobrang kinakabahan ako at medyo naeexcite.

Kinakabahan dahil hindi ako sanay na malayo sa aking pamilya at balita ko din ibang-iba ang syudad kaysa sa probinsya.

"Maria, wag kakabahan ok? Kaya mo yan! Para sa pamilya laban lang." Sabi ko sa aking sarili at huminga ng malalim.

Ang dahilan kung bakit nagdesisyon ako na mag trabaho sa Manila dahil sa nakasanla naming lupa. Feeling ko kasalan ko kung bakit nasangla ang bukid dahil sa dinapuan ako ng Dengue. Walang kapera-pera ang aking mga magulang dahil mahina ang kinita nila sa inani naming gulay kaya wala silang nagawa kundi isangla ito.

Ang unang kong goal ay matubos ang aming lupa at makaipon para maipagpatuloy ang aking pag-aaral.

High school lang kasi ang natapos ko. Gusto sana nila papa na ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral, ngunit wala kaming sapat na pera para matustusan ang gastusin sa school kaya nag desisyon ako na tumigil nalang at humanap ng trabaho. Gustong-gusto ko talagang makatulong dahil mahalaga kay Papa ang nakasanla naming lupa dahil pamana iyon ng aking Lolo na nasa kabilang buhay na.

Sa dami ng tumatakbo sa isip ko hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

"Maam, gising na po! Nandito na tayo sa Manila" Sabi ng isang lalaki.

Kaya dumilat ako at nagulat dahil ako nalang mag-isa ang nakasakay sa loob ng bus kaya dali-dali kong inayos ang aking mga gamit.

"Salamat pala kuya!" Nakangiting sabi ko sa kunduktor na gumising sakin kanina.

"Walang anuman iha! Mag-iingat ka ha? Iba ang syudad! Maraming sira-ulo at mapagsamantala." Paalalang sabi ni kuyang kundoktor habang nakangiti.

"Salamat po talaga! Tatandaan ko po yan" Masayang sabi ko at tuluyan ng bumaba sa bus.

Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang mamangha , dahil sa mga nagtataasang gusali at ang sarap sa mata ng ibat-ibang kulay ng ilaw ibang-iba sa probinsya.

Nagpasya ako na ibaba ang gamit sa gilid ng kalsada at inilabas ko kaagad ang aking cellphone para matawagan si Samantha ang aking pinsan. Siya kasi ang magpapasok sa akin sa isang restaurant at medyo malaki na rin ang kikitain kaya pumayag na ako.

Habang hinahanap ko sa contacts ang name ng aking pinsan laking gulat ko ng biglang may nang-agaw ng aking gamit at cellphone.

"Kuya! Ibalik mo sakin yung mga gamit ko parang awa mo na!" Naiiyak na sabi ko habang pilit siyang hinahabol kasi ang bilis nitong tumakbo.

" Pambihira naman! Nokia 3210 nalang nanakaw pa." sigaw ng isip ko at nagpatuloy sa pagtakbo pero sa sobrang kamalasan hindi ko napansin na may batong naka usli sa kalsada kaya nadapa ako.

"Jusko! Ang malas ko naman talaga. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil first time ko palang dito sa Manila at hindi ko alam kung saan nakatira si Samantha. Siguradong nag-aalala na yun sakin."

Natataranta kong sabi sa aking sarili habang hinihingal dahil sa paghabol sa magnanakaw kanina.

Habang nagbabawi ng hininga naalala ko na meron akong number ni Mama at Samantha sa isang papel na nasa aking bulsa.

Kaya ko rin ito sinulat dahil medyo nagloloko na ang cellphone ko at pag tuluyan na iyong nasira ay wala akong magagamit kaya naisipan kong gawin. At buti nalang talaga ginagawa ko dahil nanakawan pa ako.Swerte pa din kahit papaano.

Naglalakad ako sa gilid ng kalsada na gutom at ramdam na din ang pagod. Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta? Sa sobrang laki ng Manila malabo kong makita yung tinitirhan ni Samantha nakakalungkot naman.

Sa aking paglalakad laking gulat ko ng biglang may van na huminto sa aking harapan at agad akong sinakay ng sapilitan. May pinaamoy sila sa akin kaya tuluyan akong nawalan ng malay.

Nagising ako na masakit ang aking likod, at sa aking tuluyang pagdilat nakita ko na may tali sa aking paa at kamay. Nakatape din ang aking bibig kaya hindi ako makasigaw upang humingi ng tulong.

Naiyak nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin nila sa akin. Nakakakilabot din ang mga mukha nila parang mga adik dahil namumula ang mata.

Nakita ko yung mamang kalbo na kausap ang kanyang kasama.

"Pre! Parating na daw si Master" rinig kong sabi nito.

" Oo nga. Sana tanggapin niya ang paunang bayad natin. Halatang sariwa pa yung babae kaya paniguradong magugustuhan siya ni Master." sabi ng isang kalbo na may peklat sa pisngi .

Sa aking narinig tuluyan nalang akong umiyak.

"Diyos ko! Sana walang masamang mangyari sa akin"
Taimtin na dasal ko at iniisip na baka katapusan ko na.

Maya-maya ay nakita kong nagpasukan ang mga lalaking nakaitim. Napukaw ng aking pansin ang isang lalaki na may maamong mukha at sa tingin ko ay ito ang Master na tinutukoy ng dalawang lalaki kanina.

"Nasaan na?" Tanong ng isang lalaking nakaitim.

" Ayun po!" Turo sa akin ni kuyang kalbo at nakita ko na tumingin sila dito.

At nang magtama ang aming mata ng lalakiay biglang nagsitayuan ang aking mga balahibo at parang may kakaiba sa titig niya, basta hindi ko maipaliwanag.

Nagpunta ang limang lalaki sa aking kinaroroonan. Kinalagan nila ako at tinanggal ang tape sa aking bibig. Hinawakan nila ako sa aking braso at inilapit sa poging lalaki.

Tumingin ako dito at nakatitig lamang ito sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"Kill them!" Nakakakilabot na sabi niya kaya bigla akong kinilabutan.

Nakita ko na binunot ng mga lalaking nakaitim ang kanilang baril at pinaputukan ang kumidnap sa akin.

Kaya agad akong pumikit at naramdaman ko na hinila niya ako palabas. Sinakay niya ako sa isang magarang kotse at hindi ko maiwasang mamangha dahil first time ko palang makasakay sa ganito.

Nang maisakay niya ako sa loob ay laging gulat ko ng bigla niya akong halikan ng mariin.

Itutuloy...

The Innocent Sex SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon