THE GREATEST LOVE ALL

1.2K 54 0
                                    

***The Greatest Love of All***
By: Shenggay

Chapter 3


Matuling lumipas ang mga araw at nasa kolehiyo na si Sheryl Ann sa kursong Business Management na kagustun nang kanyang mga
magulang kahit ang gusto niya sana ay Theater Course hindi naman sa bobo siya pero talagang wala sa business ang kanyang linya nasa pag awit. Ewan nga ba niya isang abogada ang mommy nila at isa sa business tycoon ang papa nila pero siya lamang ang naiiba sa kanilang
tatlong magkakapatid na sa musika ang hilig niya. Natatakot nga lamang siya sa mga itong magtanung.


Isang araw habang siya ay nakaupo sa isang bench sa loob ng SLU Campus at nagbabasa nang kaniyang susunod na klase ang Business Ethics mahilig pa namang magpasurprise quiz si Attorney Calvin.

"Hi! Can I stay with you here?" Boses na pumukaw sa seryosong pagrereview niya kayat nilingun niya ito.

"Oh ikaw pala Tristan sure naman halika maupo ka.."sagot niya dito kahit naasiwa siya sa klase
ng pagtitig nito at ayaw niyang awayin na naman siya ng mga kababaihan na nay gusto dito.

Sinu nga ba ang hindi magkakagusto sa isang
Tristan Mondragon? Bukod sa isa itong anak mayaman isa din itong varsity sa kanilang unibersidad. Isang basketball player na laging
tumatanggap nag parangal bilang MVP. Matalinong studyante at nasa DEAN'S list scholarship. Matagal na itong nagpaparamdam sa kanya pero kasalanan ba niya kung wala
siyang nararamdaman para dito saka isa pa marami pa siyang pangarap sa buhay na gusto
niyang abutin.

"Naku Ann Ann matagal ko nang alam na guwapo ako baka naman matunaw ako niyan"nakangiting
sabi nito sa kanya na ikinapamula ng lanyang maputi at makinis na mukha.

"Tsss yabang mo Tristan hintayin mo namang sabihin ko ayan tuloy lumakas ang ihip ng hangin.."ganting sagot niya dito para maikubli sana ang pamumula ng kanyang pisngi. Saka akmang iiwanan na ito pero pinigilan siya ng
lalaki.

"Huuh sorry na Ann Ann biro lang ikaw talaga pikunin ka pa rin siyanga pala yayain sana kita
mamayang gabi."ani nito nang makaupong muli ang dalaga.

Napakunot noo naman ang dalaga sa sinabi nito. Sa dami ng mga babaing nakapalibot dito ay siya
pa ang yayain nito. Pero hindi lang iyun ang inaalala niya baka magalit nanan ang papa niya.

"May concert ang NOTORIOUS BAND mamayang gabi and I know idol mo sila kaya naisipan kong ayain ka Ann.."aniya ng lalaki.

Napayuko siya nang dis oras dahil oo lahat ng mga paborito niyang banda ay mayroon siyang collections na photos at posters nang mga ito. Ayaw niyang umasa na papayagan siya ng papa niya kaya iyun ang sinabi niya dito.

"Salamat na lamang Tristan ayokong paasahin ka pero di ako makakasama sa iyo alam kong hindi
ako papayagan ni papa."saad niya dito pero pagtataka niya nakangiti pa rin ito.

"Don't worry Ann Ann naipaalam na kita kay tito Frank kaya wala nang problema susunduin kita mamayang gabi."muling saad nito kaya hindi na
siya nakapalag dahil alam niyang malapit na magkaibigan ang pamilya nila at pamilya Mondragon.
Kaisa isang anak ng Mondragon si Tristan and no wonder kong sa murang edad nitong 20 na
kasalukuyang graduating sa Business Management ay puwedi na itong mamahala sa mining company ng mga ito ang Mondragons Mining Company.


***********************

HARVARD USA

Sa tahanan ng mga Harden kung saan nakatira ang magkapatid na Cheska at Raven kasama ang
granny at granpa nila mula ng ikinasal ang noon ang mga magulang nila napagdesisyunan nilang sa America na sila mag aral na magkapatid. Lahat ng gusto nila ay nakukuha at naibibigay ng
mga grand parents nila. Mas spoiled sila sa mga ito kaysa sa mga magulang nila. Kahit ganoon pa
man hindi sila ang klase nang tao na spoiled ay mga palalo na.

THE GREATEST LOVE OF ALLWhere stories live. Discover now