Chapter 41

4.6K 86 32
                                    


Topher's POV

"I won't touch you not until you say I do" I said sincerely. Kumislap ang mga mata ni Cayenne sa mga sinabi ko. I respect her and I want to give her the world. I want to marry her. I want to give her a perfect wedding na ipinagkait sa kanya noon. Mahal na mahal ko siya. God knows how I want her now. I want to feel her. Napakasarap ng halik niya, walang katumbas na kahit anong matamis na chocolate o candy. Nakakalasing ang amoy niya. But still, Kaya kong maghintay na magpakasal muna kami bago may mangyari samin.

Gusto kong ibigay sa kanya ang pagkakataong irespeto, pangalagaan at mahalin. Hinding hindi ko uulitin ang pagkakamaling ginawa ng ex niya sa kanya na hanggang ngayon hindi ko mapapatawad. Hindi ko man nagustuhan noon ang ginawa ni Eros kay Cayenne, Nagpapasalamat pa rin ako na hindi natuloy ang kasal nila dahil marahil wala ngayon sa tabi ko ang babaeng mahal ko kung nangyari yon.

"I love you so much!" Sabi niya habang mangilid ngilid ang luha sa mga mata niya. I know and I can feel how happy she is now. And I love you to so much Cayenne!

Muli niya akong hinalikan sa labi. Isang mabilis na halik pero nakapag bigay sa akin ng assurance na sa akin na nga siya ngayon. Niyakap niya ako ng mahigpit at ganoon din ako.

Nabaling nalang ang atensyon naman ng may mahinang katok kaming narinig mula sa pinto. "Senyorita Cayenne may bisita po kayo"

Sino naman kaya iyon ? Nagtatakang tumingin sakin si Cayenne at nagkibit balikat lang ako. Agad kaming tumayo at bumaba.





"IKAW!" Sigaw ko. Halos umakyat lahat ng dugo sa ulo ko ng makita ko kung sino ang bisitang dumating. Nang lumingon ako kay Cayenne walang reaksyon ang mukha niyang nakabaling sa taong hindi naming inaasahang magpapakita pang muli sa amin. Nang makabawi si Cayenne, agad kumunot ang noo nito. Napalitan ng galit ang mga mata niya.

"ANONG GINAGAWA MO RITO!?" Galit na sigaw ni Cayenne. Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Please Cayenne mag usap tayo. hindi ako nagpunta rito para makipag away" Natatarantang paliwanag ni Eros. Oo si Eros nga ang dumating. Hindi ko inaasahang makikita ko pa siyang muli! Ngayon pa na okay na kami ni Cayenne.

"Sa pagkakaalam ko Eros wala na tayong dapat pag usapan! At Ayoko ng makita yang pagmumukha mo! Umalis ka rito!" Hysterical ni Cayenne.

"Huminahon ka lang Cayenne, I'm here to fix everything! I'm here for you and for our son!" Kabadong sabi ni Eros. Aba loko pala to eh! Sino ba siya para sabihing aayusin niya ngayon ang lahat! Sa pagkakaalam ko ayos naman kami bago pa siya muling magpakita!

"You have nothing to fix at all young man" I interrupted. Halata namang gulat na gulat siya ng bigla akong umeksena.Pero agad ding napalitan ang reaksyon niya, napalitan ng pagkainis

"Back off! You have nothing to do with this!" Singhal niya sakin. Papatulan ko na sana dahil alam ko namang isang sapak ko lang sa kanya bubulagta na siya pero hinawakan ni Cayenne ng mahigpit ang kamay ko.

"He is my boyfriend so he has the right to stay, and you ! You stay away from our lives!" Pagtataboy ni Cayenne sa kanya. Kitang kita ang galit ni Cayenne kay Eros ngunit hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.

"No! He can't be your boyfriend may Anak tayo Cayenne, Do you think na seseryosohin ka niya??" Oh FUCK! Next thing I know dumapo na pala sa mukha niya ang kamao ko. Tulad nga ng iniisip ko bumulagta nga siya sa sahig. Nang iangat niya mukha niya nakita kong may dugo na sa gilid ng labi niya.

"Don't you ever insult her! Or else I'll kill you! Wala kang karapatan para pagdudahan ang relasyon namin! You don't deserve her!" Sigaw ko. Inawat naman ako ni Cayenne. Habang si Eros sapo sapo ang panga niya at titig na titig ng masama sa akin. "You're an ASSHOLE EROS!" sigaw ko pa.

"Please lang umalis kana! At sana naman wag ka ng magpapakita sa amin!" Matigas na sabi ni Cayenne. Agad namang tumayo si Eros.

"Babalik ako! At gagawin ko ang lahat para mabawi ko kayo Cayenne! Walang makakapigil sakin!" Pagbabanta niya at tuluyan ng umalis.

Hindi ako makapaniwala na nagpakita na naman ang hayop na lalaking iyon. Agad na chineck ni Cayenne ang kamao ko na namumula.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong niya. Nawala lahat ng galit na nararamdaman ko ng makita ko sa mga mata ni Cayenne ang pag aalala sa akin. She's mine now. Hindi ako papayag na makuha pa siyang muli ng walang kwentang lalaking iyon. Wala siyang karapatan para maging asawa ni Cayenne lalo na't maging ama para kay Alden.

"I won't let him hurt you again Cayenne, I love you" Malambing na sabi ko sa kanya. She smiled at me at niyakap ako ng mahigpit.

"I know and I love you too" Matamis na sagot niya.

Those words are enough for me to fight for them.

Hinding hindi na sila masasaktan at mahihirapan hanggat nabubuhay ako..





-

Author's Note


OMG ! Nagbalik na si Eros..

hmmmm

who's with Topher's side?

and who's with Eros?


Vote and Comment :)


please read my other story

I Put A Spell On You by UntamedAstra




I am what ? ...... PREGNANT ?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon