THE GREATEST LOVE OF ALL

1K 43 0
                                    

***THE GREATEST LOVE OF ALL***
BY: SHENGGAY



CHAPTER 10


"Hoy gising anung itinutulog mo diyan lalaki ka ha?"bulyaw ni Meljhorie kay Tristan na ikinahalikwas ng huli.

"Ha bakit Mel may nagawa na naman ba akong mali?"napabalikwas na sagot nito sa ewan ba niya kung tao ito o tigre.

"Wala naman halika lang sa kusina ipagluto mo ako ng sopas."maldita nitong sagot saka nagmartsang patungo sa kusina nila.

"Ang babaing iyun talaga oo puwedi nang magsabi na hindi nakasigaw. Isip isip ni Tristan saka napailing na lamang.

Oo ganito na ang buhay niya tatlong buwan na ang nakakaraan. Wala siyang maalala sa kanyang
pagkatao. Ang kuwento ng tigresang iyun ay napulot siya nito sa daan na duguan at marahil dahil doon ay hindi niya maalala kung sinu siya.
Nagmulat na lamang siya na Christian ang kanyang pangalan. Pero kahit tigresa ito sa bunganga lang naman. Maldita at mainitin ang
ulo nito. Minsan kung hindi pa ito sasawayin nang mga lolo at lola nito ay hindi pa ito titigil sa kadadakdak.

Agad niyang tinungo ang kusina at naghalungkat sa ref para sa pansahog niya sa sopas ni tigresa
nang biglang sumulpot ito ewan kong saan galing wala naman ito na nadatnan niya dito.

"Oy Christian anung ginagawa mo diyan sa ref ha abah huwag mong sabihing diyan ka magpapalamig? Hindi kakasya diyan.!"nakataas
kilay na aniya nito sa kanya at sa paglingon niya sana dito nabitawan niya ang condense milk at
nahulog ito sa paa niya.

"Oooouuucccchhh! Ang sakit naman!""aringking niya at kung hindi pa niya nailagan ay nauntog
pa siya sa nakabukas na ref.

At nang lingunin niya ang dalaga ay namimilipit ito sa katatawa. Pero pinulot pa rin naman nito ang nahulog na milk in can.

"Lampa mo naman kalalaki mong tao lampa lampa mo heto diyan na sa mesa baka mahulog ulit baka magkabukol ka ay mabuti sana sa ulo mo anu baka sakaling bumalik na ang alaala mo hmmmmmp!!! Sarapan mo ang pagluto doon lang
ako sa sala hintayin ko. Pagkatapos mo diyan dalhan mo ako sa sala at pine apple juice nauunawaan mo ba?"aniya nito sa pobreng lalaki.

"Hoy lalaki kinakausap kita nabingi kana ba ha?"bulyaw nito na kinapitlag ulit niya.

Naman!

Tristan iho!

Isang senyorito at napapalibotan ng katulong ay kinakatulong?

"Hmmmnmppp! Alam kung maganda na ako kaya huwag mo na akong pakatitigan baka malusaw pa
ako noh!"muling supalpal nito sa lalaki. Paanu namam kasi kahit lagi siya nitong sinusupalpal ay
hindi niya maiwasang humanga dito. Mala angel ang ganda nito. Pang miss universe ang gAnda
dagdag pa ang maamu nitong mukha pero kung gaano kaamu ang mukha nito ganun naman ang
kabungangera at pagkamaldita nito.
Napailing na lamang siya nang tuluyan itong umalis at iniwan siya sa kusina. Nang malinis
niya ang manok na pansahog niya sa sopas at naisalang ito ay agad naman niyang ginayat ang mga gulay na kakailanganin niya. At nang sa tantiya niya na luto na ang manok ay agad niya itong hinango at pinalamig kunti para himayin.
Saktong nahimay niya ang manok ay sakto namang kumulo ang paglulutuan niya kayat agad
niyang inilagay ang mg sangkap nito. Makaraan ng ilang minuto ay natapos na rin niya ang sopas ng tigresa. Gumawa na rin siya nang
fruit shake nito at pine apple juice baka sakaling maappreciate pa nito ang ginawa niya.

Isang baso ng fruit shake isang baso ng pine apple juice at ang isang mangkok nang sopas iyan lang naman ang lamang ng tray nang buhat buhat ni Tristan pero nang makita niyang hindi pa niya naligpit ang ginamit niya ay muli niya itong
ibinaba at minadaling iniligpit ang mga ito babalikan na lamang niyang hugasan ito.

THE GREATEST LOVE OF ALLWhere stories live. Discover now