Chapter 13: Bagong simula

20 2 0
                                    

Nakapasok din kami sa wakas sa loob ng gusali ng ligtas.

Nang bigla sumagi sa isipan ko na nag-iba ang pag-uugali ng mga nilalang na 'yon.

Baka makaakyat sila sa gusaling ito.

Tatakbo na sana ako paakyat sa itaas nang biglang may sumulpot pababa na isang lalaki.

May katangkaran ito at mahaba ang buhok. Nakasuot ng tank top na camouflage. May dala rin itong baril na maaaring ginamit nya sa pagpapasabog ng tangkeng balak kong pasabugin.

"Wag kang mag-alala bata, di sila makakaakyat dito."

Wala akong nakitang pangamba sa kanyang mukha kaya't nagtiwala na lamang ako sa kanyang sinabi.

"Ako nga pala si Giovanni at ito naman ang asawa kong si Helga."

Tinuro nya ang babaeng katabi ni Grace.

Ngumiti lamang ito sakin pati na rin kay Grace.

"Ako naman si Rogelio at si Grace naman ang batang kasama ko."

"Ang cute ng aso mo, anong pangalan nya?"

Nilapitan ng babae ang alaga kong aso at hinimas-himas ang ulo nito.

"Bagwis ang pangalan nya."

"Bagwis. Napakagandang pangalan para sa isang aso."

"Ikaw ho, anong pangalan ninyo?"

Lumapit ako sa kasamahan nilang lalaki.

"Di na importante iyon pero kung mong malaman, sige. Ang pangalan ko'y Ivan."

Pumunta si Grace sa aking likuran at parang natatakot sa kasama naming lalaki.

Tumawa lamang ito.

"Tinakot mo 'yung bata Ivan, anlaki kasi ng boses mo."

Lumapit ang babaeng nagngangalang Helga kay Grace at hinawakan ang kamay nito.

"Wag kang matakot sa kanya, ganyan lang talaga ang boses at itsura nyan pero mabait 'yan"

Agad namang kumalas si Grace sa aking likuran at sumama kay Helga.

"Halika, ituturo ko sa'yo ang magiging kwarto natin."

Nagpatangay naman si Grace sa bagong kakilala.

Biglang nagsalita si Ivan.

"Bukas na bukas din ay lalabas tayo dito, dumami na kasi ang bilang natin at di sasapat ang imbak nating pagkain dito kaya maghahanap tayo bukas ng mga supply."

Tumango na lamang kami ni Giovanni.

Umalis na si Ivan at pumunta sa kanyang pwesto.

Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng gusali.

Iba't-ibang klase ng mga baril ang nakita ko. May mga bala rin at magasin ng bala.

Inaya ako ni Giovanni na mapunta sa kusina.

Nagtimpla sya ng dalawang tasa ng kape para sa aming dalawa.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa amjng mga buhay nung di pa dumarating ang unos na ito.

Napag-alaman kong dati palang Accountant ng bangko si Giovanni at Nurse naman si Helga.

Nalaman ko ring sampung taon ang tanda nya sa'kin.

Tatlongpung taon na sya, mas matanda sya ng dalawang taon sa kanyang asawa.

At napag-alaman ko din ang mga bagay-bagay tungkol kay Ivan.

Retirado pala syang sundalo. Nagkaroon sya ng anak at namatay ng magsimula ang delubyong ito.

Sa matindi nyang galit ay naging bato ang kanyang puso pero hindi ko ito nakikita sa kanya.

Alam kong mabait na tao si Ivan.

Naikwento nya rin sa amin ang pagtatalo nila para kami ay sagipin.

Matagal na pala nila kaming minamanmanan.

Hindi payag si Ivan sa plano ng mag-asawang iligtas kami pero sa huli ay napilit nila ito.

Hanggang sa di nila inaasahan ang aking agresibong hakbang.

Pangahas daw ako ayon sa sinabi sakin ni Ivan pero nakuha ko daw ang respeto nya.

Sa aming pag-uusap ay di namin namalayan na kumakagat na pala ang dilim kaya't napagpasyahan naming umakyat na sa aming kwarto.

Bago pa man kami makarating doom ay hiniling ko kay Giovanni na tumungo sa pwesto ni Ivan.

Tinuro nya sa'kin ang daan.

Nakarating kami sa ikatlong palapag ng gusaling ito.

Nakita ko si Ivan na masinsing nagbabantay mula sa kanyang pwesto.

Mangilan-ngilan nalang ang nakikita kong infected ang nakakalat sa kalsada.

Di ko alam kung saan napunta ang iba sa kanila.

Isa-isa naman silang pinapatumba ni Ivan.

Bawat putok ng baril ay tumatama sa kanilang ulo.

Magaling sa paggamit ng baril si Ivan.

Walang sablay ang kanyang mga tira.

Masasabi kong naging isang magaling na sundalo dati si Ivan, ang mga tulad nya ang kelangan ng bayan.

Napansin ko ring napapalibutan ng barb wire ang buong gusali.

Ang sabi sa akin ni Giovanni ay may kuryente ang mga wire na iyon kaya't wala kaming dapat na ipangamba.

Napansin kami ni Giovanni ngunit agad din syang bumalik sa kanyang ginagawa.

Nagpaalam na kami sa kanya.

Tumango lamang sya.

Pinuntahan namin ang kinalalagyan nila Grace.

Natagpuan namin silang naghaharutan.

Nakita ko sa orasan na mag-aalas-otso na kaya minabuti na naming lahat na magpahinga na.

ApokalipsisWhere stories live. Discover now