Chapter 2: The Shooting Star

9 2 0
                                    

Jeoldae's POV

"Jeoldae, pagkatapos mo jan sa assignment mo ay kumain kana at maghugas ka ng pinggan ha? Para makapagpahinga kana." paalala sakin ni Aunti Lee.

Natapos narin akong gumawa ng assignments ko at maghuhugas na sana ako ng pinggan nang tinawag ako nila Yumi, Jaemi at Yuri.

"JEOLDAE! JEOLDAE!" sigaw nila mula sa kwarto.

"Wae?" tanong ko.

"Pwede bang labhan mo naman itong jogging pants ko?" tanong ni Jaemi.

"Sige." sabay kuha ko ng pants sa kanya. Palabas na sana ako ng tinawag ako ni Yumi at Yuri.

Nagulat ako ng bigla nilang ibato sakin yung tatlong dress nila sakin, di nalang ako umimik dahil alam kong magkakagulo lang kami.

"Labhan mo na rin pala yan!" sabi ni Yuri kaya pinulot ko mula sa sahig yung mga damit nila.

"Hayst. Pagod na nga ako eh." bulong ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka!?" sigaw ni Yumi.

"Ah wala." sagot ko nalang.

Lumabas nako ng kwarto nila at pumunta na ng kusina para maghugas ng mga plato. Pagkatapos ay pumunta nako ng terrace para labhan yung mga pinalalaba sakin ng mga maldita kong pinsan.

Natapos ko naring labhan yung mga damit nila kaya nandito ako sa higaan ko at nakatingin sa kalangitan na punong-puno ng mga bituin.

Tamang-tama nga dahil nandito ang kwarto.

"Ang sarap tingnan ng mga bituin." bulong ko sa sarili ko. Maya-maya pa ay...

"WOW! SHOOTING STAR!" nabigla ako at napamangha sa nakita ko.

Naalala ko tuloy yung sinabi sakin ng Eomma ko na once na nakakita ka ng shooting star ay mag-wish ka at pagbibigyan daw ang kahilingan mo.

Agad-agad akong nag-wish at sinabing,

"Sana magkaroon ako ng mga taga-pagtanggol."

Hindi ko rin alam kung bakit yan ang lumabas mula sa bibig ko, siguro buhat ng nangyari sakin kanina sa school.

[FLASHBACK]

Nasa room na kami dahil katatapos lang ng break time namin, nauna nako sa upuan ko.

Napatigil ang mundo ko ng biglang pumasok sa pintuan ng room namin ang BTX dahil nga sa kaklase ko nga sila.

Napatitig ako sa kanila habang papasok sila ng room.

"Hey!" tawag sakin ni Suga.

"Huh? A-ako p-po?" nauutal kong tanong.

"Ne, pinapatawag ka ni Mr. Uy." dagdag pa ni Jin.

"Diba ikaw yung Jeoldae?" tanong pa ni Jungkook.

"Ne." tipid kong sagot, halos patayin na kasi ako ng mga babae kong kaklase dito sa sama ng tingin.

"So ikaw nga, pumunta ka daw sa faculty nya." sabi ni Jin na agad namang ikinapula ng mga pisngi ko.

Agad nakong lumabas ng pintuan at nakahinga narin ako ng maluwag, grabe! Kinilig ako nun. Di ko inakalang kakausapin ako ng BTX.

"So, masaya kana?" nagulat ako ng biglang may tumulak sakin kaya napadapa ako sa sahig.

Agad naman akong tumayo at tumakbo na palayo.

[END OF FLASHBACK]

Agad nalang akong lumayo dahil alam kong fan ng BTX ang nantulak sakin. Grabi! Okay na sana eh.

Hayst. Sana pagbigyan nyo yung wish ko.

Unti-unti nakong pumikit dahil sa antok narin.

Until We're GONEWhere stories live. Discover now