Chapter 39

3.7K 69 2
                                    

Topher's POV

"I love you too" Those magic words! Para akong nasa ulap!

Ang babaeng pinakamamahal ko sa wakas mahal na rin ako!

"Finally!" I said. Nagnining ning ang mga mata niya.

Parang yung ning ning ng mata niya dati pag sinasabi niyang mahal niya si Eros. Pati na din kapag sinasabi niya iyon sa anak niyang si Alden.

It means talagang sincere siya sa sinasabi niya.

Pero agad ding nawala ang ning ning sa mga mata niya. Napalitan ng lungkot. Napakunot noo ako.

"What's wrong Caye ? Hindi ka ba happy ?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.

"No don't think that way Topher. Its just that pakiramdam ko hindi ako karapat dapat para sayo" Malungkot na sabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Shhh! Don't say that! You're perfect for me! You and Alden are my gems okay? Don't ever think of that" Sabi ko habang hinihimas ang buhok niya.

"Thank you Topher, Ang tanga tanga ko noon. Hindi man lang kita nabibigyan ng halaga" Malambing na sabi niya.

"It's never too late my queen" Pabirong sabi ko. Humarap siya sakin.She rolled her eyes at hinampas ako sa braso. Alam kong masaya na siya ulit dahil nananakit na siya.

"Ikaw talaga puro ka kalokohan!" Sabi niya sabay hampas muli sa braso ko. So kaya pala ako nagpupursige na magpalaki ng katawan para hampasin niya.

"Are we official?" Nag aalangang tanong ko. Nag isip siya saglit sabay ngiti and then gave me a nod. Sa sobrang tuwa ko binuhat ko siya at inikot ikot siya.

Natatawang nagpupumiglas naman siya sakin.

"Topher ibaba mo nga ako, para kang bata" Reklamo niya. Yup! Whenever na kasama ko si Cayenne nawawala pagkamacho ko. She makes me whole and carefree.

Nang makilala ko siya noon, yun ang panahon na nagrerebelde ako sa buhay. Pero dahil sa kanya natuto akong maging masaya ulit at magmahal.

"Mommy! Dada!" Isang mala anghel na boses ang tumawag samin. Oh! I almost forgot about our son. Yes! Our son! Mula ng dumating sa buhay ko si Alden. Itinuring ko na siyang sarili kong kadugo. Kaya akin na silang dalawa ngayon. Ang dalawang pinakamamahal kong tao sa buong mundo.

Tumakbo si Alden palapit sa amin. At nang makalapit siya agad ko siyang binuhat at hinalikan sa pisngi.

"Baby, May goodnews kami ni Mommy sa'yo" Sabi ko kay Alden. Naexcite naman ang bata.

Sumulyap ako kay Cayenne. Kitang kita ang pag aalangan sa mukha niya.

"Caye I'm sure Alden will understand. At isa pa parang ako na rin naman ang Daddy niya. So I think dapat malaman niya" Tumango tango si Cayenne at ngumiti.

"Alden you know what? sooner or later magiging tunay mo na talaga akong Daddy" Lumawak naman ang ngiti ng bata.

"Really Dada? I want you to be my Daddy forever Dada!" Sabi ni Alden sabay yakap sakin ng mahigpit at halik sa pisngi ko.

Napaka lambing talaga ng batang ito. Pakiramdam ko nasa langit ako dahil kasama ko ngayon ang mga taong mahal ko.

Ang mag ina ko!

Kumpleto na kami!

May Mommy!

May Baby!

at syempre may Daddy!

I'll be the best man for Cayenne and I'll be the best father to Alden.

I love them so much!










Author's POV

In USA

"Mom! Please hayaan niyo na akong puntahan ang mag ina ko!" Pagpupumilit ni Eros sa kanyang ina.

Ipinadala kay Eros ang litrato ng kanyang mag ina. Matagal tagal din bago siya makabalita sa mga ito dahil maingat ang mga itong nagtago.

"I want to be with them! Hihingi ako ng tawad kay Cayenne. Pakakasalan ko siya kung kinakailangan makuha ko lang sila ng anak ko!" Maiyak na iyak na sabi niya.

Sobrang saya ni Eros ng makita ang larawan ng kanyang anak. Halos madurog ang puso niya na ibang tao ang pumupuno sa pagmamahal na dapat na siya ang nagbibigay.

"I want them back Mom! Mahal na mahal ko sila!"

"Anak calm down! sa tingin mo matatanggap ka pa ni Cayenne at ng pamilya niya ? Hindi mo ba nakikita ? Masaya na si Cayenne maayos din naman ang anak mo" Sabi ng Ginang ng may pag aalala sa mukha.

Naputol ang usapan nila ng pumasok sa kwarto ang Ama ni Eros.

"Let him be a man, May karapatan siya sa anak niya. Hindi man siya matanggap ni Cayenne sa anak niya dapat lang na maging parte siya ng buhay ng bata" Sabi nito. Bumaling naman ito kay Eros. "Son gawin mo ang sa tingin mo ay tama! Pero kung di sila pumayag gawin mo ang lahat para ilaban ang custody ng bata. I want my grandson gusto din naman namin siyang makasama ng Mommy mo, dugo't laman mo siya tandaan mo yan"

Lalo namang naging determinado si Eros sa sinabi ng kanyang ama.

At desidido na talaga siyang bumalik sa Pilipinas para puntahan ang mag ina niya.

"Wait for me Alden, Daddy's coming for you!" Sabi niya sa isip niya.








---

Author's Note

thanks for reading..
enjoy..

please read my other story and be my proofreader :)

I PUT A SPELL ON YOU

yan po ang tittle..

I am what ? ...... PREGNANT ?!Where stories live. Discover now