Chapter 6: BTX?

8 2 3
                                    

Taehyung's POV

"Narinig nyo ba yun?" tanong ni Jhope samin habang hinihintay si Jeoldae dito sa gate.

"Ang alin?" tanong ni RM.

"Jin! Yung sinabi nung babaeng kausap kanina ni Jeoldae." -Jhope.

"Maraming Jin dito sa campus kaya pwedeng di din si Jin na galing din sa mundo natin yung sinabi nung babae." paliwanag ko.

Napatigil kami ng may nagsigawang mga babae sa may right side namin.

"BTX?" tanong ni RM.

At mas lalo kaming di nakagalaw nang nakita naming lumabas ang tatlong lalaki sa isang white van.

Sila Jin, Suga at Jungkook.

"Jin!?" sigaw ni Jimin.

Nang dahil sa sigaw na iyon ni Jimin ay napadako ng tingin samin ang BTX at di nga kami nagkakamali, sila Jin, Suga at Jungkook yun.

Unti-unting lumapit sa amin ang BTX, nagsitaasan ang tensyon sa bawat titigan ng aming mga mata.

Alam kong alam nila na hindi kami ordinaryong tao dahil nakasama narin namin sila sa kabilang mundo.

"Sumunod rin pala kayo dito?" panimula ni Jungkook.

"At ano naman sa inyo?" pangpipilosopo ni Jhope.

"Gusto nyo rin bang magaya samin?" tanong ni Suga na lalo pang nagpataas ng tensyon sa paligid namin.

"Hindi." sagot ko.

"Talaga lang huh? Baka kainin nyo rin ang sinabi mo Taehyung." sagot ni Jin.

"Tatapusin lang namin ang misyon namin dito at aalis narin kami." paliwanag ni Jimin.

"Okay, then Good luck guys, sana makayanan nyo." paalam ni Suga na may kasama pang makahulugang ngiti.

Alam kong may kahulugan ang mga ngiti nilang iyon, at alam ko ring may masama silang binabalak.

Until We're GONEWhere stories live. Discover now