Chapter 1_The Billionaire Boy

21.7K 251 3
                                    

Brayden graduated highschool and his father, Mr. Martin Gutierrez, decided to send him to France para dun mag-aral ng Kolehiyo. Gaano man kantindi ang kanyang pagtanggi sa kursong napili nito at sa pagpapaaral sa ibang bansa ay wala pa rin syang nagawa. Kahit nauunawaan sya ng kanyang ina na si Annie ay wala pa din itong magawa. Dahil pagdating sa pamilya nila, batas ang salita ng kanyang ama. Kaya nga ultimo ang nakatatanda nyang kapatid na si Brenda ay sunod lang sa gusto nito.

"Ma, bakit ba kasi kailangan pang dun ako sa France mag-aral? Marami namang competitive universities dito sa Pilipinas di ba? Tsaka hindi ba talaga pwedeng yun gusto kong kurso ang kunin ko? He knows from the first place na hindi ko gustong patakbuhin ang kumpanya ng pamilya. Gusto kong magkaron ng sarili kong business", Brayden exclaimed.

Hindi nila namalayan ang pagpasok ng kanyang ama sa silid.

"At ano ang gusto mo? Ang magtayo ng isang restaurant? Yun restaurant na kakarampot lang naman ang kikitain? Are you out of your mind? Alam mong ikaw lang ang anak kong lalaki sa pamilya. Natural lang na ikaw dapat ang magpatakbo ng kumpanya", wika ng kanyang ama. "Sa ayaw at sa gusto mo, sa France ka mag-aaral at ikaw ang mamamahala ng kumpanya pagka-graduate mo. That's final!", dagdag pa nito at lumabas na.

"Anak, sundin mo na lang ang ama mo. Alam mo namang hindi natin maaaring suwayin ang kagustuhan nya. Kaya unawain mo na lang sya. Iniisip lang nya ang kinabukasan mo", wika ng kanyang ina.

"No Mom! All he thinks about is his business. He never really considered our own decisions!", saad ni Brayden na kitang kita ang pagkadismaya sa kanyang ama.

Although he disagreed with what his father wanted, wala na rin nagawa si Brayden kung kaya't kinabukasan ay tumungo na sya papuntang France. Andun na rin ang kapatid nya at kasalukuyan na ring nag-aaral doon, sunod din sa kagustuhan ng kanilang ama. Dalawang taon na lang at gagraduate na ang kanyang ate.

(Sa bahay nila sa France)

"Kapatid, how are you? It's been long since I last saw you. Ang laki mo na pala talaga. Binata ka na", masiglang bati ng kanyang ateng si Brenda.

"As usual, not good! I really don't want to study here. For the sake na masunod ang kagustuhan ni Dad, I'm here but I have my own plans and no one can stop me", Brayden said.

"Ooohh, what are your plans then? Susuwayin mo si Dad?", Brenda asked.

"Not really. Pero gagawa ako ng paraan para makuha ko din ang gusto kong course. At hindi nya ko mapipigilan", wika ni Brayden.

"Ang tapang mo talaga kapatid. How I wish kaya ko din gawin yan", Brenda.

"Kaya mo naman Ate e. Kulang ka lang sa lakas ng loob. Andito naman ako para suportahan ka e", Brayden.

"Alam mo naman na gusto kong patunayan na deserving din ako sa tiwala ni Dad. Umpisa pa lang kasi e alam naman nating ikaw na ang napupusuan nyang mag-manage ng kumpanya. Iniisip nya na dahil babae ako, hindi ko kayang patakbuhin yun", Brenda.

"So you mean, gusto mo talagang i-manage ang kumpanya ni Dad, tama ba?" Brayden asked.

"Oo naman. Bata pa lang tayo e inoobserbahan ko na si Dad. Every time na isinasama nya tayo sa kumpanya e pinapanood ko sya nang mabuti kasi pangarap kong magpatakbo ng ganitong kalaking business", saad ni Brenda.

"Hm, you gave me a very good idea Ate. Don't worry, you'll be running that company. I'll make a way", Brayden said and winked after.

"Naku, ikaw talaga. Baka makagalitan ka nyan ni Dad ha?", nag-aalala namang sabi ni Brenda.

"Don't worry Ate. Trust me. Basta, pagbutihin mo dyan. Now na may ganito na, I'll just fully take the course na gusto ko. While you, ituloy mo yan at ideretso mo into a masteral course. Sabay tayong uuwi sa Pilipinas." Brayden convincingly told her sister.

The Billionaire's Fragile HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora