Feels like in heaven

6 1 0
                                    


Sa isang paaralan, mayroong isang estudyanteng babae na nagngangalang Sabrina na laging sabik pumasok ng eskwelahan dahil di umano'y doon lamang niya nakikita ang lalakeng kanyang lubos na hinahangaan o crush kung tawagin. Sa tuwing dumadating ang umaga ay excited na excited na ito na makita ang crush nya at sa tuwing makikita na nya ito ay kilig na kilig sya at feels like in heaven daw ang kanyang nararamdaman.

Lagi silang magkatext ng crush nya. Masyadong mabait si JP kay Sabrina kaya madaling nahulog ang loob nito sa binata. JP ang pangalan ng crush nya at kung titingnan mo ay close silang dalawa, kaso sa text nga lang dahil sa tuwing nagkikita o nagkakaharap sila ay parehas hindi makatingin sa isa't isa at pawang nagkakahiyaan. Laging nagbibigay ng sweet messages si JP kay Sabrina kaya syempre hindi nito mapigilang mangisay sa kilig.

Lumipas ang sabado kaya masayang masaya nanaman si Sabrina dahil buong araw nanaman silang magkakatext ni JP. Sobrang sweet ni JP kay Sabrina na para bang nagbibigay ito ng motibo sa dalaga na may nararamdaman din sya para dito.

Bago matapos ang araw ay may sinabi si JP kay Sabrina at walang ibang naging reaksyon ang dalaga kundi ang magulat. Nanlalaki pa ang mata nito habang binabasan ang text ni JP sakanya.

JP:

Gusto ko sanang malaman mo na nahuhulog na ako sayo. Yang ang nararamdaman ko. Isa lang ang tanong ko sayo, mahal mo ba ako?

Hindi na magkanda ugagá si Sabrina dahil sa mensaheng iyon. Dahil sa sobrang gulat, isa at simpleng reply lang ang naibigay nya.

Sabrina:

Oo

At simula ng araw na iyon ay mas lalo pa silang naging sweet sa isa't isa. Maalaga at mabait si JP kaya sobra itong naging mahal ng dalaga. Makulit, malikot, pasaway at gago sa lahat ng pinaka gago si JP, pero kahit na ganun sya ay mahal na mahal pa din sya ni Sabrina.

Pinaparamdam ni JP na mahal nya si Sabrina. Umaasa naman ang dalaga sa lahat ng sinasabi nito sakanya.

Ngunit walang kaalam alam si Sabrina na kung paano sya tratuhin ni JP ay ganoon din sa iba pang babae...

Bestfriend (One shot)Where stories live. Discover now