Chapter 2_Don't Mess with Me

8.2K 145 1
                                    

Days passed by so fast. Pag may pagkakataon ay bumibisita ang kanilang ina sa France. As expected, hindi nito kasama ang kanilang ama. So business minded. Kaya naman wala itong kaalam alam sa kanilang mga plano.

(Brayden's POV)

"Mom, it's nice to see you again", bati ni ko sa aking ina.

"Good boy ka ba dito anak? Bakit parang namamayat ka?", nag-aalalang tanong nito.

"Ah, marami lang projects sa university Mom. Napapadalas na puyat", sagot ko. Bukod pa rito ay masyado ring naging busy sa restaurant dahil dumarami na ang mga customer nito. Hindi naman kasi alam nito na nagpa-part time sya at iba ang kursong kinuha nito.

"Ganun ba anak. Naku, kakain ka ng maayos ha? Wag kayong magpapabaya ng ate mo rito. Dalawang taon na lang at pareho na kayong magtatapos. Magmamasteral ka pa ba anak?" tanong ng aking ina.

"Ah hindi na Mom. Once we graduated, I'll come home with Ate Brenda", sagot ko.

"Speaking of your Ate, nasaan ba sya?", paghahanap ng Mommy ko kay Brenda.

"I'm here Mom!" sagot ni Ate Brenda na kadarating lang na agad naman yumakap at humalik kay Mom.

"San ka ba galing hija?", pag-uusisa ni Mom.

"May inasikaso lang ako sandali sa labas Mom.", sagot ni Ate.

"Baka may boyfriend ka na anak ha?", wika ni Mom. Nasamid naman si Ate sa sinabing iyon ng aming ina.

"Syempre, wala pa Mom. I miss you. Tagal mo ding di kami nabisita ah", may hinampong sabi ni Ate at pag-iiwas sa topic. Actually, sila na ni Greg. Pero hindi pa rin buo ang tiwala ko sa lalaking yun.

"Anak, alam mo naman na kailangan ako ng Dad ninyo sa bahay. Napakarami din kasi ng trabaho nya roon at halos kabi-kabila na rin ang mga meeting nya", sagot naman ng kanilang ina.

"Business!", sabay na sagot namin ni Ate Brenda at nagkatawanan kaming lahat.

"Mom, c'mon, kain na tayo. Mom, ang sarap magluto ni Brayden, promise! Sya na ang nagluluto ng pagkain namin araw-araw", pagmamalaki sa akin ni Ate.

"Naku si Ate, nambola pa. May kailangan yan", pang-aasar ko.

"Ui, hindi ah. Totoo naman yun na masarap ka magluto", Ate answered back.

"O sya sya, tayo na at nang matikman na yang luto ng kapatid mo", aya ng aming ina.

Pinagsaluhan namin ang mga niluto ko. Masaya kaming nagkakwentuhan. Marami rami rin kaming napag-usapan. Ilang araw din na mananatili si Mom dito sa France para samahan kami. At since bakasyon naman kami, pinili naming mamasyal habang andito sya.

Pasyal time. We've decided na pumunta sa paris. Pumunta kami sa isang sikat na restaurant doon. Habang kumakain, may napansin ako sa kanang bahagi ng restaurant, si Greg at may kasama itong babae. "Ang walanghiya! Sinasabi ko na nga ba at wala syang gagawing maganda sa kapatid ko", isip ni Brayden.

"Wait, I changed my mind. Naalala ko bigla yun ni-recommend na restaurant ng kaibigan ko. Masarap daw dun. Dun na lang tayo pumunta", pagbabaling ko sa atensyon nina Ate at Mom.

"Ah sige. San ba yun kapatid? Lead the way", wika ni Ate.

Laking pasalamat ko naman at hindi nito napansin ang mga nakita ko. Pinauna ko sila nang bahagya at agad ko namang kinuhanan ng litrato sina Greg at ang kasama nitong babae. Sakto naman na hinalikan ng tarantado ang babae. Wala na syang ligtas. "Hintayin mo lang. Babalikan kita para sa kapatid ko. Ang lakas din ng loob mong lokohin ang kapatid ko. Connard!", galit na galit na sigaw ng isip ko.

The Billionaire's Fragile HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon