Chapter 7: They saved me

3 1 0
                                    

Jaemi's POV

"Bwiset talaga yang si Jeoldae eh. Naghanap pa ng kakampi!" panggagalaiti ko sa dalawa kong kapatid.

"Teka nga, eh parang ngayon ko lang ata nakita yung apat na nilalang na yun?" tanong ni Yumi.

"Oo nga eh, ako rin." pag-sang ayon naman ni Yuri.

"Hayst. Wala naman tayong paki sa apat na yun. Ang mahalaga makaganti tayo kay Jeoldae!" sigaw ko.

"O ano bang plano?" -Yuri.

"Diba student's party na bukas?" panimula ni Yumi.

"Ne! At each subject natin ay vacant." pag-sang ayon ko.

"Teka, nababasa nyo ba ang nasa isip ko?" tanong ko habang naka-killer smile.

"Yes." sagot nila.

"Haha! Mga kapatid ko nga talaga kayo."

---------

Jeoldae's POV

Nandito kami sa room ngayon, wala namang ginagawa kasi nga student's party naman. Sinabihan naman ako nila Taehyung na susunduin daw nila ako mamayang 2:00 pm para sabay-sabay kaming manunuod ng mga games sa field.

"Jeoldae!" tawag sakin ni Jaemi.

"Wae?"

"Pwede mo bang ihatid yung mga libro na'to sa library?"

"Ah sure. Akin na." sabi ko sabay kuha na ng mga libro. Medyo mabigat pala.

Naglalakad nako sa hallway ng makasalubong ko si Taehyung.

"Oh Jeoldae! Saan ka pupunta?" tanong nya.

"Ah sa library lang, ihahatid ko lang itong mga libro." sagot ko.

"Tulungan na kita!"

"Ay wag na. Ayos nako. Salamat nalang." sabi ko sabay alis na.

--------

Nandito nako sa pintuan ng library, kumatok nako pero parang wala namang tao. Ipapatong ko nalang siguro sa table sa loob.

Pagpasok ko....

*BOOOOGGGSSSHHH!!!*

Biglang nagsara yung pinto.

Pinilit kong buksan yung pinto at pinihit ng pinihit yung doorknob pero naka-lock na.

Natatakot nako dahil nga sa madilim rin sa loob, kailangan ko na ring makalabas dito dahil maga-alas dos na.

"Tulong! Tulong! Tulungan nyo ko!" sigaw ko.

Until We're GONEWhere stories live. Discover now