Chapter 11: Plano

14 1 0
                                    

"Aalis ka na ba talaga buknoy?"

"Oo, kelangan kong makapag-aral at makapagtapos ng kolehiyo para may maipagmalaki ako sa mga magulang ko."

"Hindi ba pwedeng dito ka nalang mag-aral? Dun sa karatig bayan, may kolehiyo roon."

"Pero sayang naman 'yung full scholarship na nakuha ko sa Maynila."

"Eh may pera naman kayo eh."

"Ayokong gamitin ang pera ng mga magulang ko, ang gusto ko, sariling sikap ang magiging puhunan ko."

"Di ka na ba talaga mapipigilan?"

"Alam mo naman na pangarap ko 'to, hindi ba?"

"Mamimiss kita."

"Ako din naman eh, saka wag kang malungkot. Babalik naman ako dito sa pasko."

"Promise?"

"Oo, tama na'ng kakaiyak. Papangit ka lalo nyan eh."

"Di ako pangit ah. Maganda kaya ako."

"Sino nagsabi?"

"Si Itay saka si inay."

"Hahaha, basta Gelay, susulatan kita."

"Aasahan ko 'yan Buknoy."

"Pangako. Babalikan kita at ang lahat ng lugar natin."

- - - - - -

Mabilis na lumipas ang mga araw at naghihintay pa rin ako sa muling pag-aanunsyo ng mga taong iyon sa radyo.

Minsan naiisip ko na baka nakain na sila ng lupon ng mga nilalang na iyon.

Hindi tao ang tawag ko sa mga nilalang na iyon dahil walang tao ang kayang kumain ng kapwa nila tao kundi isang halimaw lamang.

Paubos na ang pagkain dito sa loob ng grocery.

Pero ang mga halimaw na iyon ay patuloy na nadaragdagan.

Di ko alam kung paano pa kami makakatakas sa lugar na ito.

Mababaliw na ata ako.

Pero kelangan kong tibayan ang aking loob para sa'min ni Gelay at para sa kababata kong si Gelay dahil nangako ako sa kanya na babalikan ko sya.

Magpapakatatag ako.

Agad akong nag-isip ng paraan para makaalis dito.

Ayokong mabulok kami dito ng panghabambuhay sa lugar na ito.

Naghanap ako ng aking mga kakailanganin sa aming pagtakas.

Napunta ako sa kusina at kinuha ang isang tanke ng gasolina.

Balak kong pasabugan ang mga nilalang na iyon.

Nag-isip pa ako ng mga susunod kong hakbang.

Nang naplano ko na ang gagawin naming pagtakas ay sunod kong tinignan ang maps ng lugar na ito at planuhin ang mga rutang dadaanan namin.

Naisaayos ko na ang plano, tiyak ang aming kamatayan kapag pumalpak ang planong aking ginawa.

Pero wala akong ibang pagpipilian, mas mabuti pang itaya ko ang mga buhay namin kesa sa maghintay lang ng aming kamatayan.

Inilagak ko ang tangke ng gasul sa terraces ng ikalawang palapag at pinapunta si Grace kasama si Bagwis malapit sa tarangkahan.

Kinuha ko ang lahat ng kailangan kong gamit at mga natitirang pagkain sa stall.

Bumalik ako sa ikalawang palapag.

Bago ko isakatuparan ang aking plano ay taimtim akong nagdasal. Bahala na ang Diyos sa aming mga buhay.

Tinignan ko ang mga halimaw at wala silang kamalay-malay sa nalalapit nilang katapusan.

Kinakabahan ako sa mangyayari.

Bahala na.

ApokalipsisWhere stories live. Discover now