Thirteen

745 36 4
                                    

Blake Rodric's POV

The other day, maaga akong gumising. Not to go to the office, neither to eat breakfast or drink coffee. But to by flowers.

I texted my secretary,

To: Jen

Ikaw na muna bahala sa office today. And cancel all my meetings. Except yung kay Miss Monteriza.

Isinuot ko yung jacket na sinuot ko nung first time naming magkita ni Rhyny sa Grean Bean.

Heading to her house, na wala naman talaga sa plano ko this day, dumaan muna ako sa isang store para bumili ng gamot at ng makakain niya. Kumalat din ang mabangong amoy nung rose sa kotse ko.

Nang makarating ako sa bahay niya, may isang kambahay na na nagbukas ng gate para sakin.

"Sir, bat po ang aga niyo?" tanong niya sakin. Right. Five-thirty palang ng umaga.

"Uh. . ." isip ng dahilan Blake, ". . . pinapunta po talaga ako ni Rhyny dito." I said followed by a gulp.

Malamang nakita niya na ako dito kahapon kaya sana payagan niya 'kong pumasok ngayon sa ganitong oras.

"Ah okay po. Tuloy kayo." aniya at pinapasok na ako.

Yes!

"Tulog pa po siya?" tanong ko.

Oh? Malay niyo naman maaga palang nagigising si Rhyny di ba? O kaya, baka hindi siya natutulog. Hahaha! Joke lang.

Ang ganda ganda niya nga e. Hindi mo makikitaan ng eyebags o kahit anong maitim sa ilalim ng mata.

"Oo sir e. Gusto niyo po bang umakyat nalang sa kwarto niya?" tanong pabalik sa akin nung kasambahay.

"P-Pwede po?"

"Oo sir. Kakilala ka naman e. Dun po sa pangalawang kwarto sa itaas." aniya kaya tumayo na 'ko kaagad.

Baka magbago pa isip e. Sayang din.

Dahan-dahan akong umakyat sa hagdanan habang dala-dala yung mga pinamili ko.

Tatlong kwarto yung nandito at tulad nung sabi nung kasambahay, sa pangalawa ako huminto.

Libre kong nabuksan ang pinto ng kwarto niya. Buti nalang hindi naka-lock.

Penlight lang yung nakasindi sa loob ng room niya pero sapat na yun para makita ko siyang balot na balot ng kumot na nakahiga.

Nakatodo pa yung aircon kaya hininaan ko 'yon bago ko siya lapitan.

And God, I never thought I'd come this far for her. Si Pitch nga hindi ko man lang nagawang alagaan tuwing nagkakasakit siya sa loob ng ilang taong relasyon namin.

Pero 'etong si Rhyny na hindi ko naman girlfriend. . . Psh. Ang gulo talaga ng buhay. Ang kontrabida ng utak. At ang tanga ng puso.

Oh-kay. May connect pa ba yung sinasabi ko?

Hehe. Nevermind na nga lang,

Tinanggal ko yung kumot na bumabalot sa kanya at nakita ko na naman ang pinakamagandang babae sa mata ko.

Chineck ko yung temperature niya at mainit pa rin 'yon. Tsk.

Tatayo na sana ako para kumuha ng towel at tubig sa ibaba kayo nagsalita siya.

Salitang hindi ko inaasahan at nakakakilig pakinggan,

"Don't leave me. S-Stay."

12:12 (Sequel: The Chase)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon