Jeoldae's POV
Hayst. Di ko alam kung paano ko sisimulan ang araw nato, ang araw na wala na sa tabi ko ang mga magulang ko.
Kahapon lang nilibing ang mga magulang ko, namatay sila nang dahil sa isang aksidente.
Si Aunti Leeyan ko ang kumupkop sakin, meron siyang anak na tatlo, sila Yumi, Jaemi, at si Yuri. Mga maldita ang mga pinsan kong yun.
Pero kahit papano nagpapasalamat ako sa kanila kasi kung di dahil sa kanila di ko makikila ang famous boy group sa Big High University na BTX.
Sila Jin, Suga at Jungkook. Naging fangirl nila ako simula nung nakita ko silang pinapanood nila Yuri sa laptop nila, performance ata nila yun.
Mula nung gabing yun, naging fan nako ng BTX. At nalaman yun ng mga pinsan ko kaya nagalit lalo sila. Inaagaw ko daw kasi yung idols nila, as if naman na mapapasakin yung mga yun kahit na si Jin lang. Hahaha! Joke.
Si Kim Seok Jin naman kasi talaga ang crush ko sa kanila. Mabait kasi siya kahit naman sila Suga at Jungkook. Mas naging masaya pa ako nung nalaman ko pang kaklase ko silang tatlo kaya inggit na inggit yung tatlong pinsan ko.
Hayst. Ako nga pala si Jeoldae Park. Siguro naman tama na itong intro ko. Haha! Okay let's start.
YOU ARE READING
Until We're GONE
RandomPaano kung bigyan ka ng pagkakataon na tuparin ang kahilingan mo na magkaroon ng mga taong mag-aalaga at magtatanggol sayo? Pero paano rin kung dumating ang panahon na mawala sila sa tabi mo? Magiging masaya ka ba dahil sa pagpaparaya nila o malulun...