Special Chapter

7.2K 118 6
                                    

Author's Note: Sorry kung nabitin kayo sa story. Eto po yung special chapter para sa story nila Brayden at Levie. Happy reading! ^_^

Brayden confessed everything Levie has to know. Every single detail maging ang tungkol sa kanila ni Lexy. Hindi naman masama ang loob ni Levie dito. In fact, she's been thankful to Lexy. Somehow, she's the reason kung bakit sila nagkakilala ni Brayden. Kung di naman kasi sya dinalaw ni Brayden, hindi sila magtatagpo.

And after 2 months of courting, sinagot na rin ni Levie si Brayden. That 2 months is more than enough para sagutin si Brayden. He has done so many things to prove his worth to Levie. He even managed to talk to Levie's Dad para lang hindi na nito ituloy ang arranged marriage na isinet nito for Levie. And after continuous visits at pakikipag-usap sa family ni Levie, pumayag na rin ang mga ito.

After 3 years of being in the relationship, nagdesisyon na si Brayden na mag-propose kay Levie. It was a proposal na hindi mo talaga ieexpect.

"Babe, san ba kasi tayo pupunta? Bakit ba kailangan pang nakapiring ako? Tinatakot mo naman ako ih", tanong ni Levie.

"Babe, relax. Wala ka bang tiwala sa boyfriend mo? Chillax ka lang dyan. Malapit na tayo", sagot naman ni Brayden.

Brayden brought Levie sa puno kung saan sila unang nagkakilala. Did you remember? Yeah! Sa may sementeryo. Everything was set nun dumating sila.

"Babe, andito na tayo. Lika, I'll guide you", wika ni Brayden.

"Nasan ba kasi tayo? Ang creepy mo ha!", singhal ni Levie. "Ang hangin naman dito. San mo ba kasi ako dinala?", tanong pa din ni Levie na kabadong kabado na.

Every one is present except for their parents na masyadong busy. But their other relatives such as Brenda and Keila, si Tommy and close friends, andun naman sila to witness everything.

Sa may puno, nakasabit na dun ang mga katagang, "Will you marry me?" na unang unang makikita ni Levie once na tanggalin na ang piring sa kanyang mga mata.

"Ready babe?" tanong ni Brayden.

'How can I be ready e wala naman akong nakikita? Ano ba naman kasing---" ngunit hindi na natapos ni Levie ang sinasabi dahil napaiyak na ito.

The tree where they first met, it was decorated with their pictures, well lighted and nakita ni Levie ang mga katagang gustong sabihin ni Brayden. Naroon din ang lahat na may hawak hawak na puting rosas na may mga pictures din nilang dalawa.

"Babe, I want to thank you. Thank you for healing me. For securing my once fragile heart. I want you to know that my heart has fully recovered because of you. You gave that one special love that completed what's missing in me. I want to formally ask you, are you willing to spend your lifetime with this man in front of you? Will you be my wife and spend every single moment with me? Will you marry me Ms. Leilanie Vianca Dela Torre and bear my surname forever?", masuyong sambit ni Brayden sa ngayoy' umiiyak ng si Levie.

"OMG! Talagang dito mo napiling mag-proprose ha? I can't believe this. Pero all I want to say is thank you for entering my life. You've always been there supporting me sa lahat ng mga pangarap ko. You've push me to the extent na alam mong kaya ko. Kaya nga eto, nakatayo ng school para sa pagtuturo ko ng painting sa mga bata. Thank you for loving me", sambit ni Levie.

"So, what does that mean?" nagsisigurong tanong ni Brayden.

"Kahit san ka man magpropose Mr. Brayden Gutierrez, I will always, always say YES!", sagot ni Levie.

"Yes?", ulit ni Brayden.

"Yes!", ulit din ni Levie.

"YES! It's a yes! Pakakasalan nya ko. Yes! Did you all hear that? Oh my God. I love you Levie. I love you soon to be Mrs. Levie Dela Torre-Gutierrez", tuwang tuwang sambit ni Brayden at nagpalakpakan ang lahat ng naroroon at sumisigaw ng "Kiss! Kiss!" and then, they sealed it with a tender sweet kiss.

(Fast Forward – Wedding Day)

"Tita Levie, you are so pretty. Paglaki ko, I want to be like you and syempre, I also want to marry someone like Tito Brayden", wika ni Keila.

"Thank you baby. But now, focus muna sa studies okay? You're still young para sa mga ganitong bagay", sagot naman ni Levie.

"Of course Tita", sambit pa ni Keila.

"Promise?", sabi ni Levie.

"Promise!", sagot ni Keila at nag-pinky promise pa sila.

It was a church wedding. Simple lang since yun ang gusto ni Levie. Intimate ang naging wedding. More on close friends and relatives ang present sa wedding. Hindi mawala ang ngiti sa labi ng bawat isa. Napakasaya ng lahat. Nagsimula na ang wedding ceremony. Lahat ay nakatutok sa pagpasok ng groom at higit, ng bride.

The groom was wearing a white tux with a red rose pinned on it. Napakasimple lang ng attire ni Brayden ngunit lutang na lutang ang kagwapuhan nito. Brayden was indeed a handsome man and every girl's man of dreams.

It was the moment for the bride to come in. Halos parang hindi sila makahinga habang naghihintay na pumasok sya. And when the time came, everyone was so amazed. Nangingibabaw ang ganda ni Levie wearing that simple gown which is hindi revealing. Hindi rin naman overdesigned. Simpleng simple lang pero ang elegant tingnan kay Levie. As she walked down the aisle, everyone was looking at her and citing their comments, "Ang ganda naman nya!", "Beautiful!", "Ang blooming nya naman!", at marami pang iba.

Levie was just keeping her biggest smile to everyone specially to the man waiting for her at the altar. Pinipigilan nyang maiyak sa oras na yun. All she wanted to do is to keep calm and just feel the moment she has. And so the wedding day went on.

Author's Note: Eto na po ang katapusan ha? Pasensya na kayo kung hindi ganun kabonggacious ang ending. Actually, mas mahirap tapusin ang kwento kesa simulan. Anyways, I do hope maappreciate nyo pa rin. Thank you for reading this story up to end! Love you folks! Happy holidays! ^_^


The Billionaire's Fragile HeartDove le storie prendono vita. Scoprilo ora